12. Cares

685 28 2
                                    

Lizzy

I went ouside para maglakad lakad. I got sick, ilang araw din akong may lagnat and I'm tired lying in bed feeling hopeless. Maayos naman na ang pakiramdam ko kaya pinili ko ang maglakad lakad today. binati ko si Aling Rosario sa may di kalayuan. She's a good Nurse, siya ang nag alaga sa akin, she reminds me of my Mama. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Mukhang nag aani ang mga ito ng kamote.

" Magandang umaga po sa inyo bati ko. May mga kasama kasi ito." binati din nila ako.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo Lizzy? Hindi ka marahil sanay sa paglalakad ng malayo, ewan ko ba don sa asawa mo bat naisip yang mga hiking hiking na yan. " that must be his story, ni Trevor.

" Okay na po ako Aling Rosa, maraming salamat nga po pala sa pagaalaga sa akin." dahil kung yong asawa ko lang kuno ang aasahan baka paglamayan na ako.

" Alalang alala nga sayo ang asawa mo. Halos hindi yon makatulog kakabantay sayo. " I was stunned, he cares? Buong akala ko wala siyang pakialam kaya nga si Aling Rosa ang pinaalaga niya sa akin.

" Talaga po?" makikimaritess nalang muna ako at medyo blurr talaga sakin ang nakaraang araw.

" Oo Lizzy, sabi ni Manong Aldren mo eh halos liparin niya ang bayan para ibili ka ng gamot at mga kailangan mo." nakonsensiya naman ako. He did care.

Ginaya ko sila Aling Rosa at nakibunot narin ng puno ng kamote. This is going to be fun.

" Lizzy ayos lang baka mabinat ka Anak." umiling ako.

" Okay na po ako. Lalo po akong hindi gagaling paghihilata lang ako sa bahay." Besides, masaya mag ani ng kamote, may tanim din kami noon ni Mama sa likod bahay namin. This is the best part, anihan.

Tuwang tuwa ako ng maraming laman ang nabunot ko. Nakihiram ako ng itak para siguraduhing walang naiwan ng kamote sa lupa.

"Abah mukhang magaling itong si Lizzy ah, madaming nabungkal na kamote. " sabi ni Aling Tess.

" What are you doing?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Trevor mylabs.

" Nag aani ng kamote?" sabay taas ko sa hawak ko.

" Don't be stupid alam kong nag aani sila dito ng kamote, pero bakit andito ka? Gusto mo ba magkasakit ulit?" pinagtinginan tuloy kami ng mga naroon. Tama bang sermonanan ako?

" Okay naman na ako." kalmado kong sagot.

" Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" I'm starting to get pissed. I'm not a child Agent Alonzo.

" I said I'm fine. " saka bumalik ako sa pagbubunot ng kamote.

I was startled ng basta nalang niya ako buhatin at isampa sa balikat niya. Naghiyawan ang mga naroon pati narin ang mga ibang tao sa may di kalayuan.

" What the! Put me down!" protesta ko. Pero bingi ito. Ibinaba niya lang ako ng nasa loob na kami ng bahay.

" Stay here, baka mabinat ka. Don't get sick again." mahinahon niyang sabi. He has this soft look in his face na nagpakalma sa inis ko.

Whats with him? Iniwan din ako nito.

Naghugas nalang ako ng kamay, saka napansin ang gulay sa lamesa. Kalabasa saka sitaw. Wala akong magawa kaya naisipan ko nalang magluto. Tapos na ako maghiwa ng mga gulay.

" Sayang, walang talong. " I uttered to myself. Mas masarap sana ang ginisang gulay kong may talong.

Tapos na ako magluto ng gulay at nakapagsaing nadin ako. Siya namang balik ni Trevor na may dalang isda, namingwit ba siya?

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon