13.Weird

649 32 4
                                    

I decided to stop acting like a spoiled brat and decided to adapt instead sa pansamantalang buhay ko ngayon. I do miss my family pero wala naman akong magagawa sa sitwasyon kung patuloy akong magmamaktol. Maaga akong nagising pero wala na si Trevor sa may higaan niya sa sahig. Maayos na natiklop ang kumot niya na nakapatong sa unan sa  banig na hinihigaan nito. Bilib ako kasi hindi siya nagrereklamo na sumasakit ang likod niya. Sabagay presko naman mahiga sa banig.

Naisipan ko magwalis walis sa labas pagkatapos ay naglinis nadin ako pati sa loob ng munti naming Kubo. Maliit lang naman ang itong tinulutuyan namin kaya hindi mahirap linisin. Ito ang maganda sa simpleng pamumuhay simple din ang gawain. Hindi katulad sa bahay namin sa Manila, kailangan pa ng mga Kasambahay sa laki, napakaraming dapat punasan at  linisin. I never wanted a big house ang gusto ko lang sariling kwarto.

I smiled when I realized the things I just did, naisip ko lang
" Hmmm, parang housewife talaga ako." kinilig naman ako sa mga naiisip ko.

Harot harot Lizzy!

Nagpahinga ako ng makaramdam ng pagod. Hindi pa pala ako nag aalmusal. Napatingin ako sa labas nang may tumikhim. Si Joshua.,

" Magandang umaga Lizzy, nagluto si Nanay ng kakanin dinalhan kita, alam mo ba ito? Yong kinayod na  kamoteng kahoy na may bukayo sa gitna." bigla akong natuwa.

" Oo naman, masarap yan. Alam ko yan nagluluto din ng ganyan ang Mama ko. Maraming salamat dito Joshua. " siya namang dating ni Trevor my labs.

Natulala ako sa topless niyang body. Parang mas masarap pa siya sa dalang kakanin ni Joshua.

Susmaryosep Elisabeth ?! saway ng utak ko. Bakit kasi ang gwapo ng isang ito.

" Ano na naman ang ginagawa mo dito Joshua? " tila aburido niyang tanong sa isa. " May pinapabigay na naman ang Nanay mo?" aba at nahulaan niya.

" Nagluto kasi ng kakanin si Aling Rosa, kaya dinalhan niya tayo." ako na ang sumagot.

Tila lalong umasim ang mukha ni mylabs.

"Aalis na ako Kuya Totoy, Lizzy."   pinanood ko nalang ang mabilis na pagalis ni Joshua.

" Ikaw naman ang aga aga kung sino sino ang bisita mo. " baling niya sa akin.

" Teka lang ha! Agent Alonzo, bakit ba ang sungit sungit mo? Malay ko bang pupunta yon dito. Bakit parang kasalanan ko. " inis na sagot ko sa kanya.

" Elizabeth, ang alam ng mga tao dito mag asawa tayo, hindi magandang tignan na tumatanggap kapa ng manliligaw. It will start a talk and who knows eventually it may blow out our cover." ano daw? Manliligaw?

" OA na yan ha, pano mo naman nasabi na nagpapaligaw ako don kay Joshua, porket nagmamagamdang loob lang yong tao. Isa pa inutusan lang yon nang Nanay niya. " penameywangan ko siya.

" Ah, talagang pinagtatangol mo pa siya. Bahala ka nga sa buhay mo." tinalikuran na niya ako. Pumasok ito sa bahay.

Napaka Antipatiko niya talaga! Maktol ko.

Napabuntonghininga nalang ako. He's acting weird. Naalala ko bigla yong gutom ko. I went to the kitchen saka nagtimpla ng kape. Nasa banyo yata siya. Naisipan ko nadin ipagtimpla siya ng kape. Baka kulang lang siya sa aruga.

" Mag almusal na tayo, baka gutom ka lang kaya kung ano ano ang naiisip mo. I made you coffee." nasa kwarto yata ito.

Alam kong naririnig niya ako, the walls of this house isn't that thick. Gawa ba naman sa bamboo.

Himalang lumabas ito at kinuha ang kape na nasa lamesa. Aalukin ko sana siya ng kakanin kaso masama ang tingin niya doon. Dibali nalang.

" Tutulong nga pala ako magkatay ng baka para sa kasal ng anak ni Mang Fidel bukas. Baka hindi na ako mananghalian dito. Dadalhan nalang kita ng lutong ulam kapag nakaluto sila doon." tumango ako.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon