Chapter 2: Wendigo's Prey

15 3 0
                                    


Chapter 2: Wendigo's Prey

SAMANTHA



Some say na kahit anong tagal na ng pangyayari sa ating buhay, matatandaan mo pa rin ang sakit o ang sayang naramdaman mo noong mga oras na iyon. Ika nga nila, makalimot man ang isip, hindi naman ang puso.


Malungkot ang sinapit ng aking ama. Nakalulungkot at nakagagalit ang nangyari sa kaniya. Hanggang ngayon ay nakatatak sa aking puso't isipan ang kaniyang bangkay na walang-awang pinatay ng mga lobo. My father was a good man. He gave everything the people around him need. He was very kind. Why do the best people have the rottenest luck?


He was once an outstanding hunter. Hunters serve as Heatherville's protector from supernatural entities that bring chaos in the land. Pero isang gabi, nasawi siya nang ipagtanggol niya ang mga tao mula sa pangkat ng lobo. Mag-isa niyang kinalaban ang mga lobo. Huli na nang nagsidatingan ang iba pang hunters at huntresses. Isa na lamang siyang malamig na bangkay na duguan mula sa sandamakmak na kagat at kalmot ng mga lobo.


Walong gulang lamang ako noon. Napakahirap para sa akin na mawalan ng ama. Pero mas mahirap panooring magdusa ang aking ina dahil naiwanan na siyang mag-isang magpapalaki sa amin ni Sigmund. Kung kaya't mula nung araw na iyon, nagsanay akong mag-isa. Hindi ko kinalimutan ang mga itinuro sa akin ng aking ama sapagkat ipinangako ko na ipaghihiganti ko siya.


"Samantha, wala kang mahuhuling isda riyan kung magbabasa ka lang ng libro." Isang matangkad na pigura ang nakatayo sa aking harapan. Nakahawak pa ang magkabilang kamay niya sa kaniyang bewang.


"Hugo," sambit ko sa kaniyang pangalan. "Pwede bang huwag kang humarang sa liwanag?"


"What?" Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Samantha, it's almost sunset at wala pa rin tayong nahuhuling isda," reklamo niya.


Si Hugo ay ang matalik kong kaibigan. Makulit man, lubha pa rin siyang kinahahangaan ng mga dalaga rito sa Heatherville. He has shoulder-length brown hair and a nice physique. He has charms like a prince that makes girls fall for him. At ngayon ay bakas sa kaniyang mukha ang pagkairita.


Nandito kami ngayon sa may tabing-ilog. Balak sana naming manghuli ng isda para sa hapunan. Mapuno ang tabing-ilog ang presko rito kaya masarap magbasa ng libro at magpalipas ng oras.


Ibinaba ko ang librong ibinigay sa akin ni Clark kaninang umaga na binabasa ko ngayon bago kunin sa kaniya ang hawak niyang pana at palaso. "Akin na nga 'to. Baka naman kaya walang nahuhuling isda ay dahil hindi ka bihasa sa paggamit ng pana," wika ko habang naglalakad papuntang ilog.


"Hoy. Hindi. Ang yabang naman nito. Sige nga, ikaw nga manghuli ng isda," wika ni Hugo na para bang bata. Iniunat ko ang aking mga braso at hinila ang tali dala ang isang palaso. Sakto at may isdang lumangoy malapit lang sa akin kaya hinintay ko lang ang tamang pagkakataon bago pakawalan ang palaso at tinamaan na nga ang isda.


"May hapunan ka na," wika ko bago iabot sa kaniya ang isdang nahuli ko. Namangha naman siya sa aking nagawa. Inulit ko ng isa pang beses ang aking ginawa. Naghintay pa ako ng isa pang isda para panain. Ito namang mahuhuli ko ay para kila Mama at Sigmund. Habang naghihintay ako ng isdang papanain, nagsalita na lang bigla si Hugo. "Ang galing mo talaga sa ganiyan. Bagay kang pumasok sa Shikari."

Arrows of VengeanceWhere stories live. Discover now