42

10K 364 23
                                    

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


"What do you think?" tumayo ako sa harap ni Cloud habang may hawak na dalawang dress na kanina ko pa pinagpipilian. Hindi ako sigurado kung ano ba ang pipiliin ko sa mga iyon. One is a powder blue sleeveless dress and it's three inches above the knee. Maganda ang design at hapit din sa akin kaya naman kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Ang isa naman ay itim pero pareho lang ng design.

"They both look good on you, baby," sabi ni Cloud habang nakaupo at nakatingin sa akin. May tatlumpung minuto na kaming naroon sa boutique dahil naghahanap ako ng isusuot sa family dinner mamayang gabi. Kung hindi ba naman kasi napakahusay ni Cloud, kaninang umaga lang niya ako sinabihan tungkol doon kaya naman sinama ko siya ngayon para maghanap ng maisusuot ko.

"Cloud," I frowned at him and rolled my eyes. Ibinalik ko sa may rack ang dalawang damit at muling tumingin ng iba pang naroon.

"Come on, baby. That's just a family dinner..."

Mabilis akong lumingon sa kanya. "Just your family dinner," binigyang diin ko ang salitang your dahil family dinner ng mga Monteverde ang tinutukoy nito. Yes, I met his mom already and she's so nice and pretty.

Ngayon, makikilala ko naman ang daddy niya at ang kapatid nito na si Caryl. Of course, I also want to make a good impression. Palibhasa ay botong-boto sa kanya ang pamilya ko kaya napaka confident niya, e.

"So?" He creased his forehead.

I groaned and walked towards him and sat beside him. "I know that they're all nice, okay? I know that..." hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. "But you see this?" itinaas ko ang kamay ko na may engagement ring namin. Bumaba ang tingin niya roon at tumango siya sa akin.

"I felt like I also needed to make them see what you saw in me. You proposed to me without me meeting your dad, and your sister. I have no idea what it is like to have a sister, but I am sure as hell that Caryl would want someone that she will also like... kaya gusto kong maging maganda sa dinner ngayong gabi..."

Cloud just stared at me.

I pouted and he smiled. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko bago siniil ng halik ang mga labi ko.

"Cloud!" pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumingon sa paligid, nakita ko ang mga sales lady na naroon na nangingiti habang nakatingin sa amin.

"You're already beautiful, baby. You're always beautiful."

I wrinkled my nose and pecked on his lips. He always does that. He always compliments me and it always makes my heart flutter. Hindi nawawala ang saya sa pakiramdam sa tuwing pinupuri ako ni Cloud.

He really knows what are the right things to say. He didn't come back to my dad's company, but he's still helping on the side. He's really working with his dad now and he's actually busier now... but he always managed to find time to be with me.

Palagi pa rin kaming sabay na nagdidinner... may mga araw na hindi niya ako nasasamahan pero babawi siya sa breakfast. Maaga siyang pupunta sa bahay namin para makakain kaming dalawa and that really make me happy.

Nakikita ko ang efforts niya sa akin kaya naman as much as possible, I am also doing my part. I am supporting him, hindi ko rin siya inaaway. I learned to be more mature to understand him...

Kinuha ko ang isang kulay blue na damit at tinignan iyon. I smiled when I brought it to the fitting room. Maganda rin ang hapit sa akin at hindi rin masyadong revealing iyon. I've decided to pick the dress instead.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon