15: Larah's Secret

169 24 0
                                    

Elijah's POV

It's been a month simula nung sinagot ko si Dax bilang maging boyfriend ko. Naging maganda naman ang relasyon namin tamamg lowkey relationship pag nag tatampo ako ayun nanunuyo naman 'di ko mapigilan ang kyut niya pag nanunuyo parang bata na nag mamakaawa na bilhan ng ice cream sa magulang.

Katatapos lang ng klase namin tapos inaya ako ni Larah at Yanang na mag window shopping na muna kami bago umuwi. Gusto ko rin naman kaya sumama na ako 'di na namin pina alam sa mga boys kung saan kami pupunta lagi nalang kase silang napapa away basta ganun. Ilang minuto ng byahe para makarating kami sa Mall pumasok na muna kami agad sa isang stall ng damit para maka tingin tingin lang ganun ba. Pero hindi ang ending naka bili kami ng damit namin HAHAHA.

*****

Dalawang oras na kaming nag gagala dito sa mall at mag si-6 pm na pala kaya naman napag pasyahan na namin na umuwi. Nag kanya kanya na kaming landas para kama uwi na sumakay na ako ng cab kase mas mura ang bayad kesa sa taxi. Naka uwi naman na ako ng maayos na walang nangyayari pag pasok ko sa bahay nakita ko si papa na nanonood ng Darna na bagong palabas sa ABS-CBN oo katatapos lang kase ng Ang Probinsiyano nung nakaraan yan ang pumalit. Kumain na rin na ako habang ka chat si Dax na nag tratrabaho sa shop namin kasama niya pala sila kuya Ali at kuya Eli kase mag iinventory sila ngayon kase naman maraming stocks ang dumating. Pag katapos ko kumain umakyat na rin ako sa kwarto ko para maka ligo na muna kase nanlalagkit na ako inilapag ko na muna yung mga pinamili kong damit sa kama ko at pumasok na sa banyo ko para makapag shower na.

"Shake it shake it kembot dito kembot doon" ang pag kanta ko habang nag sasabon diba parang bata lang na naliligo bata pa naman talaga ako eh

Tapos na ako maligo at nakapag palit na rin nakapag patuyo na rin ng buhok at ngayon naka higa na sa kama ko at pikit pikit na yung mata ko nag paalam na rin ako kay Dax na matutulog ako 'di ko na inantay yung chat niya alam ko naman na nag tratrabaho siya.

Dax's POV

Pasado 10 pm na at kababa ko lang sa sasakyan ko katatapos lang rin ng trabaho ko at ngayon naka uwi na ako sa totoo kong bahay hindi na ako umuuwi sa apartment na nirerentahan ko dahil ang alam nila dad na kami ni Larah at wala na kaming pake sa mga mahal namin yun ang mga pag kaka alam nila di nila alam na nag papanggap lang kami.

Nag taka ako kase nandito ang sasakyan ni Larah baka dumalaw lang. Pero iba pakiramdam ko, kinibit balikat ko nalang at tsaka pumasok na sa bahay habang nag lalakad ako pagawi sa hagdan nakita ko na nag uusap sila Larah ay Dad na parang seryoso nag tago ako sa likod ng pader at pinakinggan ko ang kanilang pinag uusapan.

"So how's the plan?" Ang tanong ni Dad

Plan?!

"Well sumasang ayon sa atin ang plano tito" saad ni Larah

Huh?! Anong plano ang pinag sasabi nila?

"So keep it up at sa huli sa'yo parin si Dax kesa sa hampas lupa na iyon" wika ni Dad

"Ako na ang bahala sa baklitang iyon tito tamang pag papaka plastic kang sa harap nila hindi nila alam may balak ako, sa katunayan bukas ko na sisimulan ang plano ko" wika ni Larah

Huh?! Ang gulo hindi ko maintindihan.

"Pano tito mauna na ko" pag paalam ni Larah sabay tayo na sa kina uupuan niya.

Nag lakad na ako patungo sa hagdan para kunwari kararating ko lang. Saktong nag ka salubong kami ni Larah.

"Oh naka uwi kana" saad ni Dad

"Yeah" malamig kong tono

"See yeah Dax" saad ni Larah sabay halik sa pisnge ko na gina gulat ko hindi niya ito ginagawa pag kaharap namin si Dad

TRANS SERIES I: Loving The Unlovable [TRANSxMAN]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon