xix. Audition

10 3 1
                                    

Mox's PoV
Katapos kong mag part time dun sa carshop. At pati narin maging waiter sa isang restaurant ay umuwi na ako.

Nakakapagod. Working student na ako, kahit high school palang ako. Buti nga may tumatanggap pa sa'kin kung hindi baka namatay na kami sa gutom.

Kasama ko si Itay na kumakayod. S'ya ay isang gwardya ng isang sikat na eskwelahan. Buti nga s'ya ay permanente na ang trabaho. Ang kahit papaano nakakain kami nung mga kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw.

Sa totoo n'yan hindi ako tunay na anak ni Itay. Ang sabi n'ya napulot lang daw ako sa lansangan. Dapat daw hindi na n'ya ako aampunin kasi wala s'yang pera na ipapakain sa'kin. Pero dahil sa panahon na 'yun ay wala s'yang asawa at anak ay inampon nalang n'ya ako. Kahit di alam nung DSWD.

Alam ko lahat ng 'to dahil rinerespeto pa ni Itay ang tunay na pamilya ko. Hanggang ngayon nga hinahanap parin n'ya ang tunay kong mga pamilya. Ang tanging iniwan lang sa akin ay isang lampin na may anghel.

"O, nak. Wag ka ngang magpakasobra sa trabaho mo. Magbakasyon ka muna. Sapat pa naman ang pera namin. Kaya ikaw, isipin mo muna ang sarili mo." Si Tatay talaga. Sana s'ya nalang ang tunay kong ama.

"Bakasyon nga, kaya panahon 'to ng pagiipon no." Sabi ko.

"Ah basta bahala ka. Oy, teka, sabi ni Pare Teban na may audition daw sa mall malapit dito. Try mo. Pan artista naman ang mukha mo." Haha, ito talaga si Tatay kung ano ano ang pinapagawa sakin.

"Sige Tay, try ko." Wala namang mawawala di ba?

Natulog na ako dahil sabi ni Tatay ay alas 8 ng umaga bukas ang simula ng audition. Alas sais ako pupunta para naman maaga rin ako makauwi. Ano kayang pang audition ko? Kakanta nalang ako. Nakaka isang daan naman ako sa bidyokehan eh. Tapos sabi nila gwapo daw ako, at pangartista ang boses at mukha ko. Pati daw tindig ko pang leading man. Ako naman ang naniniwala. Kanina at kahapon at nung isang hapon nga tatlong babaeng maganda ang sinungitan ako.

Paano ba naman? Yung dalawang yun ang niloko at pinaglaruan ko sa panaginip. At yung isa naman, yung Mihk ang pangalan ay may crush daw sakin. Pero isa lang naman daw ang mahal ko sa kanila, si Hailey yun.

Nung isang araw nagandahan talaga ako kay Mihk. Nacute'an nga rin eh, pa'no ba naman, pumasok s'ya na summer na. Dk ba s'ya aware. Pero nung nilapitan ko, pilit lumalayo. Ang alam ko sa panaginip ko, pinaasa ko 'to. Ganun ba ako kasama? Buti nga, nahingan ko ng numero ni Mihk kay Vill. Ang swerte ko naman.

Yung isang babaeng minahal ko daw sa panaginip ko ay si Hailey
Ang bait n'ya, kaya lang ang arte. Kanina naman, si Rhyme at ang kapatid n'yang si Lavinia. Sa panaginip namin, kapatid naman ni Rhyme si Hailey, sa totoong buhay, sobrang baliktad. Natawa nalang ako sa pagkaweird ko

Si Lavinia ay tulad sa panaginip ko, mataray. Pero hindi yun--rrr sorry sa word. Malandi. Kasi ang bait n'ya tingnan, pero baka dahil lang yun sa kakamatay lang ng magulang nila.

Si Rhyme naman, halatang babaero. Sa kilos palang eh. Pero don't judge a book by its cover.

Ewan, parang gusto ko silang makaclose. Pero mukhang malayo yun mangyari. Alam kong may pagkakaugnay kami, yun ay yung panaginip namin. Kaso mahirap ako, ang laking-yaman with sauna sila. Haay, cruel ng layp.

Natulog na ako...

***

Kinabukasan, pinagtataka ko, hindi na ako nanaginip nang ganun. Biglang nawala, kahapon nga rin eh. After I met Mihk at nagkasunod sunod na nagpakita ang mga tao sa panaginip ko.

AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon