06

11.1K 352 25
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


"Ash, let's go?"

Napalingin ako kay Ryn nang ayain na ako nito para lumabas ng classroom dahil na rin tapos na ang klase namin. Maging ang mga kaklase namin ay nagkakanya-kanya na sa pag-aayos ng gamit para lumabas.

I looked back again and saw Cloud fixing his things as well.

"Come on, I am hungry. Hanap tayo ng makakainan," sabi naman ni Anj na sinang-ayunan ni Ryn.

"Wait here," sabi ko sa kanilang dalawa bago ako tumayo at lumapit sa upuan ni Cloud. We had group activity earlier and as much as I wanted to ask him to join our group, hindi ko siya naaya dahil na rin kumpleto na kami kanina.

He ended up doing the activity alone.

"Hey..." I greeted him. He looked at me and nodded his head a little. "Hey," he greeted back.

"Good job on the activity earlier. Even though you're alone, you were able to finish it and get a good grade," ngumiti ako sa kanya pero tumango lang siyang muli sa akin.

Sa ilang araw na nakakasama ko siya sa klase, hindi ko maiwasang hindi hangaan ang talino nito. Dahil na rin siguro ahead siya sa amin ng dalawang taon kaya mas advanced din ang mga alam nito.

From what I heard, he's taking Business Management. As much as possible, hindi ako masyadong nagtatanong dahil na rin baka kung ano ang isipin ng ibang tao. I think it's making him uncomfortable.

"Hey, nerd!" sabay kaming napalingon ni Cloud nang tawagin siya ni Nancy. "You can join our group next time. You can be our source of fun," sinundan nito iyon ng mapang-asar na tawa na siyang ginaya ng mga kaibigan nito.

Kumuyom ang palad ko at inis na nilingon ang babae. "Actually, Nancy... Your face is enough of a source of fun. If I have that kind of face, I will be so ashamed to go out."

Halata namang nainis ito sa sinabi ko dahil na rin sa pamumula ng mukha nito at panlalaki ng mga mata, "What did you say?!" malakas na sabi nito sa akin pero hindi ko na ito pinansin at muling tumingin kay Cloud.

"My friends and I will eat outside. You wanna go with us?" aya ko sa lalaki. I could still hear Nancy's voice but I opted to ignore her.

Matagal naman nang masama ang ugali ng babaeng iyon. Simula pa grade school ay kilala ko na ito dahil na rin iisang school ang pinapasukan nito at simula pa bata ito, masama na rin talaga ang ugali.

"No, thank you," tanggi ni Cloud sa akin.

"Come on. So, we could know you better?" I smiled a little. Mukha namang napaisip ito dahil sa sinabi ko.

Lumapit na rin sa akin si Anj para sabihin na hindi pa rin tapos si Nancy sa pagsasalita nito. Even her friends are saying things now. I just shrugged and looked at Cloud.

"Let's go? My ears are starting to hurt," sabi ko rito bago hinawakan ang kamay ng lalaki at hinila na ito patayo. Bakas naman sa mukha ni Anj at Ryn ang pagkukwestiyon sa ginagawa ko pero pinanlakihan ko lang silang dalawa ng mga mata ko bago lumabas na rin kami ng classroom matapos kong kunin ang gamit ko.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon