Chapter 13

415 6 1
                                    

TW: Suicide. Death.

Ang pagmamahal ay pagpaparaya. Kahit gaano kasakit sa atin, kung ito ang makakbuti sa kanila, kailangan nating magparaya. Kasi nagmamahal tayo.

I was busy packing my clothes when I heard a knock on the door. Ang aga niyang nagising!

I'm supposed to leave right now but he already woke up. Itinago ko ang mga maleta sa ilalim ng kama at binuksan ang pintuan.

Sumalubong sa akin ang namumungay niyang mata. His hair was a bit messy.

He flashed me a sweet smile which surprised me. For the first time, he smiled. He freaking smiled.

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok.

"What should I cook?" he asked.

Kumunot ang noo ko. Hindi niya ba naaalala ang sinabi niya sa akin kagabi?

"Anything," sagot ko.

Agad kong isinarado ang pintuan at huminga ng malalim. He doesn't remember what he said last night?

Pagbukas ko ay nagulat ako nang makitang naroon pa rin siya.

He arched a brow. "Aren't you going downstairs?"

"Yeah, let's go," I tried to make myself calm before I step out of my room.

Nakasunod ako sa kaniya nang nagtungo siya sa kitchen. Umupo ako sa stool at pinanood lang siya habangabala siyang nagluluto.

One thing I noticed about him, he looks so serious when cooking. Ang galing niyang magluto. Ang sarap niyang magluto.

"Do you want to go somewhere?" tanong niya habang nakatalikod.

Nagulat ako sa naging tanong niya. He's usually not like this.

"Uhm, pupunta ako sa concert nila kuya," I answered.

Pumayag kasi ako na panonoorin ko ang banda nina kuya Archiel. I cleared all my schedules for this day.

He cleared his throat. "Can..I come?" alanganing  niyang tanong. Nakatalikod pa rin siya sa akin.

He wants to come?

"Yes, you can.." I answered, still confused.

Pagkatapos naming kumain ay siya ang naghugas ng pinggan. Iniwan ko siya at nagtungo sa aking kwarto upang magbihis. I wore a smiple white off shoulder dress and white sneakers.

Pagbaba ko ay nagulat ako nang makitang handa na siya. He was wearing a white polo and khaki pant.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang maliit .

"Shall we?"

I nodded and went with him. Napagpasyahan naming sasakyan niya ang gagamitin namin.

It was 10 am when we arrived at the venue. Ang dami daming tao. Ang ingay ingay. Napuno ng mga tilian ang mga tao nang lumabas ang mga myembro ng Feuillemort.

Hawak hawak ni Archer ang balikat ko dahil dumidikit na ang ibang tao. They were so wild! Hindi pa nga sila nagsisimula, eh!

"How are you, ladies and gentlemen?" Leven smiled cockily which earned shouts from the crowd.

"Hey, Persephone. If you're watching this, this song is for you," he shouted.

Napuno ng hiyawan ang mga tao. Kahit ang mga myembro ay inaasar na siya.

Nagsimula na siyang tumugtog at mas lalong umingay ang mga tao. Hindi ko mapigilang hindi makisabay sa kanila.

They were so good! 'Yung tipong mapapakanta ka talaga nang hindi mo namamalayan.

Kill Me, Archer (Alonso Brothers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon