16: RATED 🔞

263 24 0
                                    

This content contains RATED SPG•
[READ YOUR OWN RISK]

Larah's POV

Kausap ko ngayon ang grupo na kaaway ni Dax nabalitaan ko kase na may gusto ang lider nila kay Elijah na si France oo kausap ko ngayon ang F3 na kaaway nila Dax. Sa madaling salita nakikipag sabwatan ako sa kanila para makuha ko ang buong atensyon ni Dax lagi nalang Mako dito Mako doon puro nalang Mako Mako Mako nakaka irita na anong meron sa baklang iyon na wala sa akin?

Nag iingat ako sa kinikilos ko ngayon dahil nakakaramdam ako na alam na nila Loid, Hiro at Dax ang pinag gagawa ko. Kaya mas lalo akong mag iingat ngayon.

Yanang's POV

Kapapasok ko palang sa Hannah Milktea shop na malapit sa university dahil sa nag crave ako sa milktea today. Kauupo ko palang sa bandang kanan na malapit sa salamin ng marinig ko ang boses ni Larah napa lingon ako at nakita ko na kaharap niya yung dating humahabol kay Elijah na dating kaaway na grupo nila Dax narinig ko ang sinasabi ni Larah na patungkol sa isang plano na gagawin nila? Teka anong plano? Pinakinggan ko ng maiigi ang mga bawat salita na sinasabi nila nung una hindi ko maintindihan pero nung narinig ko ang salitang KIDNAPIN SI ELIJAH halos masamid na ako sa iniinom ko buti nalang kamo hindi nila narinig teka bakit naman nila kikidnapin si Elijah at bakit kinakausap ni Larah ang F3? Nang makita ko na inabutan ni Larah ng isang kulay lupang sobre na parang busog na busog sa laman neto sa loob. Iniangat ng isang kulot na lalaki ang laman ng sobreng iyon at nakita ko ang isang bulto-bultong kulay asul na pera teka tig iisang libo yun ah at halong isang dangkal niya na pag hawak niya? Anong binabalak niyo?.

Agad na akong umalis at sa awa ng diyos hindi nila ako nakita lalong lalo na si Larah. Sinusubukan kong tawagan si Elijah ngunit cannot be reach ito kaya naman si Loid nalang ang tinawagan ko.

"Yes mahal?!" Bungad nito

"Nasan ka?" Pag saad ko

"Mahal naman namiss mo agad ako?" Wika niya

"Sumagot ka nalang nasan ka?" Wika ko

"Oh easy kasama ko sila Dax at Hiro bakit kase?" Saad nito

Agad ko naman sinabi sa kanila na mag kita kita  kami sa Plaza Miranda ngayon na dahil sasabihin ko ang mga nalaman ko ngayon. Halos isang oras ko silang inaantay at sa loob ng isang oras na iyon di ko pa rin ma reach out si Elijah tinawagan ko na rin sila Kuya Ali at Eli ngunit sabi nila umalis daw siya para bumili ng makakain niya pero lumipas na ang isang oras di oa raw siya nakaka uwi.

Nakita ko na patakbo na sa gawi ko ang tatlo kaya naman agad na akong tumayo sa kina uupuan ko para salubungin sila. Agad ko na rin sinabi sa kanila ang nalaman ko at tungkol kay Elijah. Bakas mukha sa ni Dax ang pag aalala kay Elijah kaya naman agad na kaming nag punta sa bahay nila Elijah at baka sakaling naka uwi na ito. Hanggang ngayon di ko pa rin ma reach si Elijah kaya mas lalo na akong kinakabahan. Di kaya na kidnap na nila si Elijah? Nakarating na kami sa bahay nila at sumalubong sa amin si Kuya Eli sinabing di pa raw nakaka uwi si Elijah. Si Dax nag paalam sa amin na uuwi na muna siya dahil baka kagagawan ito ng papa niya. Hinanap namin si Elijah kung saan saan si Hiro nag punta ng Munisipyo para tignan ang cctv sa mga lugar na maaring  puntahan niya at baka may makita siyang impormasyon.

Sila kuya Eli naman ay pumunta sa store nila para ipaalan nila kay tito na nawawala si Elijah at si Kuya Ali naman nag punta sa Police station para ireport ang nangyari. Samantalang kami ni Loid at inikot ang subdivision baka sakaling may pinuntahan lang si Elijah ngunit sa pag iikot ikot namin di namin makita si Elijah kahit na ang anino nito.

Dax's POV

Sa oras talaga na malaman ko na kasabwat si Dad dito sa pag ka wala ni Mako di ko siya mapapatawad. Kapapasok ko palang ng bahay nakita ko si Dad na nag babasa ng diyaryo at si mama naman ay pa baba ng hagdan. Agad kong kinuha ang diyaryo na dad at inihagis sa sahig.

TRANS SERIES I: Loving The Unlovable [TRANSxMAN]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon