29

8.9K 351 7
                                    

This story has advanced chapters in Patreon, and VIP Group.

Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


Hindi binibitiwan ni Cloud ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Nakapagcheck in na kami ng mga gamit namin at naghihintay na lang kami ng boarding pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin pinapakawalan ang mga kamay kong kanina pa niya hawak.

"You know that I won't go anywhere, right?" pagbibiro ko sa kanya habang nakatingin sa kamay naming dalawa. He also looked at our hands and shrugged, he also gave my hand a gentle squeeze.

Natawa na lang ako sa kanya at sumandal habang nakatingin sa iba ring mga naghihintay na naroon.

"What do you think they will say when we get back?" tanong ko habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Cloud. Hindi ko pa nababanggit sa mga magulang ko ang nangyari, ang tungkol sa aming dalawa ni Cloud.

Kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko pa rin nasasabi na nagkabalikan na kami dahil alam ko naman na hindi nila ako titigilan sa kakatanong kaya minabuti ko na lang din na pag-uwi na lang sabihin sa mga ito.

Cloud also bought them gifts. Inaasar ko siya na suhol ang mga iyon at sinabi niya naman na kakailanganin niya ng maraming boto mula sa mga taong importante sa akin.

"What do you mean?" he asked me and I felt him kiss my head.

"I mean..." I looked at him and smiled a little. "We went there and they all know I was reluctant to go, and now... you're my boyfriend."

"Again."

I chuckled and nodded. "Fine. You're my boyfriend, again," ulit ko sa sinabi na nagpangiti naman sa kanya.

"We really don't have to explain to them, baby," sabi ni Cloud habang nakatingin sa kanya. "If they say something negative about us, that speaks a lot about themselves. They're quick to say things and judge without asking for the truth, it only means they're not the person who should stay in our circle, right?"

Sinimangutan ko siya at tinaasan naman niya ako ng kilay. "What?" he asked and pecked on my lips.

"I was just wondering what they would say and you lectured me already," natatawang sabi ko sa kanya. He smiled and pecked on my lips again.

"They can say whatever they want. Let's just fire them."

"Cloud!"

Napalakas ang sabi ko sa pangalan niya kaya nagtinginan sa amin ang mga kasama naming nakaupo. Napayuko naman ako dahil sa pagkapahiya at naramdaman ko ang pagtawa ni Cloud habang niyayakap ako dahil sumiksik ako sa kanya.

Nang makatulog ako sa biyahe namin ay nakasandal pa rin ako kay Cloud at hawak niya pa rin ang kamay ko. Para bang takot na takot siyang bitawan ako dahil mawawala ako anumang oras kahit na sinabi ko naman sa kanya na wala naman akong pupuntahan na iba.

Sinundo rin kami ng family driver nito na kinausap na ni Cloud bago pa man sila umalis sa Australia kaya alam nito kung anong oras sila susunduin.

"Good evening po, Ms. Ashanti," bati sa kanya nito. I smiled at him and greeted him, too. Pinagbuksan naman ako ni Cloud ng pinto at nauna na akong pumasok dahil tumulong pa ito magpasok ng mga maleta naming dalawa sa sasakyan.

"Do you want to eat first? Or you want to go home to rest?" he asked me. Napangito ako sa kanya at pinisil ang ilong niya habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo nito, marahil nagtataka kung para saan ang ginawa ko.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon