Ika-labing Dalawang Kabanata

31 5 0
                                    


Ngunit langit ang may dala, langit rin ang kukuha.

Ibabalik lahat ng kinuha, sa karapat dapat na halaga.

"Lakan, kami'y nagulat sa bilis mong magpatawag muli ng pagpupulong, may problema ba?" tanong ni Sehana.

Tiningnan ko muli ang konseho. Tila lahat sila ay kinakabahan. Hindi mapakali sa kanilang mga upuan. Dumagdag pa ang dilim ng gabi, at ang pagbuhos ng ulan sa labas ng aking palasyo.

Mga lapastangan.

"Sa aking paglilibot, kumpirmado ngang siya ang may gawa," aking pagsisimula.

"Ang kanyang simbolo ay nakuha nina Minokawa, ang ikatlong Nuno, at ng mga manananggal."

Tumuwid ang upo nilang lahat. Ngunit hindi nakawala sa aking tingin ang pamamawis ni Haik. Mas dumilim ang aking paningin. Paano nila ako nagawang linlangin ng ganito, at paanong hindi ito nakaabot saakin. I would never take this lightly. Those who think I will? They thought wrong.

"Ihahanda ko na ang aking mga nimpa para sa digmaan." ani Marayu.

Ngumisi ako ng malamig.

"Akala niyo ba talaga ay hindi ko malalaman?" aking saad,

Nagulat ang konseho at tila hindi makapaniwalang tumingin saakin. Ang kanilang mata ay napupuno ng hindi maipaliwanag na emosyon.

Takot, iyon ang nasa kanilang katawan. Amoy na amoy ko ang takot ng buong konseho, lalo na't nilabas ko ang aking latigo.

"A-ano ba ang iyong sinasabi lakan?" tanong ni Oghe.

Ako'y tumayo ng marahas, aking tiningnan sila sa mata—isa isa. Gusto kong malaman nila na ang kanilang pagsuway ay aking se-seryosohin. Ako ang lakan, kaya't dapat lahat ay aking malaman.

"Amihan, ilabas mo ang ibang lamang lupa sa silid. Aking paparusahan ang nararapat na parusahan." utos ko sa diwani ng mga espiritung hangin.

Sa gilid ng aking mata, aking nakita si Haik na nanginginig na sa takot.

Dapat lang, Haik. Pagkat pagkatapos nito ay wala nang matitira saiyo, kasama ng iyong asawang si Lualhati. At lahat ng walang ginawa at sinabi, sila ay mananagot rin. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang aking palad, naging ginto ang aking mata at aking hinayaan ang aking kapangyarihan na lumabas. Umilaw ang aking palad ng ginto, at ang gintong iyon ay napalitan ng isang punyal.

Si Killian.

Hinayaan kong lumabas ang aking galit, ang aking buhok ay umilaw rin ng ginto. Ng masigurado kong wala na ang ibang lamang lupa, aking hinawakan ng mahigpit ang punyal. Ngunit akin muna itong pinaglaruan, nakatutok ang aking tingin sa punyal, ng bigla akong nagtanong sa kanila.

"Bakit hindi ko alam na may pangalawang anak ang diyosa ng digma?" seryosong ani ko.

They all gasped, even Marayu.

"M-mahal na lakan.. hindi ko kayo maintindihan, hindi ba't si Lualhati lang ang aking anak?" takang tanong ni Mayari, ang takot ay nasa kanyang boses.

Ako'y ngumisi, mukhang binura nila ang ala-ala ni Marayu, na mas nagpasiklab ng aking galit. Wala silang karapatan na burahin ang ala-ala ng isang ina sa kanyang anak.

"Kayo'y mga lapastangan!"

Sinakop ng galit ko ang buong silid, ang aking latigo ay humati ng lamesang aming ginagamit. Ang mga datu at diwani ay kanya kanyang gamit ng kanilang kapangyarihan upang hindi matamaan,

Ngunit naramdaman parin nila ang siklab ng aking galit.

"Ang aking batas ay hindi dapat binabalewala," matigas kong saad at nilingon si Haik.

LEGENDARIUM|| 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗|| #Wattys2022Where stories live. Discover now