CHAPTER 7

41.5K 1.8K 2.9K
                                    


Kinabukasan late akong nagising, I decided to take a half day on work. Pagbaba ko sa hagdan, nagulat ako nang makita ang sandamak-mak na box sa buong sala. Naka-patong ang mga ito sa sofa habang yung iba naman ay kakadating lang, what the heck is going on?

"Hello hija." rinig kong bati sakin ni mama. "Buti naman at gising ka na, what a perfect timing."

"What's up with these boxes, mom?" I gazed at her, puzzled.

"Oh, just some random baby stuff for my future apo. Yung iba dito galing pa sa ibang bansa, fresh from Milan, Italy. Tulad neto, look how adorable this outfit looks, bagay na bagay ito sa magiging future abunjing ko, don't you agree?" ipinakita nito sakin ang isang branded at kulay pink na baby jumper.

"Seriously, mom???"

"Yes, I am. Ganito ako ka advance. Kaya naman mag isip-isip ka na bago pa ako mamatay. Remember, I have a level 500 illness. Baka kako hindi ko na maubutan yung apo ko sayo kaya nag advance shopping na ako."

I rolled my eyes. "There's no such thing as level 500 illness mom, and aside from that, I asked Heart the other day kung gaano ka-totoo na may sakit ka, and she told me that you're 100% healthy. Nag dadrama ka lang dyan e." I was referring to my first-degree cousin Dr. Heart Tuazon who happens to be a general practitioner and Vaughn's twin sister.

"Ah basta, may sakit ako at tanging makakapag-gamot neto ay magkaroon ng apo. Hindi ka ba naawa sa'kin? What kind of daughter are you?" naging maawtoridad bigla ang boses nito na para bang pinag-bantaan ako. Maya-maya pa'y bigla nitong sinapo ang balakang at saka umaaktong nahihirapan. "Ouch, I'm in pain. Give me water quick. Sign na talaga 'to, anak. I don't want to die yet; I need to see my grandchild first."

Sinulyapan ko ang dalawang maids na tawang-tawa sa drama ni mama. "Give her a gallon of water please, baka sakaling maagapan siya sa level 500 niyang sakit."

Agad naman silang sumunod saka pumunta ng kusina.

My mother sat down while shoving her face on her palm. "Ivanka, please call St. Peters. Sabihin mo dapat naka-costumized yung kabaong ko, dapat may silver detailing sa gilid para shine bright like a diamond pa rin yung dating." nakahiga na ito sa sofa, giving me an Oscar Awarding act.

"Ma'am, eto na po utos nyo oh." nakabalik na yung dalawang maids bibit ang literal na isang gallon ng tubig.

Dumilat si Mama at napa-bangon. "Ano ba kayo? Ba't nyo bitbit yan? Ibalik nyo nga yan sa kusina."

"Eh utos ni ma'am Ivanka na dalhan ka ng tubig e." sagot ng isang maid sabay turo sakin.

"Isa-uli nyo yan, bilis. Ingatan nyo baka masagi yung mga Pyrex kong plato. Alam nyo bang mas mahal ko ang mga yan kumpara sa mga anak ko?"

Napa iling-iling nalang ang dalawang katulong saka bumalik sa kusina.

"But seriously, mom. Huwag mo 'kong i-pressure magkaroon ng anak, I'm not ready for that yet. Ayoko pang magkaroon ng obligasyon."

My mother crossed her arms. "Wala ka talagang natitirang pagmamahal sakin e noh?"

"Mom, I love you. But for now, I just can't give you the grandchild you want yet. I'm still enjoying my bachelorette life."

She raised an eyebrow. "Enjoying playing women's feeling you mean? Ikaw Ivanka ha, hindi kita pinalaking ganyan. Kung alam ko lang na yan ang matutunan mo 'nong pinabayaan ka naming magkaroon ng freedom sa France, e di sana hindi na lang ako pumayag na umalis ka."

I chuckled. "You still love me anyways."

"Mas mahal ko ang mga Pyrex kong plato, hmp."

"Whatever, mom. See you later." hinalikan ko ito sa pisngi at lumabas na ng bahay.

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Where stories live. Discover now