CHAPTER TWENTY ONE

13 8 0
                                    

Kinabukasan noong bumaba ako, nagulat ako nang makita ko si Miguel.

"Good morning." He said.

"Good morning. Why are you here?"

"I just want to say sorry." Sabi niya habang papalapit siya sa akin. "I'm sor-"

"It's not your fault, Miguel. Hindi mo 'yon kasalanan. Hindi rin kasalanan ng dad mo na hindi niya ako gusto."

"Sorry, baby. Uhm. Mom's here. Sa labas. Ayaw niyang pumasok kasi nahihiya siya." Pumunta kami sa mom niya na nasa kotse. Nakasuot pa siya ng mask at faceshield.

"Hija! Are you okay? I'm sorry for what my husband did." She said while holding at my hands.

"I'm okay po. Thank you po. Do you want to go in first po?" I asked.

"No need. Aasikasuhin ko naman ngayon ang grocery store ko. Iiwan ko muna si Miguel." She kissed Miguel on the cheeks. "I'll text you if pauwi na ako. Take care."

"Ingat po." Sabi ko bago kami pumasok. "Did you eat na?" I asked.

"Yes. Ikaw ba? Asan pala sila tita and tito?"

"They have a parents orientation for Talia's first day tomorrow." I said while getting some bread. "Ohh. Tomorrow na nga pala 'yung orientation ko rin no? Welcome walk pero minecraft. Yikes."

He laughed. "Okay lang 'yun. At least pumasa ka sa dream university mo." He said while tucking my hair behind my ear. "Dungis mo kumain no. Goodluck sa orientation bukas. Kami next week pa hehe."

"Pakealam ko?" He kissed my cheeks. "Sorry for what my dad said."

"It's okay." I nod. "Anyway, let's go walk around the village?" He nod.

Nag-lalakad kami sa village nang bigla akong makakita ng aso. "Uwi na tayo. Tara na." Hinila ko ang kamay ni Miguel.

"Bakit? Ang sarap-sarap mag-lakad eh."

"May aso eh."Sabi ko. "Please?"

"Tara." Tinapik niya ang kaniyang balikat at para siyang naupo. "Sakay ka dito. Hindi ka naman aanuhin niyan eh."

"Ayoko nga! Tara na kasi."

"Arte mo. Bahala ka makagat ng aso diyan."

"Sige na nga. Baba." Nakapasan ako ngayon sa likod niya. "Hurry please."

"Ano? Bigat bigat mo eh? Hurry ka diyan." I laughed. "Yung tawa mo halatang takot."

"Of course." Hingal na hingal siya noong binaba na niya ako. Na sa bahay na kami at nag-pahinga muna bago kami maligo.

"Bigat mo."

"Gaan lang eh."

"Pasalamat ka mahal kita. Kung hindi ipinakagat kita sa aso na 'yun."

Matapos noon ay ako muna ang unang naligo. Ayoko naman maamoy ako ni Miguel na mabaho ako. Pawis pa naman ako kanina. Si Miguel naman parang dito na nakatira. May mga damit na siya dito. Just in case pag dito siya matutulog.

Nang matapos na kaming dalawa sa pag-ligo, pumunta na kami sa kwarto ko. Tinulungan niya akong ayusin ang desk ko. "Everybody's trying to be a billionare. But everytime I look at you I just don't care. Cause all I wanna be, yeah all I ever wanna be yeah is somebody to you." Pag-kanta naming sabay.

This is our favorite song. Sabi nga ni Miguel ito ang kanta niya sa akin. Bago ko pa man nga siya makilala, ito na ang favorite kong kanta. Kaya naman natuwa ako noong nalaman ko na itong kantang palang 'to ay kanta ni Miguel para sa akin.

"I love you." He kissed my forehead and hugged me.

Kinabukasan naman ang orientation. Nag-mass na kami at ngayon ay welcome walk naman.

Siguro mas masaya lang talaga kapag face to face 'to ginawa. Ang weird lang kasi na minecraft. Pero okay na rin.

"Next we have the Faculty of Arts and Letters!" The host said.

Nagsi-talunan naman ang mga na sa Minecraft. 'yung iba naka-hang. Hays. Kung sana walang pandemic, hindi ganito. Pero alam ko namang konting tiis na lang. Mawawala na rin 'tong pandemic.

The orientation went on and on. Ang tagal niya. Sumakit na ang mata ko at sobrang init na rin ng laptop ko.

Bukas pa ang first day of school pero parang pagod na agad ako.

ONLINE CLASS SERIES #1: LOVE ON ZOOMWhere stories live. Discover now