xx. Friends

11 3 1
                                    

Mihk's PoV

Mapilit talaga 'to gwapong 'to. Kyah. Siguro, type ako nito. Pero shemperd, di pahalatang kinikilig. Tandaan mo, Mihkyla Ponce. Tinaguriang kang pabebe ng paaralang pinasukan mo. Tandaan mo ulit. Dalagang pilina ka, pinanganak kang Maria Clara, at pinaglihi ka ng inay mo sa mga santa.

Kumakain kami ng fishball ngayon. Actually walang imikan. Siguro napansin ata n'yang naiilang ako sa kaya. Una, nasa panaginip ko s'ya. Pangalawa, ang weird lang kasi, nasa panaginip ko nga s'ya. Pangatlo, at huling-huli, ay ang gwapo n'ya at nasa panaginip ko nga s'ya.

Baliw na ba ako?

Haha, akala nga ata n'ya ang taray ko at ang snob ko. Pero di ko naman pwedeng sabihin na pilipinang dalaga ako di ba?

"Ah eh, kanina nakinig ako sa istorya ng buhay mo. Somehow nakilala kita ng konti. Ang tapang mong humarap sa buhay kahit alam mong nagiisa ka lang no?" Wow, big sentences. Haha.

"Ah, oo eh." Dahil dakilang pinay ako, kailangan ko munang magpakipot. At pafeeling hard to get.

"Ang hirap mo palang kausapin no?" Sabi n'ya.

"Edi wag mo kong kausapin." Biglang pagsungit ko dahil ang tunay na pilipina nasasaktan rin sa maliit na bagay. Umalis muna ako dun sa kinauupuan ko, gusto kong habulin n'ya ako.

Mga isang kilometro narin akong naglalakad pero wala parin humahabol sakin. Aray, ang sakit. Minsan talaga magpaka modernong pilipina ka na. Yung tipong go lang.

"Hi Mihk!"

"Ay pu*censored* ano ba nangugulat ka eh!" Pinalo ko ng pinalo si Alvin at aray naman s'ya ng aray. Yan, nanggugulat kasi. Pero ang ginawa n'ya ay binuhat n'ya akong pang bridal style, charr lang. Sa utak ko lang yun.

Natapilok ako matapos n'yang umilag s'ya palo ko, sinalo naman n'ya ako, pero charr ulit.

*tsup*

Akala ko talaga nagkalips to lips kami ni pogi. Pero hindi.

Pesto 'to. Di ako sinalo. Nakahalikan ko pa yung semento. Tae, baka magkasugat yung kissable lips ko.

"Mihk, okey ka lang?" Lumapit s'ya sakin, tinulungan n'ya akong tumayo, at chineck kung may sugat ba ang mukha ko. This time, totoo na.

"Mukha ba akong okay? Yung okay na akala ko susunod ka sakin at hahabulin ako? Yung okay na nangugulat ka at nagulat ako? Yung okay na nahalikan ko yung semento sa halip na yung labi mo? Hindi ako okay!" Bigla naman akong nagwalkout.

Yun ang nasa malanding side ko pero dahil pilipina ako at birhen.

"Okey lang ako, wag mo na akong intindihin." With matching pabebe voice at blinking eyes.

"Hindi, hindi ka okey. Dadalhin kita sa medic." May nalasahan naman akong likido.

Hmm? Ngayon ko lang 'to natikman.

Tumigil ang kashungahan ko ng millisecond. Sheyt, dugo.

"Uy, dumudugo!" Ngayon, totoo na. Binuhat n'ya ako, pero sa balikat n'ya. Ow, how romantic. Yung tipong, tumutulo na nga ang dugo ko sa ilong, nabaliktad pa ang ulo ko. Peste, mahihimatay ako dito.

AuthorWhere stories live. Discover now