Onism (2)

1.7K 81 1
                                    

(n.) the awareness of how little of the world you will experience.

***

Aicey Liq's

"Nasan na ba kasi si Gin, anong Oras na bakit Wala pa rin siya?" Tanong ko. Halos Kinse minutos na siyang Late.

"Ma'am Aicey, baka pabalik na rin po 'yon." Sagot ni Mark sakin.

"Pano kung na realize niyang ayaw niya pala sakin?" Malungkot na tanong ko.

"Ma'am, Tingin niyo ho ba gagastos siya ng ganito kamahal para sa Wedding Kung Hindi niya kayo Mahal?" Sambit ni Mark. May point siya pero Kung Mahal niya talaga ko bakit Wala pa siya?

Halos 30 Mins Ang lumipas saka Sinabi sakin ni Mark na nandon na daw sa altar si Gin. Jusko, sobrang Saya ko nang marinig yon. Akala ko Hindi niya na ko sisiputin.

Inalalayan ako ni Mark sa Paglabas Ng Kwarto naglalakad kami ngayon papuntang Venue at nahaharangan ako Ng mga Abay namin kaya Naman malabong Makita ako ni Gin Mula rito.

Napansin Kong para siyang Pagod at magulo pa ang Buhok, Wala rin siyang make up o kahit Foundation Lang. Bakit Parang Hindi man Lang siya naligo!

Pagtapos nang paglalakad nang lahat nang mga Abay ay Tumigil saka bumaba ang Tela sa Harapan ko. Kasabay nang Pagtunog Ng Sumunod na Kanta ay Bumukas muli Ang Tela saka palang ako nakita ni Gin.

:[Please play the YT video above. :))]:

Kitang kita ko Ang pagkabigla sa mga mata nito saka dahan dahang Ngumiti sakin. Habang naglalakad ako ay naiiyak ako habang nakatingin sakanya.

Totoong Ikakasal ako, Ikakasal ako sa Lalaking mamahalin ko habang buhay, magiging masaya at bubuo ng Pamilya.

Halos matawa ako nang Makita siyang napasapo sa Noo na para bang may nakalimutan.

Sa Gitna Ng paglalakad ko ay sumalubong ako ni Tats, Ngumiti Ito sakin saka Humalik sa Noo ko.

"Ikakasal na ang Baby Girl namin." Sambit niya na halos magpahagulgol sakin. "Mahal na mahal ka namin." Dagdag nito.

"Mahal na mahal din kita, Tats. Kayo nila Lola." Balik na sambit ko saka yumakap sakanya.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa Abutin ni Gin Ang Kamay ko. Nakipag shake Hands siya Kay Tats, "Aalagaan mo Ang apo ko, Mahal na mahal namin 'yan." Sambit ni Tats.

"Mahal na mahal ko rin po siya, wag po kayong mag alala." Saka sila nag yakapan.

Tumayo kami sa Harap Ng Pari para makinig sa Misa nito.

"Magandang Araw sa iyong lahat, nandito kayo ngayon upang maging Isa sa mga saksi Ng pagiging mag asawa ng dalawang Taong Ito. Pero bago Ang lahat inaanyayahan ko kayong umupo." Sambit Ng Pari. Umupo kami ni Gin. Saka nagpatuloy ang Pari.

"Siguro ay Maraming nagtataka saatin, ano? Bakit ba kailangan pa Ng Kasal? Gastos Lang Yan! Sayang Lang ang Oras. Basta Mahal moko at Mahal Kita edi Tayo na!" Sambit Ng Pari nagtawanan Naman kami.

"Pero minsan naisip niyo rin ba na ang Kasal ay Ang pinakasagradong bagay na Ginagawa Ng mga Kristiano. Dito sa Proseso na Ito pinapatunayan Ng Lalaki na Mahal niya ang Babae at mamahalin niya Ito habang buhay sa harap Ng Panginoon. You know what? Sometimes Love is not always the most important thing in the World. Bakit kamo? Dahil madalas sa Panahon ngayon walang saysay Ang pagmamahal mo Kung Mahal mo Lang siya dahil may Pera siya, dahil Gwapo siya O maganda. Dahil magaling siya Sa bagay na magaling ka." Litanya Ng Pari.

"Alam niyo, walang bisa Ang pagmamahal na yan kung Ang pagmamahal niyo ay laging may dahilan, naisip niyo ba na pano Kung mawala na Yung Dahilan Kung bakit niyo Mahal Ang Taong yon, edi Hindi niyo na siya Mahal diba? Sa Ganitong mga Sitwasyon nawawalan Ng Saysay Ang Pagmamahal. Love is Loving someone without Reasons, Loving someone without Expectations and Loving someone with God. Mahalin mo Ang Taong Mahal mo kasama ang Panginoon at walang sino man ang makakapaghiwalay sainyo Dalawa. Walang kahit anong Dahilan Ang makakapag tigil Ng pag mamahal niyo sa isa't isa." Si Father. Tama nga Naman.

"Inaanyayahan ko kayong tumayo." Sambit Ng Pari saka kami tumayo.

"Now, It's time to say your Wedding vows right in front of your Partner, Family and most importantly right infront of God." Si Father. Sumenyas si Father na Mauna na ko. Kaya Naman nilabas ko Ang isang Letter na ginawa ko kanina.

"Gin, My Gin Traque Venzuela," panimula ko. "Funny how our story started. Kakakita mo palang sakin at kakakilala ko palang sayo Ikakasal na agad Tayo. Ipinagsama sa iisang bubong, nakilala Kita at nakilala mo rin ako. I just want to say that Iloveyou even tho Parang isang bulang sumulpot Ang love story natin. Mahal na mahal Kita Hubby, and I want to spend the rest of my life with you, I will accept all your Flaws, your Imperfections and bad sides because you are Gin. My one and only. Iloveyousomuch and thankyou for making my dreams happen. Iloveyou Gin Traque Venzuela." Sambit ko saka pinunasan Ang luha sa mga mata.

Sumenyas Ang Pari na si Gin Naman ang magsalita.

"Ehem, uhm.. haha, actually, Hindi ako prepared para dito pero uhm, ehem.." sambit ni Gin at Malakas natawanan Mula kela Gail Ang narinig namin. "Wife, Iloveyou, thankyou so much for joining me here at the altar today. I Promise to Take Care of you, to Protect you and to Love you no matter what happened every single day in my Life. Maraming maraming salamat sa pananatili sa tabi ko sakabila nang lahat Ng narinig, nakita at nalaman mo. Mahal na mahal kita Mrs. Aicey Liq Venzuela. Pitong anak Ang gusto ko." Sambit ni Gin. Agad ko siyang hinampas Ng marinig Ang huling sinabi niya.

"Will you, Gin Traque Venzuela have this womam to be your wife to live together in holy marriage? Will you love her, comfort her, honor, and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?" Tanong ni Father Kay Gin.

"I do." Sagot niya. Saka ko isinuot Ang singsing sa Kamay niya.

"Will you, Aicey Liq Santiago, have this man to be your husband, to live together in holy marriage? Will you love him, comfort him, honor, and keep him in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to him as long as you both shall live?"

"I do." Sagot ko naman. Saka niya isinuot Ang sing sing sa Kamay ko.

"Gin, you may now kiss your Bride." Sambit Ng Pari.

Hinawi ni Gin Ang Belo, inabot niya ang Muka ko saka mariin akong hinalikan kasabay non ay Ang pagbanggit ni Father. "I now pronounce you, Husband and Wife."

Malakas na palakpakan at hiyawan ang bumalot sa'min ni Gin.

"Iloveyou, Wife. Thankyou for everything." Bulong ni Gin sa Tenga ko.

"Iloveyouutooo, may kasalanan ka pa sakin!" Biro ko dito.

"Wala ah!" Depensa niya.


***

A/N:

Again, thankyou so much sa lahat ng nagbabasa, iloveyou all, baka may naglalaro Ng ML dyan drop your ID, buhatin niyo ko. HAHAHAHAHAHA

Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon