32

7.7K 323 11
                                    

This story has advanced chapters in Patreon, and VIP Group.

Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


I was looking at Therese who joined us and invited herself to join us. Naupo sa tabi ko si Cloud habang kasama namin sa lamesa ang babae.

Ngumiti ako sa kanya nang tumingin siya sa akin kahit pa nararamdaman ko na parang may kakaiba rito. Hindi ko mawari kung ano iyon pero parang may iba sa babae.

Maybe it was a girl's instinct?

Something is really off about her. Napansin naman ni Cloud ang pananahimik ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. I looked at him and gave him a small smile. Ayaw ko rin naman na mailang ito dahil lang may nasesense akong kakaiba sa babaeng kasama namin.

Hindi naman namin siya schoolmate noon kaya hindi ko siya kilala, though she looks familiar, I am still have no idea who she is.

"So, you really got back together," kumento nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kumunot ng bahagya ang noo niya at muling nilingon si Cloud. He looked at her and smiled.

Ito ang sumagot sa babae.

"Yeah, you know that was the plan, right?" sabi naman nito sa babae. Hindi ko alam na may isang tao palang napagsasabihan si Cloud tungkol sa nangyari sa amin. Well, I have Ryn and Anj with me and they knew what happened... si Cloud, wala naman talaga akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya matapos kaming maghiwalay noon.

Now, I just learned that there's a girl named Therese who knew what he went through at that time.

"Yes, yes, and I am really so happy for you, Cloud..." ngumiti ito at muling tumayo para yakapin si Cloud. Napatingin naman ako sa babae na lumingon din sa akin. "I am happy for you, too, Ashanti!" she said and hugged me, too.

Alanganin akong ngumiti at hinayaan na lamang itong yakapin ako. Wala talaga akong ideya kung sino siya at sino siya sa buhay ni Cloud.

Hindi rin naman ito nabanggit ni Cloud sa akin. Naalala kong tumawag ito noong nasa Australia kami pero hindi naman sinabi ni Cloud kung sino ito. Maybe I should ask him about her...

"Siguro naman hindi mo na uulitin ang ginawa mo noon kay Cloud," nakangiting sabi nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maunawaan ngunit tila may laman ang sinabi nito sa kanya at hindi niya rin magawang paniwalaan ang mga ngiti na ipinapakita nito sa kanya.

"Therese," saway ni Cloud sa babae.

"I was just saying that she should not do it again. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman, diba, Ashanti?" she looked at me again and I just smiled a little and sipped on my coffee.

Parang nagbago ang mood ko dahil sa nangyaring pagdating ng babae. We were okay earlier, we were fine and happy... Now, I don't know. Hindi ko maalis sa isip ko at sa dibdib ko ang bigat sa pakiramdam sa babae. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang may hindi ako magandang nararamdaman para rito.

It was almost 8 pm when we left Sweet Desire. Hinatid namin ni Cloud ang babae sa sasakyan nito at nakita ko ulit kung paanong yakapin nito ang boyfriend ko. Hinawakan ko ang braso ni Cloud at kumaway sa babae nang sumakay na ito at umalis.

"May gusto siya sa'yo?" diretsong tanong ko kay Cloud nang makaalis na ang sasakyan ng babae. Lumingon naman sa akin si Cloud na nakakunot ang noo na para bang may mali sa tanong ko sa kanya.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon