xii. Dayari ng bampira

10 3 1
                                    

Mihk's PoV

"AHHHHH!" Halos limang minuto na kami sumisigaw dito ni Hailey, pero hindi parin kami nahuhulog o anek anek paman.

"Hoy, Hailey, wag ka na ngang magshout. Na iiritate yung gorgeous ears ko. Ugh!" Sabi ko kay Hailey habang patuloy kaming nahuhulog papunta sa ewan.

"Ikaw kayang mahulog?! Sapakin kita dyan eh. AHHHH!" Sabi n'ya pa.

"Eh nahuhulog naman ako eh." Sarkastiko kong sabi.

"Ugh. Bwisit. AHHHHHH!" Nagsisigaw parin s'ya

*poinks*

Usually, poogsh ang sound ng matinding pagkahulog, pero poinks nalang, di kasi masakit. Pake n'yo ba, PoV ko 'to. Gawa kayo ng sarili n'yong PoV. Hahaha.

"Ouch?" Halos di kami makapaniwala na ito pala ang sakit nun. Tiningnan namin ang paligid, madilim ito, ngunit may sinag naman galing sa pinaghulog'an namin. Pero may mabaho? Parang hininga ng tao?

"Dugo! Dugo!" Nasa balikat ko na ang naglalaway na tao, mahaba ang ngipin, nakacontact lens, este pula ang mata, mala pinnochio ang ilong.

Pero eww, ampanget, at kadiri, tumutulo ang laway. Sinungaling talaga ang mga palabas, diba dapat kasing gwapo ni Ian Somerhalder, Paul Wesley, at ni Sir Drew ang mga bampira?

Pero nakakadiri parin. Kaya lumayoako sa kanya. Si Hailey naman?

"Yung laway mo tumutulo, sapak o hihigupin mo laway mo?" ani Hailey.

"Opo, ito na po!" At yung bampira naman agad sumunod. "Oy, pre, wag na 'yan. Magtimpi muna tayo sa dugo!" Sabi nung bampira ni Hailey. Agad naman hinigop yung laway nung bampira na kanina halos matulo na sa balikat ko.

"Sorry po! Sorry po! Sorry po!" Paulit ulit n'yang paghingi ng tawad.

"Sumunod nalang kayo sa'min." Susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Hailey.

"Lema mo?" Di n'ya ko pinansin.

"Wala na kaming tiwala kahit kanino." Sabi n'ya sa mga bampira.

"Mababait kami, kesa sa Gangster, Fantasy, at Horror. Pagkatiwalaan n'yo kami, dahil ayaw rin namin ang pinagagawa ng mahal na reyna."

"Mahal na Reyna?!" Sabay naming sabi ni Hailey. Tumango naman silang dalawa.

"Mahal na Reyna, ang kumokontrol sa inyong lahat. Ang dahilan kung bakit nangyayari ito, dahil sa kanyang inggit, nagagawa n'ya 'to."

"Sino s'ya at nasan ang boys?!" tanong ko.

"Nasa plot na sila ng Fantasy, at pinagpapatuloy nila ang istoryang yun. At kayo ay nasa genre na ng Vampire. Ngunit hindi pa ito ang huli, masyadong sakim yung Mahal na Reyna, may mga genre pa kayong kailangan tapusin, ang Sci-Fi, Reality, at Romance." sabi pa nung bampira. Ano?!

*tiw tiw tiw*

May tumunog sa relo nung dalawang bampira.

"Kailangan na naming tapusin ang genre'ng 'to, kahit hindi ganun ang plot, okey lang basta natapos namin." Dahan dahang lumapit ang dalawa. Napaatras naman kami.

"Ano ibig m-mong s-sabihin?!" Nanginginig na tanong ko.

"Tandaan n'yo, patay kung patay, buhay kung buhay. Isang clue lang ang kailangan kong ibigay sa inyo. Imaginations."

At parang kidlat, ay tumakbo sa samin, at akmang kakagatin na kami, pero napatigil sila.

"Ughhh!" Napaungol silang dalawa na parang nasasaktan.

"Mga traydor kayo! Ano? Kala n'yo mapapalampas n'yo yun?!" sabi ng pamilyar na boses sa likod. Si Ms. Cora Koth. The School Treasurer.

"C-Cora!" Sabay nilang sigaw na dalawa.

"Mga walangya! Di n'yo ko ginagalang na ako ang mahal na reyna. HAHAHA!"

"Hindi ikaw ang--- UGHHHH!" at matapos ang ungol na yun, wala na ang dalawang bampira.

Susugod na sana kami kay Ms. Cora, nung may naamoy kami na mabaho. Mabango pala, I mean mabaho. Ewan, parang aficionadong mabaho? Hehe.

Pero nahihilo ako, parang may stars sa paligid. Nung tumingin ako kay Hailey, nahimatay na s'ya. Ang hina ng resistensya nya, mabuti pa si Doris Bigornia, bagong endorser ng Ceelin.

Nung tumingin ako kay Ms. Cora. Tumatawa parin s'ya. Ang galing. Di ko narin s'ya marinig, pero nung tumigil s'ya sa pag tawa.

"Ang kapangyarihan ko ay ang pagtawa, nakakahilo ang pagtawa ko. HAHAHAHAHAHA!"

Eh?! Pero sa tawa na yun, nahimatay na ako.

***

Parang kasing nahiwalay na sa story si Ms. Cora. At sorry sa mga brand na nasabi ko, hehe.

Ms. Cora kaya ang reyna?! Abangan. Lols.

Tapos ang galing, naisip ko lang ang plot na 'to.

Next chap, Scifi naman.

AuthorWhere stories live. Discover now