CHAPTER 8

36.9K 1.8K 2.2K
                                    

- Unedited, sorry sa mga wrong typos

Rivah


"Diyos ko naman, Ri, eto na nga ang sinasabi ko sayo e. Kung alam ko lang na eto ang manyayari e di sana di nalang ako nagpapakapagod mag-trabaho para lang mai-padala ka sa maynila." puno ng tampo at dismayang sabi sakin ni nanay. Nandito ako ngayon sa Marawi kung saan sinamahan pa'ko ni Yen. Masyado kasing maselan ang pagbubuntis ko kaya kinailangan pa niya akong ihatid hanggang dito.

"S-sorry po nay, h-hindi ko naman po inaasahan na mangyayari sakin 'to e,"

"Hindi inaasahan?" lumarawan ang galit sa buong mukha nito. "Simula't-sapul alam mong tutol ako sa pag-aaral mo sa maynila, pero dahil malaki ang tiwala ko sayo ay pumayag ako. Tapos ngayon uuwi ka na lang dito na buntis?"

Hindi ko magawang makasagot, napayuko lang ako at tahimik na umiiyak.

"At ikaw, Yen." baling ni nanay sa pinsan ko. "Diba sinabihan naman kita na bantayan mo 'tong si Rivah? Alam mo namang bata pa 'to at kailangan pang gabayan e."

"Tiyang, lage ko naman siyang mino-monitor, saka hindi rin ako nagkulang sa pag-gagabay sakanya. Lage kaming magkasama sa campus, bahay at dorm pero nagulat na lang din ako nang malamang buntis siya."

"Hay diyos ko," pasalampak itong umupo sa silya. "Nauwi lang sa wala ang lahat ng pag-hihirap ko sayo, Rivah. Nagka baon-baon pa'ko sa utang para lang padalhan ka ng allowance kasi ayokong nahihirapan ka, tapos yung resulta eto lang? Parang binabalewa mo lang lahat ng sakripisyo ko."

Nakaramdam ako ng guilt. "S-sorry po t-talaga, nay."

Pinahid ni nanay ang luha nito at mataman akong tinignan. "Ano ng gagawin natin ngayon? Anim na buwan ka ng buntis at nawalan pa ng scholarship. Saan tayo kukuha ng pera sa pag-panganak mo? Anong maipang-tustos natin sa bata gayong matanda na ako para mag-trabaho?"

Hindi ko ulit magawang makasagot, iyak lang ang tanging mai-tutugon ko rito.

"Anak naman, sana naisip mo man lang yung kinabukasan mo bago ka gumawa ng kapusokan. Ikaw lang ang bukod tanging inaasahan ko para maka-ahon tayo sa hirap. Alam kong obligasyon ko yun bilang magulang pero masyado na akong matanda, yung dalawang kapatid mo nga nag kani-kaniyang deskarte para may maipantustos sa pag-aaral nila, tapos ikaw eto lang? Di mo man lang inisip kung gaano kalaki yang responsibilidad na pinapasok mo."

"Tiyang, huwag po kayong mag-alala. Tutulongan ko naman si Riri e." wika ni Yen. "Hindi ko po siya pababayaan, pwede naman siyang manatili sa amin hanggang sa manganak siya."

"Kahit na, Yen, hindi pwedeng habam-buhay aasa sayo si Rivah."

"Okay lang po yun. Pamilya naman tayo at tayo lang din naman ang magtutulongan."

Napabuntong hininga si nanay at hindi na sumagot, tumalikod lang ito at lumabas na ng bahay.

Pinunasan ko yung luha ko at tinignan si Yen. "Salamat ate ha? pero kaya ko namang alagaan yung sarili ko dito e."

"Ri, mas maganda kung sasama ka sakin pabalik sa maynila. Nandon naman sila lola para bantayan ka. Saka, mas madali din sa'tin ang mag-pa prenatal checkup kasi malapit lang ang mga ospital doon."

Umiling ako bilang pagtutol. "Ayoko ng bumalik sa maynila. Dito lang ako kay nanay."

"Rivah, huwag ng matigas ang ulo. Sumunod ka nalang sakin."

"Ayoko ngang bumalik 'don, Ate.......b-baka kasi......" nabitin ang ibang sasabihin ko.

"Baka ano?"

"B-baka kasi makita ako ng taong nakabuntis sa akin."

"O tapos? E di mas mabuti, para naman makita niya na may obligasyon siyang dapat pagtuonan ng pansin."

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon