Chapter 15

443 9 0
                                    

That night, I cried so hard.

Umiyak lang ako nang umiyak habang pinapatahan ako nina mommy. We decided to sleep with them again.

Kahit anong salita ang sabihin nila, walang makakapagpapawi ng sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit.

Konti na lang e. Konti na lang, bibigay na siya sa akin. Pero alam kong may mga bagay na mas importante kaysa sa amin.

Hindi ko naman siya pwedeng ikulong sa bisig ko. May mga pangarap siya. Hindi sa akin umiikot ang kaniyang mundo.

Namumugto ang aking mata nang magising ako kinabukasan.

Ang una kong ginawa ay ang tawagan si Haze. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

I told him to post a statement that the engagement' off and I cheated with another man. Kasabay noon ay ang pagresign ko sa trabaho.

Pakiramdam kong gusto akong pigilan nina mommy pero wala na silang ginawa.

I was ready to taint my name just for him. Yes, I was a fool in love.

Hindi na ako nagulat nang pagbukas ko ng social media accounts ko ay puro pambabash ang mga komento.

I closed my phone to prevent myself from stressing out.

Kailangan kong alagaan ang sarili ko. I almost forgot that I'm carrying a baby inside me.

I softly caressed my stomach as I sat on the sofa. I'll promise to cherish my baby for the rest of my life.

Lalaki man siyang walang ama ay sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa kaniya nang buo ang pagmamahal ko na hindi niya kailangang hanapin ang presensya ng kaniyang ama.

"Nagpacheck up ka na ba?" tanong ni kuya.

Naupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin. He caressed my shoulders, sending comfort to me.

Tipid akong tumango.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" he asked again for nth time.

I nodded again. "I want to raise my child in another country. At saka, kailangan kong lumayo sa mga issue."

I'm leaving for New York tomorrow.

He nodded, like he understood me.

"May gig ako mamaya, don't you want to at least say goodbye to...Hunter?" Nanliit ang kaniyang mata.

Damn. May hindi pa pala ako inaasikaso. Since that night, hindi tumawag si Hunter tungkol sa nangyari. Tahimik niya lang akong inihatid pauwi.

Nag-aalala akong baka mas lalo silang mapalayo sa isa't isa dahil sa ginawa ko!

Pumayag na ako kahit hindi sigurado. I went to ny room to take a bath.

Saktong alas syete ay nakabihis na kami pareho ni kuya. We went to the same club they used to perform.

"Wala ba kayong balak sumali sa mga competitions? Don't you want to get famous?" I asked him.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng club.

"We can't," he said. "We're hiding Alice from someone," aniya na nagpakunot ng aking noo.

Hindi na ako nagtanong dahil alam kong wala siyang balak magkuwento.

Sana lang ay mas maraming makakilala sa kanila balang araw. Ang galing galing nila. They deserve the whole world.

Pagpasok namin sa loob ay naroon na sa stage ang kaniyang kabanda. They're preparing the instruments.

Kill Me, Archer (Alonso Brothers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon