Onism (1)

1.9K 82 0
                                    

(n.) the awareness of how little of the world you will experience.

***
Aicey Liq's

The Long wait is Over, eto na yon. Eto na Yung Araw na pinaka hihintay ko. Hindi ko Alam Kung ano bang meron sa Puso ko, kinakabahan ako na baka may masamang Mangyari at the same time excited na ko mamayang hapon.

Tinitingnan ko ang Wedding Gown na susuotin ko mamaya nang biglang may kumatok at agad ko itong binuksan.

"Ate!" Sabay na hiyaw ni Sin at Sam. Sabik ko silang niyakap. Ang aga aga ha.

"Namiss ka namin! Susubukan sana namin nila Tats pumunta sa Condo niyo kaya Lang sabi ni Kuya Gin ay huwag na raw muna." Naglulungkot lungkutan na Saad ni Sam.

"Ah, nitong mga nakaraan kasi maraming nangyari na Alam niyo na, Hindi pa'ko gaano kahanda." Sagot ko saka umupo sa Kama. Ganun rin ang Ginawa nila.

"Eh ate, sigurado kana ba talaga dito? Kung Hindi sabihin mo Lang, ilalayo Kita. Ako nang bahala Kela Tats, magsabi ka Lang." Si Sin.

"Sin, ano ka ba? Sa Mahigit Isang Buwan naming magkasama ni Gin sa iisang Bubong, sobrang nakilala ko siya at Hindi siya tulad Ng iniisip mo. Gusto ko to, gusto Kong ikasal sakanya." Paliwanag ko.

"Sigurado kana ba talaga dyan, ate?" Tanong ni Sam.

"Oo naman." Sagot ko.

Agad kaming napalingon sa Pintuan nang Pumasok si Gin nang Kwarto na para bang madaling madali.

"Gin? Anong meron? Sabi nung Organizer bawal moko Makita before wedding!" Sermon ko rito.

Tila naka hinga Ng maluwag si Gin base sa Reaction niya, ano ba Talagang meron ha?

"Wife.. I uhm- I just missed you already. Sorry for interrupting but-uhm- Sin, Sam, can you excuse us for a minute kausapin ko Lang ate niyo." Sambit niya at Ngumiti habang kumakamot sa Likuran ng ulo.

"Okay.." Naguguluhang sambit ni Sin. Ngumiti ako sakanila saka sila Hinatid palabas.

"Anong meron, Bakit Parang alalang alala ka?" Tanong ko Kay Gin pag kasara Ng pinto. Nagulat ako rito Ng nang bigla niya Kong niyakap.

"I missed you, wife. Sososomuchh!" Sabik na sambit nito habang humalik pa sa Pisngi ko.

"Gin, ano ba. Umamin ka nga sakin ano bang meron kasi, may Problema ba?" Tanong ko rito.

"Wala, ano ka ba? Praning ka ba?" Si Gin. Ha! At ako pa talaga ang Praning tiningnan ko Ito nang masama. "Wala nga, wife. I promise, maybe I'm just-you know, nervous?" Dagdag nito saka Ngumiti. Tsk, Fine.

"Sure ka ba?" Tanong ko.

"Oo Naman, sisiputin mo Naman ako diba?" Biro niya. Baliw talaga.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko Naman.

Tumawa Ito saka naglakad papunta sa Wedding Gown ko para bang may Chinecheck. Okaaay?? Tiningnan ko siya na Parang nagtataka.

"Hindi ba Parang magiging showy to para sayo?" Sambit niya saka awkward na Ngumiti sakin. Baliw.

"Lumabas kana nga!" Sigaw ko.

"Bakit!?" Sigaw niya pabalik.

"Gin Traque Venzuela!!" May Autoridad nang sigaw ko dahil sa Inis.

"Yes, Aicey Liq Venzuela?" Sagot niya. Automatikong Napa Ngiti ang mga labi ko dahil sa Sinabi niya. Amp!

"Kinikilig ka?" Pang aasar nito. "Che! Alis na sabi!" Sambit ko saka siya tinulak palabas. Kainis.

Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon