Ika-labing Walong Kabanata

36 4 0
                                    


Isang mandirigma.

Iyon ang lagi saaming sinasabi ni Ama. Kami ay mga mandirigma ng aming mga nasasakupan. Kami ang pag-asa ng aming bayan. Our kingdom is our pride and joy. As queen, we shall serve those below, the same way they serve us. HIndi ito ang panahon ko upang tumangis, masaktan, at maghinagpis. Ito ang panahon ko upang maging matapang para sa aking nasasakupan.

Magsisimula na ang digmaan, dapat handa kaming lahat, at ang mga inosente ay nararapat na protektahan. Matapos kong umiyak, doon na nagtatapos ang aking hinagpis sa pag-ibig, akin muna iyong isasantabi. Mayroon nanaman binalita, ang mga aswang ay umaatake na ng mga mortal. Hindi maaari ito, mayroong kasulatan na pinirmahan. Ang aking kasulatan ay nararapat masunod.

Kuyom ang aking kamao at walang reaksyon ang aking mukha.

"Kamatayan." aking ani.

Nakaupo sa aking harapan ang aking kapatid, nakangisi, at tila nagugustuhan niya ang aking galit.

Pagkat parehas kaming dalawa, uhaw kami sa hustisya. Isang bagay na noon ay hindi saamin nabigay. Hindi kami napagbigyan, kaya't napakatagal mula nung aming nakuha. ANg hustisya na para saamin. Para saakin at sa aking kapatid.

Sa pagpatay sa aming magulang, at sa kalapastanganan na ginawa ng demonyo sa aking kapatid. Ngayon siya ay nagbabayad sa loob ng hardin ng kaparusahan. Kung saan araw-araw siyang pinapatay sa iba't ibang paraan.

Hustisya.

Ito ang isang bagay na aming ibibigay sa lahat ng nasawi.

"Mananagot ang lahat ng nanakit sa aking bayan." dagdag ko pa. Puno ng poot ang aking boses.

Binaba ni Vweu ang kanyang tsaa at tumingin saakin ng diretso, binigyan niya ako ng malamig na tingin.

"Siguraduhin mong papatayin mo silang lahat, Via. Ang mga katulda nilang halang ang kaluluwa ay hindi na nararapat na mabuhay pa sa mundong ito. Masaya ko silang ipapasundo kay Cerberus para saiyo." may saya sa kanyang tinig, ngunit ang dilim ng kanyang mga mata.

Ito ang aking pinakamamahal sa aking kapatid, siya'y makatarungan, aking kasangga at katulong sa lahat ng bagay.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, aking kambal. Kami ay magsisimula na ng digmaan. Hindi ko na ginugusto ang ginagawa 'niya' sa aking mga nasasakupan. Masyado na siyang nakakasakit at nakaka-perwisyo. Ang tanging makakalutas nito ay ang digmaang kanyang hinihingi."

Walang reaksyong tiningnan ako ng aking kapatid.

"Ang digmaan ay isang bagay na hindi natin nais, ngunit paano mo nasabing digmaan ang hinihingi niya?" tanong ni Vweu.

Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya, ang totoo niyan ay hindi ko sigurado, ngunit inuubos niya na ang pasensya ko. Kung hindi ko ito gagawin, mas lalaki ang gulo sa pagitan ng mga mundo.

"Ang kanyang insignia ay nakasulat gamit ang dugo ng mga nasawi, sa tingin mo bang aking mapapatawad ang may gawa noon sa ating mga nasasakupan? Pati ang mga nuno, ang pinaka mababait na taga bantay ay nagkakagulo na dahil sa pagsabog, Vweu. Unti-unti niya nang inuubos ang mga tribu na mayroon. Hihintayin ko pa bang matuloy iyon?" tanong ko pabalik.

Tumango naman siya, ngunit tila hindi parin siya kumbinsido.

"Kung nais mo ng digmaan, ang aking magagawa lamang ay isarado ang mga portal sa mortal na mundo. Walang makakapasok ko makakalabas. Aking ititigil ang oras ng tatlong araw lamang, Via. Iyon lang ang aking makakaya upang tulungan ka." sagot niya.

Tumango ako at siya'y sinagot.

"Iyon ay isang malaking bagay na saakin. Kailangan ko lamang ng oras at akin ng sisimulan ang pagpaparusa at pakikipagdigma sa kanya." sagot ko,

"Gawin mo nang isang linggo, Vweu. Ako'y tutulong rin."

Parehas kami ni Vweu na nagulat sa paglabas ni Irinka, hindi namin inaasahan ang kanyang pagdating. Kami naman ni Vweu ay tumayo upang magbigay galang. Siya ang babaeng may hawak ng katapusan ng isang nilalang. Kung magiging masaya ba ito, o magdudusa, ang libro ni Irinka ang nagsasabi ng kapalaran ng karamihan.

"Irinka, hindi namin inaasahan na ikaw ay pupunta," ani Vweu.

Sinenyasan kami ni Irinka na maaari na kaming umupo, kaya't iyon ang aming ginawa. She then sat down with us, quiet as of why she is present with us.

"Ako ang may alam ng nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan, Vweu. Aking alam lahat. At nais ko lamang kayong gabayan upang walang mawasak na makakapagpatagumpay sa mga demonyo na sa kariktan." sagot niya

Tumango si Vweu at binigyan si Irinka ng tsaa.

"Ano ang masasabi mo sa plano namin ng aking kapatid, Irinka?" tanong niya.

Irinka sipped her coffee, looking like she's in deep thought.

"Isang maling galaw lang ni Via, damay ang buong nasasakupan niya," anito at lumingon sa aking gawi.

"Kaya't Via, isipin mong mabuti ang iyong mga desisyon, huwag lang puro utak ang gamitin, pagkat doon ka magkakamali."

Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. Huwag puro utak? Hindi ba't parang baliktad ang kataga?

"Isa kang napakatalinong babae, Via. Huwag mong hayaan na mabulag ka ng iyong isip sa kung anong totoo na nangyayari sa iyong kapaligiran." aniya.

Tumango nalang ako kahit na tila ay hindi ko ito naiintindihan. Bakit ganoon ang mga bagay na nasambit ni Irinka? Ako'y may gagawin bang aking ipapahamak?

"Alam ba ng mga kapatid niya na nais niya ng digmaan?" tanong ni Vweu sa kanya.

Bumuntong hininga ako at tiningnan siya.

"Hindi alam ng mga kapatid niya ang plano niya. Seems like he's on his own on this one."

Lumingon naman si Vweu kay Irinka, tila mayroon silang pinag-uusapan gamit lamang ang tingin. Ng tumagal ang ilang minuto ay tumikhim nalang si Irinka.

"We will prepare you for war, but we will also make sure that civilians and everyone outside the magic barriers will be frozen in time for a week. The war should not reach the mortals, never will that happen again to us." said Irinka.

I nodded.

"I'm planning to ready my army tonight." I told them. They both nodded.

"Research more than you can, we will support you. We know you're going to war this week. Make sure to use both head and heart, Via. For your head is full of illusions, some things might be true—but some? They're just there to ruin you." said Vweu.

"May you prosper as time goes by." said Irinka.

I nodded,

"I shall see you on the half moon grove, inside legendia. That's where the last meeting will be held." I told them firmly.

Standing up, ako ay nagbigay galang sa kanilang dalawa at nagpaalam na umalis.

Meanwhile...

"I know why you're really here, Irinka." said Vweu. 

Irinka was the holder of Ever After, the book in which determines if one has a happily ever after or not. 

Feeling uncertainty, Vweu sighed as she turned to Irinka. Not liking the atmosphere given. 

'Something is coming.'

She thought, 

Yet Irinka only gave her a soft smile.

"The meeting will both be a medicine and a poison, Vweu. It's up to them to choose."


-Vwrites-

LEGENDARIUM|| 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗|| #Wattys2022Where stories live. Discover now