x. Nasaan ang ibang boys?

18 4 3
                                    

Rhyme's PoV

Flashback

Iniwan ko na si Ate Anne para pumunta sa group of girls. Pero may kaunti akong saya nung nagiba ang aura n'ya. She's no longer Ate Anne. Biglang bumalik si Ate Hailey. Yung tunay kong kapatid na si Ate Hailey. Siniko naman ako ni Oval, bestfriend ko. Sandoval kasi apelyido nito. Kaya Oval. Lols.

"Uy, bumabait yung Ate mo ah?" pangaasar pa ni Oval. "Anong nangyari sa tent?" Nakangisi pa 'tong sabi.

"Mandiri ka 'tol. Hindi ako incest, tulad mong pati aso n'yo, pinapasok." At umarteng sumusuka pa ako.

"Ano ka ba 'tol, biro lang. Hahaha." At tumawa naman 'to, pero natigilian sya nung magsimulang magsalita si Sir Drew. Principal namin, na ubod ng gwapo. Natalo pa si Channing Tatum, Damon Salvatore, James Reid, at Daniel Padilla sa kagwapohan. Hanep eh no.

"Maglalakad lang muna tayo dito sa baryo, at magtanong tanong. Yung girls naman ay d'yan. Ms. Nakatay, sa'n ka na?" Hinanap n'ya si Miss Nakatay. Pero wala.

"Umalis kanina, kasama n'ya si Michael. May papasukin daw ulit si Michael na lumang kweba." Alam kong iniisip nitong maberdeng 'to. Si Alvin.

"Tch. Ikaw nalang Alvin. Sabihin mo sa kanilang magtatanong tanong lang tayo." Tumakbo s'ya, ngunit napaaray s'ya.

"Aray. P*ta."

"Bakit Alvin?" tanong ni Sir Drew.

"Sir, parang may harang?" sagot nito. Kaya lumapit kami dito. Pero nung mas lumapit pa kami. Nagkauntog untog kami. Nice. Nanguuntog na ang hangin. Di naman kami nasaktan tulad nung kay Alvin na tumakbo. Kaya kinapa namin yung matigas na 'yun.

"Aamin ako. Adik ako fantasy, mukhang may harang 'to. Invisible Shield. Ibig sabihin, nasa loob sila. At tayo? Nandito." sabi pa ni Zyc.

"Imaginations." Sabi pa ni Witchell na tinulungang tumayo si Mox dahilan sa pagkauntog nito. Pero dahil nga sa sinabi ni Zyc. Kumaway kaway kami sa girls. Lumingon sila sa gawi namin, pero may kasamang pagtataka. May sinabi pa sila pero di namin narinig. Yung kaninang nagsisiyahang aura, ngayon ay nabalot na ng takot na aura. Paanong nangyari 'to?

Naglakad pa sila, at pumunta sa isang bahay at kumatok. May lumabas na bata, nanginginig ito. Tapos lumabas naman ang isang babaeng maganda--

"Ang ganda nung babae." Sabi ni Sir Drew na parang heart shape na yung mata. Mukhang inlababo si Sir. Pero yun nga, may lumabas na babae at lalake, at pinapasok sila. Lumabas naman yung babae, at tumingin tingin pa sa paligid, parang nagiingat sila, kung may tao sa paligid. Pero sa ikinatakot namin, nung tumingin s'ya sa gawi namin, at tumingin ng nakakakilabot. At tumawa pa s'ya na mala-demonyo. Dahil sa pangamba namin, sinipa, sinuntok, hinampas, o kung ano ano't paman ang ginawa namin, para mabuwag 'tong pesteng harang na 'to.

"F*CK" Alvin's.

"P*ta." Zyc's

"Tang*na!" Ako.

"Peste!" Other boys. Kasama si Oval.

"Ayokong magmura!" Sabi naman ni Sir Drew na sobrang good boy.

Mas natakot kami nung biglang dumilim ang kaulapan, pati narin ang kapaligiran. Nawawala na sa paningin namin ang baryo. Hala? Peste naman oh. Di ko makita ang mga katabi ko. Buti nalang nakita ko ang mga mata nila.

*piiiiw* *boooooom*

Nagulat kami, at napapikit ako dahil sa kidlat at malakas na kulog.

AuthorWhere stories live. Discover now