7. Saved

3.3K 120 24
                                    

HABAng tumatagal ako sa bago kong school, dumarami rin ang mga gustong manligaw sa'kin. Ang iba sa kanila type daw si Ara at dahil balibalita sa school na into girls siya, ako nalang daw ang liligawan nila sa halip na ang kapatid ko. Ginawang substitute ang Lola n'yo.

I don't like the attention though, lalo na at kabilin bilinan ni Dad na as much as possible umiwas kaming magkapatid sa maraming mata. The more we catch attention, the more we are prone to danger. Mas nagiging mahigpit tuloy si Trevor mylabs. Oo, nakakainis niya madalas pero kung ang pagmumukha niya naman ang mang iinis sa'kin araw araw, carry na. Aminin na natin, basta may gwapong umaaligid, lumiliwanag ang paligid. Yeah!

" Agent Alonzo are you married?" tanong ko sa kanya habang binabaybay namin ang daan pauwi. Kunyareh hindi ko siya gustong tawagin sa first name niya. Trevor mylabs.

" No Miss.." I rolled my eyes. Ayan na naman siya sa tawag niya sakin. Nako nako..

" I told you, you can call me Lizzy, right?" What's with him and the word Miss. Ang formal niya ha..

" I preferred the latter.." aniya at muling nagkonsentrate sa pagmamaneho.

Sabi ko nga. Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko siya kung may girlfriend ba siya o wala. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya. Meron naman talaga diba? sagot ng utak ko. 

" Buti pumayag ka na umuwi ng Pinas., pinilit ka ba ni Dad?" ilang araw ko na siyang gustong makausap, wala ng atrasan pa ito.

" I planned to come home bago paman kami nagkausap ng Daddy mo." tumango tango ako. Traffic kaya mabagal ang usad ng kotse.

" Bakit Tita ang tawag mo kay Mrs. Williams?" tinignan niya ako sa rearview mirror na sakto namang nakatingin din ako.

" She's not my mother, anak ako sa labas." kuyom ang palad na sagot ko. Hangga't maari ayoko sanang pagusapan ang paksang ito ng buhay ko. Pero dahil ako naman ang nagsimulang magtanong, might as well sagutin ko din ang tanong niya.

" Your mother left you? Where is she then?, bakit hindi mo siya puntahan, kung namimiss mo siya? " napapikit ako. Ginusto mo yan Lizzy..

Hindi na ako sumagot, nagiging emosyonal kasi ako kapag si Mama na ang pinaguusapan.

" But you know what, she did the right thing, mas safe ka nga naman sa bahay ng Daddy mo and you have a comfortable life. Matalino ang Mother mo, she chose the right father for you." anong ibig niyang sabihin?

" I'm willing to give up everything para lang makasama ulit ang Mama ko but she's gone, kahit anong gawin ko, hindi na siya mabubuhay ulit." tuluyan na akong napaiyak. Damn tears. Baka isipin niya iyakin ako.

" I'm sorry, I thought iniwan ka lang niya sa poder ng Daddy mo." kaya pala. Tumingin ako sa labas..

" It's okay, wala ka namang alam kaya ayos lang.." pinunasan ko ang luha ko saka bumaba. Buti nalang nakarating na kami.

" Lizzy?" si Tita Almira. " What's wrong? Umiyak ka ba?" humalik ako sa pisngi niya ng lumapit siya sakin.

" I'm fine Tita, akyat lang po muna ako." sagot ko. Paniguradong namumula ang mata ko.

" Sige, papaakyatan nalang kita ng snacks sa kwarto mo." narinig kong tinawag niya si Trevor para siguro tanungin kung bakit ako umiyak.

Nagpalit ako ng damit at saka pinagmasdan ang picture ni Mama. Namimiss ko na talaga siya.

" Lizzy.." si Ara na may dalang tray.

" Ako na ang nagdala nito, ayos ka lang ba? Anong ginawa sayo ni Agent Alonzo? Narinig kong pinapagalitan siya ni Mommy." nanlaki ang mata ko.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon