Chapter 1: The Beginning of Samantha's Tale

26 6 0
                                    


Chapter 1: The Beginning of Samantha's Tale 

SAMANTHA



"You must remember to always aim for the target," my dear father said, standing beside me. Itinuturo niya sa akin ngayon ang wastong paggamit ng pana at palaso upang maprotektahan ko ang aking sarili. Inunat ko ang aking mga braso at hinawakan nang maayos ang mga sandatang nasa kamay ko. Ramdam ko ang panginginig ng aking braso dahil ito pa lamang ang unang pagkakataon kong makahawak ng ganito. "Lock your eyes on the target and release!"


I followed his orders but "I missed," I said as the arrow flew off to the trees, far from the target my father crafted. Napayuko na lang ako nang naramdaman ko ang pagkadismaya sa aking sarili.


"Ayos lang 'yan, Samantha. I know you'll do better when the time comes." Tinapik ni Papa ang aking balikat. Napansin niya atang nalungkot ako sa aking kapalpakan. "Just try again until you become a better archer, okay?"


Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Kahit papaano ay lumakas ang aking loob. I was about to launch another shot pero tinawag na kami ng aking ina. "Nandito lang pala kayong dalawa nagtatago," wika niya habang nakahawak sa kaniyang bewang ang kaniyang kaliwang kamay, ang kanan ay buhat ang aking nakababatang kapatid na si Sigmund.


"Mahal ko, hindi kami nagtatago. I am just sharing my knowledge in archery to our dear Samantha," sabi ni Papa bago lapitan ang aking ina at halikan ito sa kaniyang pisngi.


"Come on, Steven. Samantha is only eight. Masyado pa siyang bata sa mga ganiyang bagay," wika ng aking ina. Nilapitan ko siya upang halikan sa kaniyang pisngi. Napangiti naman siya sa aking ginawa.


"We live in a cruel world, my dear. Dapat lang na matuto si Samantha para maprotektahan niya ang kaniyang sarili kahit pa bata pa lang siya. Tsaka, maski rin naman si Sigmund ay tuturuan kong makipaglaban sa murang edad. Baka magulat ka na lang kapag bukas marunong nang gumamit ng espada ang bunso natin," pagbibiro ng aking ama.


Mama slapped Papa's arm while he continued laughing. My four-year old brother Sigmund seemed clueless of what is happening with his surroundings.


I just stood there watching how perfect my family is until something happened.



Namulat ang aking mata nang tamaan ito ng sinag ng araw. Napanaginipan ko na naman ang alaalang 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Probably because I hold it dear to my heart? I don't know. Pinunasan ko na lang ang luha sa aking mga mata.


"A happy memory long gone," I thought to myself.


Tumayo ako sa aking higaan upang ayusin ito at ang aking sarili. After taking a bath, I wear my clothes and tie my brown hair into a nice low ponytail. Naabutan kong naghahanda ng hapagkainan si Mama pagkababa ko. The kitchen smelled heavenly as the scent of freshly cooked meat and eggs danced on my nose.


"Magandang umaga, Mama!" Hinalikan ko ang kaniyang pisngi nang makalapit ako sa kaniya. Kahit pa ang ibang hibla ng kaniyang buhok ay hindi na maayos at siya ay pinagpapawisan, napakaganda pa rin ng kaniyang itsura.

Arrows of VengeanceWhere stories live. Discover now