CHAPTER 5

39.8K 1.7K 1.1K
                                    

Rivah

Nasa school library ako ngayon at kasalukuyang nakaluhod sa sahig ng banyo. Pakiramdam ko'y hinahalukay ng husto ang sikmura ko at parang mas lumala pa ata itong iniinda kong sakit kumpara 'nong mga nakaraang araw. Ramdam ko ang malayelo na lamig ng tiles ngunit nanuot parin sa buong katawan ko yung pawis.

I tried to fight for it by closing my eyes but it seems like it wasn't enough dahil sumusuka parin ako na parang walang katapusan.

"Gosh, Ri. Sa tingin ko kailangan na natin magpa-check up sa doctor, hindi na normal yang pag-susuka mo." concern na sabi sakin ni Yen. Kasama ko siya dito dahil sinundan niya ako.

"Huwag na, Yen. Pagod lang talaga ako, mawawala din 'to for sure." nag-angat ako ng mukha at marahan siyang nginingitian.

"Anong mawawala e ilang araw ka na ngang ganyan? Nag-aalala na kami sayo dahil baka na food poisoning ka na dyan."

"Ayos l-lang talaga a--" hindi ko natapos ang ibang sasabihin ko dahil muli akong sumuka.

"O tignan mo nga, yan ba ang sinasabi mong ayos lang?" hinagod nito ang likod ko. "Hala sige ilabas mo na yan lahat, ubos vicks at efficascent ko sayo e tsk."

Yun nga ginawa ko, isinuka ko lahat ng laman ng aking tiyan hanggang sa wala na akong mailabas. I then stood up and turned the faucet on to rinse my mouth. Kapagkuwan tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin.

Namumutla ang mukha ko at medyo haggard.
May napansin akong kakaiba sa aking hitsura pero hindi ko matukoy kung ano. Perhaps this is the result of the stress and anxiety i've been through these past few weeks.

"Okay ka na ba?" tanong ni Yen.

"Medyo." napipilitang sagot ko.

"Ayosin mo nga yang buhok mo, para kang nilampastangan ng isang dosenang maligno at tiyanak." inabot nito sakin ang suklay at face powder. "Wala sa lahi natin ang pangit, Rivah, umayos ka."

Agad ko din namang sinuklay ang buhok ko at saka naglagay ng kaunting face powder sa mukha. Nilagyan din ni Yen ng panyo ang likod ko na parang bata at pagkatapos lumabas na kami ng banyo at naglakad pabalik sa table namin.

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Maggie pag-upo namin. Bakas ang concern sa mukha nito.

"Medyo gumaan na nang konti." sagot ko.

"Ba't ba ayaw mo pang pag-check up?" tanong ni Sue. "Ilang araw ka ng ganyan, Ri. Nag-aalala na kami sayo, di ka naman ganyan dati ah."

"Thank you sa concern, Sue, pero ayos lang talaga ako. Resulta lang 'to sa pagod at stress ko sa trabaho at pag-aaral."

"Take it easy lang kasi." komento ni Gail. "Pero in fairness sayo ha, ang blooming mo pa rin kahit stress ka na."

"Tama." sang-ayon ni Maggie. "Anong skin care mo, Ri? Pabulong naman. Iba kasi yung awra mo ngayon e, nag-glow up ka."

"Huh? anong glow up pinagsasabi mo dyan e haggard na nga 'tong hitsura ko?"

"Sanaol ganyan ang hitsura pag haggard." hirit ni Sue.

"Bakit ano bang hitsura ko ngayon?" confused kong tanong.

"Blooming ka nga." ulit ni Gail.

"Tapos nag-ka laman ka din ng konti." dagdag ni Maggie. "Which is bagay naman. Di tulad 'nong mga nakaraang buwan na sobrang payat mo."

Medyo sang-ayon ako sa sinabi ni Maggie. Tama siya, nag-ka laman nga ako netong nakalipas na linggo. Napansin ko yun dahil masikip na sakin ang ilan sa mga damit ko. Nakakapagtaka dahil hindi naman ako matakaw kumain, minsan pa nga nalilipasan ako e.

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon