CHAPTER 19

38.6K 1.6K 426
                                    


Later that evening, umuwi ako sa bahay na masaya. Tinawag ko pa lahat ng mga kasambahay namin para ibigay sa kanila ang kanilang early Christmas bonus. Nagtataka man ay buong pasasalamat naman nila yung tinanggap, though I told them not to tell my mom about it para sa ganon ay may matatanggap parin sila kapag actual holiday season na.

It's still 5:30 pm in the afternoon. For the first time ay nakauwi ako sa bahay ng ganito ka-aga. Usually kasi around 8pm na'ko nakakauwi dahil masyado akong focus sa MetroSky at Beaumanoir Airlines.

Time flies so fast diba? Kung dati ay labag sa loob ko ang gawaing pang-opisina ngayon ay mas gustohin ko pang manatili doon para siguraduhing maayos ang lahat at hindi palpak. I went from being a happy go lucky party girl to a responsible hardworking businesswoman. I kind of love that character development of mine.

I was humming an old yet trendy pop genre music habang palakad ako sa kinaroroonan ng hagdanan. Ngunit natigilan din ako nang makarinig ako ng tila may nag-uusap sa loob ng kusina, boses yun nila mama at Billie.

Ow? Himala naman at andito na ulit ang kambal ko. Palagi kasi itong wala sa bahay dahil laging busy at naka on duty sa headquarters. We rarely see each other these days, aside from that, tila ako nito iniiwasan sa hindi malamang rason.

Lalagpasan ko na sana sila dahil hindi ako interasado makinig sa pinag-usapan nila, pero tila may pwersang humihila sakin na pakinggan ang kanilang pag-uusap. Kaya naman kahit ayaw ko ay dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa intrada ng kusina upang pakinggan ang kanilang pag-uusap.

"Do you think your plan will work?" tanong ni mama kay Billie, bakas ang concern sa boses nito.

"I hope so, ma. Matagal ko na sana 'tong ginawa kaso naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para gawin yun." sagot ni Billie.

Mom sighed. "We could've told your sister about this a long time ago, BJ. Hanggang ngayon ay guilty parin ako kung ba't natin ito tinatago sakanya. Kapag nalaman niya 'to, for sure magagalit yun sa'tin pareho."

Napakunot-noo ako. Huh? Ba't ako nasali bigla??

"I know, ma. Pero sinunod ko lang din naman ang utos ni Ri sakin e." ani Billie. "Sabi niya kapag handa na daw siya, siya na mismo ang bahala kung paano niya kakausapin si Ivanka. Pero ilang taon na ang lumipas at hindi nangyari yun, di nako nakatiis kaya gumawa nalang ako ng paraan para mapalapit sila."

Na-windang ako at napakurap-kurap.

What the hell, is she talking about Rivah?

"I just hope it will turn out great." ani mama. "Sa tingin mo ba nagkausap na ang dalawang yun?"

"I have no idea, ma. I haven't received any text from Ri yet."

Walang duda si Rivah nga ang pinag-usapan nila. The heck, all this time alam ng kapatid ko ang tungkol kay Rivah pero kailan man ay hindi nito sinabi sakin?? What the actual fuck??

Nagtagis ang bagang ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao, ang sayang naramdaman ko kanina ay napalitan ng galit.

Sumulpot ako sa harapan nila dahilan para pareho silang magulat.

"I-ivanka." wika ni mama, napatayo ito bigla sa upuan. "Kanina k-ka pa dyan?"

Hindi ko ito pinansin, ang mata ko ay nanlilinsik na nakatuon lang kay Billie. "So you mean to say that all this fucking time alam mo ang tungkol kina Rivah, ganon?" kumpronta ko habang pinukolan siya ng nakakamatay na tingin.

"I-ivanka..." napatayo din si Billie sa kinauupoan niya, bakas sa mukha niya ang pagkabuking.

"You son of a bitch." tiim bagang ko siyang nilapitan at kwenulyahan, isinandal ko siya pader at galit na sininghalan. "Alam mong pinapahanap ko sila noon diba!? Alam mo yun diba!? How dare you!"

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon