3. Broken

3.6K 140 13
                                    


THIS world would be a whole lot better if we just made an effort to be less horrible to one another.

Mas naging malapit pa kami si Amara ng mga sumunod na linggo, bagay na ikinatuwa ni Tita Almira, ang Mommy niya. She's more comfortable around me lalo na at alam niyang tanggap ko kung ano siya.

" Lizzy.." nandito ako sa may pool area  at gumagawa ng mga assignments ko. Nilingon ko si Tita na may dalang juice at sandwich.

" Gusto ko lang magpasalamat, nitong mga nakaraang araw napapansin ko na unti unting nagiiba si Ara. Mas nagiging masayahin na siya at bibira narin kung magsungit at sa tingin ko, dahil yon sa pagiging malapit ninyo sa isa't isa. Hindi narin siya madalas magrebelde gaya ng dati." hinaplos ni Tita ang pisngi ko. " Maraming salamat Lizzy."

" Mabait po si Ara, parang kayo, kailangan n'yo lang po siyang intindihin at huwag sukuan. Iparamdam n'yo po sa kanya na kahit ano paman ang gawin niya, mahal n'yo siya Tita." takot si Ara na malaman nila ang tungkol sa pagiging bisexual niya.

Hindi dapat ganon, Pamilya ang dapat unang makakaintindi sa kanya, hushusgahan siya ng ibang tao pero dapat hindi kaming Pamilya niya.

" I'll keep that in mind Lizzy, hayaan mo at gagawin ko ang lahat para iparamdam kay Ara at pati narin sa inyo ng mga Kuya mo na mahal ko kayo, ano paman ang mangyari." hinalikan ako ni Tita sa noo na ikinangiti ko.

Napakabait niya talaga.

" Pupunta nga pala tayo sa bahay ng Lola Elaine mo sa Pampanga Lizzy, birthday niya at magkakaroon ng Party ngayong weekend. Panahon na para makilala mo ang Ina ng Daddy mo at ang mga kapatid niya pati narin ang pinsan mo." bilin ni Tita na magdala ako ng damit, 2 days kaming mananatili doon.

Nasa sasakyan na kami at kasalukuyang bumabyahe. Kaming tatlo lang ni Tita at Amara ang magkasabay, susunod nalang daw sila Kuya at Dad.

" What's wrong?" napansin yata ni Ara ang pagiging balisa ko.

" Nothing.." pero ang totoo kinakabahan ako, parang hindi tama na sumama ako sa kanila.

What if hindi pala ako welcome sa pupuntahan namin? What if ayaw sakin ng Pamilya ni Dad..

" Relax Lizzy, kasama mo naman kami ni Mommy, darating din sila Kuya at Dad. Hindi ako aalis sa tabi mo kaya wala kang dapat ipagalala." kahit paano ay napanatag ako sa sinabi ni Ara.

" Tama ang kapatid mo Lizzy, nandito kami kaya hindi ka dapat matakot, isa  pa' mababait naman sila, medyo strikta ang Lola Elaine mo pero madali namang kunin ang loob niya." hinawakan ni Tita ang kamay ko at bahagyang pinisil.

Hindi ko namamalayan ang oras ng byahe namin, nakita ko nalang ang pagbukas ng mataas na gate na may malaking pangalan na Villa Estrella sa gitna at saka pumasok ang sasakyan ng mga body guards na nauna sa amin.

" Nandito na tayo." nakingiting baling sakin ni Ara.

Napatingin ako sa malawak na lupain, kulay birde ang paligid at tila alagang alaga ultimo ang mga damo. Tanaw mula sa kinaroroonan namin ang malaking bahay na hula ko ay sa Pamilya ni Dad. Mayaman nga siguro ang mga ito, kita naman sa lawak ng lupain at laki ng mansyon nila.

Pumarada ang sasakyan namin sa harap ng malaking bahay. May mga kasambahay na sumalubong sa amin at kinuha ang mga dala naming bag.

" Sa dating kwarto na ginagamit ko ninyo ilagay ang mga gamit namin ni Lizzy, we're going to share a room." kuno't noong tinignan naman ako ng mga katulong bago sumunod.

" Let's go girls.." yaya sa amin ni Tita.

Larawan ng karangyaan ang loob ng bahay, mula sa kumikinang na sahig, hanggang sa tila nagmamayabang na chandelier. Ang mga kagamitan ay gawa sa kahoy at halatang mamahalin ang mga iyon.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon