Chapter 14

1.7K 51 8
                                    

**Yehey more than 3.5K na tayo. Maraming salamat sa pagbabasa! Keep on reading everyone.

>Kath's POV

Nakakhiya talaga! Naabutan kami ni Quen na malapit nang magkiss! My gosh! Baka pinagtatawanan na ko ng Daniel na yun dahil feeling ko nahalata niya ang pamumula ng pisngi ko kanina.

"Chand? Nandyan na sina Julia hinahanap ka." Si DJ ang kumatok sa pinto. I don't have the guts para papasukin siya.

"O-ok-k. Baba-ba na k-o." My gosh! Bakit ako nauutal?? Chandria calm yourself!

"Okay. Hintayin ka na lang namin sa baba. Faster Chand gutom na ko eh." Bakit ba hindi pa rin umaalis si DJ sa labas ng room? Wala nga akong guts para papasukin siya wala rin naman akong guts para lumabas at harapin siya.

Hindi na ako sumagot pa. I prepared myself. Nakakhiya naman kung bumaba ako na parang nasabugan ng blush-on ang mukha ko dahil kanina pa talaga ako namumula. Pumasok ako sa CR at naghilamos.

"Ahh. Chadria. This is not you! Bakit ka kinikilig sa nangyari kanina?" kinakausap ko na ngayon ang sarili ko? What's happening?

After kong masigurado na hindi na halata ang pamumula ko, bumaba na ako para makisabay sa dinner. I saw them talking and laughing. Then. I saw DJ looking at me. Hala bakit slow motion? Bumagal pa ang paligid? Hindi naman siguro? Ano ba tong imagination ko?

"Chand? Are you okay?" and everything is back to normal nung maramdaman kong nasa harapan ko na si DJ. Nagulat pa ako dahil parang kanina ang layo niya sakin tapos ngayon parang ilang inch na lang ang layo niya?

"Oh! Yes I'm so okay. Super okay. Oh Yes I am!" sagot ko sa kanya sabay alis sa harapan niya. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

"Okay. Let's eat then?" naksunod pala siya sa akin papunta dito sa kitchen.

"Sige. Tawagin ko na sila." I said again para makaiwas na naman sa kanya.

"Guys. I know you're hungry. Let's eat na." Tawag ko sa barkada na busy pa rin sa tawanan na hindi ko alam kung ano.

  Mas mabilis pa yata sa tigre ang mga to. Ako ang tumawag sa kanila tapos naunahan pa ko papunta sa dining table.

Sa tabi ako ni Julia umupo kahit na may space pa sa side ni DJ. Ewan ko bat ang awkward ng feeling ko ngayon. Pero siya parang easy easy lang. Ako lang talaga siguro ang nagpapaapekto sa nangyari kanina

"By the way! Out of town naman tayo." Suggestion ni Francis na naging center of the crowd na naman ang topic.

"Saan? Out of the country nalang kaya." Sabi naman ni Kristof na katabi si Joyce. Etong dalawang to, parang hindi na mapaghiwalay kanina ko pa nakikitang magkahawak kamay eh.

"France!" sigaw ni Julia na halatang excited.

"I've been there  a couple of times. Pwede sa iba naman." Pagdidisagree naman ni Quen sa kanya. Minsan talaga ang dalawang to may mga bagay din palang hindi napagkakasunduan.

"Italy!" sigaw naman ni Ella

"Pwede na rin pero baka may iba pang options." Sagot ni Joyce kay Ella.

"Japan!" sabay kaming napasigaw ni DJ' I looked at him and he was smiling. Bakit ba sa pagpili ng lugar pareho rin kami?

"I told ya. Destiny." Pagbasag ni Quen sa katahimikan. Yumuko na lang ako dahil nagsisimula na naman yatang uminit ang mukha ko. Nakkahiya kayang magblush sa harapan ng mga to.

"All right then! Sa Japan tayo pupunta dahil doon ang gusto ng husband and wife!" panunukso ni Julia sabay sundot sa tagiliran ko. Tiningnan ko nalang siya ng masama na nagsasabing STOP IT.

Hindi ako natutuwa na tinutukso nila ako kay DJ. Ngayon pa na nahuhulog na ako sa kanya. Ako lang ang magiging kawawa nito eh. Our marriage is just good for 100 days. After that, wala na iiwan na niya ako so I better stop my illusion of falling inlove with him.

"Chand? Kanina pa kita nahahalatang tulala." I was backed to my senses when DJ was beside me. Kanina pa ba ako tulala? Nilibot ko ang mata ko at kami nalang ang nasa dining table. Ako na lang pala ang kumakain and my plate is not even in a halfway.

"Are you sure you're okay?" he asked me again.

"Yes. I'm okay. Uhmm busog na ako. I'll go and wash the dishes. Makipagkwentuhan ka na sa kanila. I can handle myself." I said sabay bitbit ng plato ko papunta sa lababo.

Wala akong narinig na sagot mula kay DJ kaya nilingon ko siya and there he is laughing. Ano na naman ba ang nakakatawa? Ang weird talaga ng lalaking to.

"What's funny?" I asked him with raising eyebrows. Sana naman mahalata niyang napipissed off na ako sa kanya.

"Nothing. You're just. Nothing. Okay pupunta na nga lang ako sa sala. Just call me when you need help." Matapos niyang sabhin yun eh umalis na siya.

Naiinis na ako sa sarili ko. Naiinis na rin ako sa lalaking yun. Instead of stressing myself, I'll just concentrate with this dishes. Mas mabuti na ang may ginagawa ako kesa naman takbo ng takbo sa isip ko ang nangyari kanina.

After kong matapos ang mga hugasin dumiretso na rin ako sa sala. Girls lang ang nandoon. Nasa garden siguro ang mga boys having their boystalk.

"wag mong hanapin si DJ. Nasa garden nakikipag-inuman." Bulong sa akin ni Ella. Napansin niya sigurong inikot ko ang ulo ko sa buong bahay palabas ng bahay pero hindi ko ankita si Dj. Tama nga ako nasa garden nga sila.

"I'm not finding him. Nagtataka lang ako dahil tumahimik ang bahay dahil wala ang mga ungas." I defended myself.

"Alam mo Kath, deny ka nang deny eh. Halata naman naming you're falling." Sabi ni Joyce na katabi ko nagyon. They're watching a movie. Like we always do during college days.

"I'm not denying. I'm not falling into him okay. That's out of the plan." Sagot ko naman sa kanila.

"Okay lang naman na aminin mo sa amin eh. At alam na alam namin kung kelan ka inlove at kung kelan ka heartbroken." Sabi naman ni Julia sabay tap sa shoulder ko. Kilalang kilala talaga nila ako mula ulo hanggang paa pati na yata internal organs ko kilalang kilala na rin nila.

"I'm not inlove. Don't bring up this topic again. Ayokong mapag-usapan to. Okay?" i said to them para matigil na ang feeling issue ko. Isipin man nilang iiiwasan ko ang topic pero anong magagawa kp, I don't want to dig my what my true feeeling for DJ is. I'm not ready.

"Okay then. Narinig ko pala kanina nandito na daw si Julz sa Pilipinas." Natahimik ako bigla sa sinabi ni Ella.

This is another reason kaya ayaw kong mainlove kay DJ. Bumalik na ang babaeng mahal niya. Malapit na ring matapos ang 100Days deal namin. Saan na ako lulugar sa pagkakataong to? Kahit baliktarin ko man ang mundo, si Julz ang mahal niya at hindi ako.

**Just wait for my next update. Hehehe. Maraming salamaat sa mga magbabasa. Please vote and comment po kayo. Dedications? PM me :)

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon