CHAPTER 12

54.7K 2K 1.8K
                                    


Kinaumagahan, nadatnan ko sila mama at papa nag-aagahan sa kusina. Wala si Billie sa usual niyang upoan kaya naman yung plano kong kumprontahin siya ngayon ay hindi natuloy.

Did she leave already? Na-bobother talaga ako sa ipinakita niyang attitude kagabi. What the fuck was that all about?

"O, hija. Hindi ka ba papasok sa opisina ngayon?" mom asked.

"I'll go later." sagot ko saka umupo sa tabi nito at nag-salin ng juice. "Where's Billie by the way?"

"Lumabas para mag jogging, pero babalik din yun mamaya."

"May problema ba siya?" di makatiis na tanong ko.

"I don't know. Why?"

"Because she was aggressive to me last night." sumbong ko.

"Oh? For what reason?"

"Yan ang gusto kong malaman kasi wala naman akong natandaang naging kasalanan sakanya. Umuwi lang siya dito kagabi at kwenulyahan ako tas inaway."

"Baka naman nanlalambing lang yun sayo. Kumbaga, sibling's love language." she joked.

"Ma, I'm serious. Tanongin mo nga siya, tell her why she's mad at me."

"Ask her yourself. Aattend pako ng Zumba Kwando-kwando dance ko mamaya. Tapos after nun, dederetso ako sa shop para bumili ng mga bulaklak pandagdag sa garden ko. I have no time for that."

Bumuga ako ng hangin saka binalingan ng tingin si papa. "Dad, kindly ask Billie why she's mad at me?"

"Sorry, I have no time for that either. Magiging busy din ako mamaya kasi pupunta ako sa farm para i-check yung mga alaga kong manok."

Amazing. Mas anak talaga turing nila sa mga alaga nilang hayop, bulaklak at mga plato compare sa'ming magkapatid. Ever since they retired from the company ito na ang pinag-kaabalahan nila. Hindi sila yung tipong mag-asawang gumagala sa iba't-ibang bansa. Instead, they stay home and raised weird ass stuff as their new source of hobby. Kind of amusing though.

"Anyways dear, ano na naman ba 'tong kumakalat na chismis laban sayo sa facebook?" changed topic ni mama. "Who's Penelope? Who's Rinoa? And who's Ingrid? Bakit galit na galit ang mga babaeng 'to sayo?"

I sighed. She must've been exploring that annoying app again. "Don't mind them."

"Well, I do. Your reputation might affect our company's image. Baka mag pupull out yung mga investors natin dahil sa mga kagagahang ginawa mo."

"Ma, na-explained ko na sayo 'to last week diba? Mga ex flings ko lang yun na nakisabay sa hate train laban sakin. Bini-bring up nila yung mga bagay na nangyari noon to seek public attention."

"And you're just going to let them do that to you? We should take a legal action on this. Pwede natin silang kasohan ng cyber libel tapos—"

"Huwag na, ma. Hayaan mo na sila, huhupa din yan." putol ko.

"Ikaw din naman kasi e." paninisi nito. "This would've happened if you didn't play with their feelings. Anak kita Ivanka at mahal kita, pero minsan di ko maiwasang sabihin na....buti nga sayo. Magtulong-tulong pa sana ang mga diyos ng karma para dagdagan ang karma nila sayo. And by that, you will finally learn your lesson; Na hindi ikinaganda ang paglaroan ang damdamin ng isang tao. Period."

"Ouch, ma. Ang sakit mo namang mang real talk."

"Totoo naman ah, don't get offended. Kaya nga hindi pako masyadong convinced dyan sa sinasabing mong, change image keme drama mo. Saka nako maniniwala pag may ipapakilala ka ng babae sa'min na maging asawa mo na. Yun kung may gustong pang mag seryoso sayo."

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon