11: Jealous Elijah

164 28 0
                                    

Elijah's POV

Papasok palang ako sa room namin rinig ko na yung bulong bulungan na may kasama raw na babae si Dax ngayon kaya naman pag pasok ko sa room namin nakita ko si Dax na may katabi na isang babae. Napa isip ako sino naman siya? Biglang sumagi sa isip ko si Larah baka nga siya kaso naka upo siya sa pwesto ko. Nag tungo na ako dun kaya't napa tingin ito sa'kin.

"Dito ka ba naka upo?!" Malanding tanong niya

Tangina landi ah

"Ay hindi, malamang diyan wala na akong ma uupuan oh" taray ko na saad

"Sorry but Sir Nicolai told me na maupo ako sa tabi ni Dax dahil siya ang mfag tuturo sa'kin ng mga ibang subs" wika nito

So mag kakklase kami? Di wow

"Elijah dun ka na muna maupo sa tabi ni Mark" saad ni Dax

Huh?! This is the first time na tawagin niya mismo ang pangalan ko. Like dati dati naman Mako ang tawag niya sa'kin kaya nasanay na ako na tawagin niya ako sa Mako pero tawagin niya ako by my name nakaka panibago.

"S-sige" ikli kong batid

Napatingin ako kay Larah na ang sama ng tingin sa'kin like huh?! Tunalikod na ako at nagawi sa pwesto ni Mark tapos narinig kong nag tawanan sila Larah at Dax. Naka upo na ako sabay inakbayan ako ni Mark.

"G ka food trip tayo later?!" Saad nito sabay ngiti sa'kin

"G pang pawala ng bad trip ko, pero libre mo ah" saad ko

"Aba'y oo naman" saad niya

Pumasok na si Prof sabay sabi na mag pa kilala itong si Larah sa harap. Ito namang babae tumayo na suot ang mini skirt sabay ngumiti na sa harap. Pabebe amputa.

"Hi guys I'm Larah Tolentino simple girl and future asawa ni Dax"malanding wika nito

" EHHH!~" sabay sabay na reaksyon ng lahat.

"Yes you heard it right Future Montenegro ako" saad nito

Rinig na rinig ko ang mga reaksyon ng mga mga babae tapos yung mga kakklase kong mga bading na "tsk" "sus para paraan din" "hindi kayo bagay yuckkk" iilan lang iyan sa mga naririnig ko sa mga kakklase ko. Kaya naman naupo na si Larah sabay nag turo na si Prof para sa lesson ngayon dahil may quiz kami bukas.

"Gurl ano tara mag recess na?" Saad ni Yanang na sabay punta sa pwesto ko

"Arat" saad ko

Tumayo na kami sabay nag lakad na papunta sa hallway. Sumama na din sa'min si Mark dahil wala raw siyang kasama. Nakita naman namin na nag lalakad na sila Larah kasama si Dax papuntang Canteen na din.

"Tamo gurl grabe maka kapit yung babaitang yung parang tuko kung maka kapit" wika ni Yanang

"Yaan mo na" saad ko

"Pero nakaka panibago narinig kong tinawag ka sa mismong pangalan mo kadalasan Mako ang pag tawag niya sayo diba?" Saad ni Yanang

"Oo den" wika ni Mark

"Tsk hayaan niyo nalang wala namang mawawala sa'kin eh" saad ko

Nasa canteen na kami naka kuha na ng makakain. Ngayon naka upo na kaming lima kasama sila Loid at Hiro na tropa ni Dax.

"Si Larah na ba yan?!" Tanong ni Hiro

"Oo" ikli kong saad

"Ba't parang naging ang lamig mo na ngayon Elijah? Nag seselos ka ba?" Tanong ni Loid

"Ako?!" Tanong ko

"Oo~" sabay nilang apat na batid

"Ako mag seselos?! YUCKKK!" saad ko

"Talaga bahh?!" Saad ni Yanang

"HINDI" madiin kong saad

"Sabi mo eh, hayaan mo nandito naman ako mahal" wika ni Mark

"Mahal mo mukha mo" wika ko

Kumain na muna kami ng ianounce na wala palang pasok ngayong hapon dahil sa may meeting ang lahat ng Staff at Prof sa Faculty. Napag isipan nalang namin na mag liwaliw na muna kasama sil Loid at Hiro pati  gusto naman din nila kaya ayun sinama na namin. Kaso gustong dumama nila Dax at nung empaktang Larah na iyon. Wala na kaming nagawa kundi pumayag na din dahil sa malapit lang ang Mall sa University namin nilakad nalang namin habang nag lalakad kami ayun nag lalandian ang mga bwiset.

"Guys dun tayo sa bilihan ng Damit guys want ko kase ng mga Brad new Tops eh" malanding tono ni Larah

"Ano dun tayo?!" Tanong sa'min  ni Dax

"Bahala na" wika ko sabay kusilap

Kaya naman wala na kaming nagawa ayun na dapat mauwi kami sa pag lalaro sa Arcade napunta kami sa Bench at sa Oxygen para mamili ng yawang mga damit akin nga mga ukay lang eh.

"Babe i want this" malanding tono ni Larah kay Dax

"Ang landi amputa" bulong ko

"Narinig kita" wika ni Hiro na nasa tabi ko

Nanlaki nalang ang mata ko sa kanya.

Namili nalang ako ng croptop kong tatlo ang ganda kase ng disenyo eh kaya ayun binili ko na. Si Yanang bumili din ng isang Dress tapos sila Hiro at Loid bumili ng tig isang balck shirt. Nag bayad na ako sa counter bali 350 ang lahat na binili ko sabay lumabas na muna. Ilang minuto pa nag si labasan na yung mga kasama ko pati na din sila Dax at Larah na ang daming pinamili.

"Kain na muna tayo" pag sabi ko

"Pero di pa ako gutom eh" wika ni Larah

"Edi wag ka na munang kumain" taray ko na saad

"Dahan dahan ka sa pananalita mo Elijah"mataas na  malamig na tono ni Dax sa'kin

Sa pag kaka sabi niyang iyon parang may kung anong tumusok sa puso ko na di ko mawari kung ano. Nakaka panibago ka Dax.

"Oi bro teka lang yung tono ng boses mo" concern na sabi ni Hiro

"Hindi na pala ako nagugutom, sige uuwi na ako ingat kayo" saad ko sabay nag lakad na paalis

Hindi ko na silang tinignan bagkus nag lakad nalang ako paalis. Nakaka panibago si Dax nasan yung Dax na concern sa'kin nasan na yung tinatawag ako na Mako nasan na yung sweetness niya sa'kin?! Nakaka panibago talaga simula jung dumating na yung Larah na iyan sa tabi niya. Ako naman na gaga bakit kase pumayag sa pag kunsinte na pakasalan pa ni Dax iyang impakta na iyan.

Habang nasa biyahe ako pauwi sakay ng taxi alam niyo yung nag eecho sa isip ko yung sinabi sa'kin ni Dax na "Dahan dahan ka sa pananalita mo Elijah" tangina bakit ako nag kaka ganito?!

Naka uwi na ako at pumasok na sa bahay. Bumungad sa'kin si Kuya Eli na nag reready na para palitan yung shift ni kuya Ali sa store.

"Nga pala si Dax nag resign na mag fofocus nalang raw siya sa gaganapin na kasal niya" wika nito

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Eli tuluyan ngang nag resign na si Dax sa trabaho niya. Ano ba Elijah ano bang nang yayari sa'yo nag seselos ba ako? Pumasok na ako sa kwarto ko sabay open ng Facebook account ko unang unang shared post na nakita ko sa news fees ko ang post ni Dax na picture nila ni Larah na kanina sa bilihan ng damit na nag halikan ang sweet ng pose nila. Tangina parang may kung ano na tumusok sa dibdib ko na parang karayom na bumaon na parang ewan. Nag  seselos nga ba ako?! Bakit naman? Gusto ko ba si Dax?! Mahal ko ba siya?! Oo o Hindi?!

Ang daming tanong na sumasagi sa isipan ko na di ko naman masagot ng tama. Siguro nga nag seselos ako. Hayssst tangina talaga. Pero bakit ako mag seselos?  Bakit?! Dahil may feelings na ba ako sa kanya o na miss ko lang yung dating Dax na tinatawag akong Mako?!

____________________________________

Press the ⭐ below if you like this chapter and comment na din kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story syempre expect some ERRORS i'm still learning palang kase and also FOLLOW me to easily received updates. ENJOY READING<3.

                           -yuriiiverse

TRANS SERIES I: Loving The Unlovable [TRANSxMAN]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon