Nefarious

961 43 1
                                    

(n.) wicked, villainous, despicable

***

Gail's

Matapos ang halos kalahating oras ay iilan nalang ang maririnig mong sigaw dulot ng sunog sakanilang balat. Karamihan sakanila'y patay na at nakahandusay sa sahig.

Ilang saglit pa ay gumana ang sprinkler ng mall, pati kami sa taas ay basang basa ngunit ang pinagtataka ko'y bakit mas lumakas ang hiyawan ng mga taong nasunog sa baba kasabay ng pag dampi ng tubig sakanilang mga balat.

Nakita kong tumingin si Gin kay Jay na parang nagtatanong rin at ang sarkastikong ngiti ay gumuhit sakanyang labi. "Saltwater."

Sadista talaga. Natawa lang ang kapatid ko habang ako'y kinilabutan sakanila. Ilang beses ko nang nasaksihan ang mga ganitong eksena ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay.

Nakita kong bumaba si Gin sa hagdanan, pagkarating niya rito ay nagulat kami nang barilin niya sa ulo ang mga natitirang naghihingalo. Sunod sunod, Isa isa. Nakakaawa.

"Papa!" Sigaw pa nito. "Nasaan ka, papa?" Tanong muli ni Gin.

Umalingaw ngaw ang sunod sunod na putok ng baril habang humihiyaw sa galit ang aming ama.

"Demonyo ka talaga!" Sambit nito.

Ang lahat ng putok ay nailagan ni Gin at walang saglit pa'y hawak na niya si Grey. Nakatutok ang baril ni Gin sa sintido nito.

"Ito ang paburito mo, Hindi ba?" Tanong ni Gin. "Tatlo kaming mga anak mo pero kay Grey ka lang may pakielam. Ewan ko kung anong nangyari sayo, Papa. Ano bang meron sa Grey na to?" Dagdag na tanong niya.

"Wala akong paburito sa inyong tatlo, mamatay na kayong lahat." Malamig na sambit ng Ama.

"Tsk. Kung ganon pala, Grey, nagtraydor ka sakin para sa ama mong wala naman talagang pakielam sa buhay o presensya mo? Tama ba, Papa? Or should I say, Kuya?" Sarkastikong banggit ni Gin.

Kuya? Panong Kuya?

Narinig namin ang mala demonyong tawa ni Gin. "Oh bakit parang nagulat ka, Adolfo?" Tanong pa ni Gin.

Flashback

Gin Traque's POV

"P-pa?" Kuha ko sa atensyon ng aking ama. "Papa!! Papa!!"

"Ano ba?! Ano bang gusto mong bata ka!? Kanina ka pa tawag ng tawag, wala ba ang Ina mo don??!" Galit na singhal nito saakin.

"G-gusto ko lang namang makipag laro sayo... Sabi mo maglalaro tayo..." Umiiyak na sambit ko.

"Pfft... Tonto." (Stupid) Rinig kong bulong niya saka ako hinawakan ng mahigpit sa braso at kinaladkad palabas ng kanyang opisina.

"Papa!! Papa!!" Umiiyak na tawag ko, "Hindi mo ba ko mahal? Hindi mo ba ko gusto maging anak?" Dagdag na tanong ko sa pagitan ng mga hikbi.

Ilang saglit pa'y dumating si Lolo at binuhat ako, "Gin? Anong nangyari?" Tanong nito.

"Si papa, hindi na niya ko mahal..." Dahan dahan kong sambit habang umiiyak.

Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon