9. Family

2.7K 77 19
                                    


      Ilang weeks na naming hinihintay ang araw na ito, 48th birthday kasi ni Tita Almira, dito sa bahay gaganapin ang celebration. Malawak naman ang garden enough to cater the guest, family at close friend lang naman ang invited for security purposes. Mahigpit ang security lalo na at may ilang kilalang tao ang inaasahang darating because of Dad's work.
   A week ago tinulongan ako ni Ara para bumili ng gift for Tita, syempre mas alam niya kung ano ang mga gusto ng Mommy niya. Pero hindi ko makakalimutan ang sinabi niya,
" You know what is the best gift you can give to Mom, calling her Mommy' Lizzy."

" What?!, are you sure?" gulat na tanong ko.

" Yes!, I'm very sure, narinig ko minsan na nag-uusap sila ni Dad at sabi niya, sana dumating yong araw na ituring mo siyang parang tunay na ina. My Mom loves you Lizzy at sigurado akong matutuwa siya kapag Mommy at hindi na Tita ang itawag mo sa kanya. Pero sana huwag mong isipin na gusto naming kalimutan mo na ang Mama mo, hindi ganon yon, okay?" alam ko namang hindi ganon ang gusto nilang mangyari, kapag naalala ko si Mama, iginagalang nila yon at hinahayaan nila ako, then they will see to it na gumaan ang loob ko pagkatapos.

Alam kong mahal ako ni Tita Almira, ipinagtanggol niya ako kina Tita Eula at maging kay Lola. Inaalagaan niya ako gaya ng pagaalaga niya kay Ara at sa mga Kuya ko. Kung ikakasiya niya na tawagin ko siyang Mommy, bakit ko naman ipagkakait sa kanya yon. I also bought her a new bracelet, mahilig kasi siya sa charm bracelet. I plan to give it to her bago magstart ang party mamaya.

Kinakabahan ako dahil darating sina Lola at mga kapatid ni Dad. Baka maulit na naman ang nangyari noong birthday ni Lola, huwag naman sana. Wala sa sariling hinawakan ko ang kaliwang braso ko.

" Boohhh!"

" Ay kabayo!" gulat na bulalas ko. " Ano ka ba naman Amara Elize!! " saway ko sa pilya kong kapatid.

" Bakit kasi tulala ka d'yan? Ang aga aga naman n'yan."

" Kinakabahan lang ako para mamaya, baka magkagulo na naman dahil sakin Ara.." napakunot ang noo niya.

" Bahay natin to Lizzy, huwag mong sabihing papaapi ka sa sarili mong bahay? "  napangiti ako sa sinabi niya.   " Subukan lang nila na apihin ka, lulunurin ko sila sa pool."

" Salamat Sissy. " niyakap ko siya.

" Okay, okay na. Hindi ako makahinga." napahigpit yata ang yakap ko.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.

" Pasok..." halos sabay naming sabi..nandito kami sa kwarto ko.

" Lizzy, Ara." si Ate Nathalie pala.
" Bumaba daw muna kayo sabi ni Ma'am Almira, may mga bisitang dumating."

" Sige, su-sunod na kami Nat." kandabulol na sagot ni Ara. Bahagya ko siyang siniko. Pinandilatan naman niya ako.

Pagkaalis ni Ate Nat, " Alam mo napaghahalatang patay na patay ka kay Ate Nathalie. Lagi kang kandabulol pagkausap siya."

" Hindi no! Tara na nga, baka mapagalitan pa tayo." hinila niya ako pababa.

" Amara apo, namiss ka namin." salubong ng isang may edad na babae kay Ara.

" Lola, namiss ko din po kayo. Kayo din po Lolo. " niyakap din ang mga ito ni Ara. Lumapit sakin si Tita Almira.

" Tita', Papa' si Lizzy nga pala. Lizzy, sila naman si Lola Alma at Lolo Minandro mo, Tita ko si Lola Alma mo kapatid siya ng Mama ko at Papa ko naman ang Lolo Minandro mo." nakangiting ibinukas ni Lola Alma ang mga braso nito.

" Hello Hija, ikaw pala si Lizzy, halika ka apo, payakap naman kami." manghang lumapit ako sa kanila at niyakap nga nila ako.

" Ang ganda ganda mo namang Bata." mabait sila, parang si Tita Almira.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon