Chapter 4

1.9K 80 29
                                    

>Kathryn’s POV<

Salamat naman at nakaalis na rin ako sa nakakainis na atmosphere! Tonight, I will forget about my problems. kailangan kong maging masaya ngayon. The day after tomorrow magsisimula na ang kalbaryo ng aking buhay.

“Kathryn? Akala ko ba hindi ka susunod sa amin ngayon dahil may dinner kayo ni Daniel.” nagtatakang tanong sa akin ni Joyce.

“Kaya nga pumunta ako dito para makalimutan ang taong yun tapos pati kayo siya pa rin ang bukambibig??”  ano ba ang meron sa lalaking yun at talk of the day siya?

“So I guess it is indeed a very bad dinner.” natatawang sabi ni Joyce.

“Parati namang masama ang kinahihinatnan ng mga pangyayari pagmagkasama kami. And please girls let’s change the topic. Parang may kausap kayo kaninang mga boys asan na sila?”  bigla nalang nawala na parang bula nung papalapit na ko. Mga bago na naman siguro nilang kakilala dito sa bar.

“Dumating daw kasi yung kaibigan nila mukhang badtrip kaya sinundo nila sa parking lot.”

Oh well mukhang may mga bago na nga silang kaibigan na nahanap ngayon. Ilang oras lang akong nawala, ang lupet talaga pagdating sa mga lalaki ng mga kaibigan kong to.

>DANIEL's POV<

Tinext ko mga kaibigan ko na sunduin nalang ako sa parking lot dahil masyadong mainit ang ulo ko at lalong alam ko na nandoon sa loob si Chandy.

"Oh pare? Bat hindi ka dumiretso sa loob?" salubong na tanong sa akin ni Quen.

"Hindi niyo ba nakasalubong si Chandy na papasok sa loob?" 

"Hindi eh, sa kabilang pintuan siguro siya dumaan."

"Teka lang pre, magkasama ba kayong pumunta dito? Mukhang okay ang dinner niyo ngayon ahh?" panunukso sa akin ni Francis.

"Anong okay? Alam mo bang halos araw-araw kong makikita ang pangit na mukha ng babaeng yun dahil kaming dalawa ang mamahala sa kompanya." 

"Tadhana talaga ang nagpapasundo sa inyo pare! Nakakabit na ata sa pangalan ni Kathryn ang tadhana eh." sabi ni Kris sabay tapik sa balikat ko.

Gago rin tong mga kaibigan ko eh! Suporta ang hinihingi ko sa kanila hindi katulad ng mga pinagsasabi nila. Parang sila pa yata ang gustong magkatuluyan kaming dalawa ng babaeng yun! Hindi lahat ng panahon tadhana ang mag uugnay samin, malas lang talaga siguro ako na siya ang napuntang babae sa akin para pakasalan ko.

"Pwede ba! Pasok na nga tayo! Alak lang ang makapagtatanggal ng init ng ulo ko." pagyaya ko sa kanila.

 Pagpasok namin sa bar dumiretso kami sa isang table na may apat na babae. Magaganda sila pero ang isa hindi ko makita ang mukha dahil naka talikod. Mukhang kahawig ni Chandy ang katawan nito ah. Ang damit niyang suot ay pareho rin sa kanya. Sa table nga talaga nila kami pupunta. Paano? Bakit?

"Walang walk out pare. Sabi ko nga diba, tadhana." tiningnan ko ng masama si Kristofer na parang nag-eenjoy sa mga nangyayari.

"Nandyan na pala sila! Oh my God?? Daniel??" napatingin bigla si Chandy sa likod nung sumigaw si Julia. Tulad ng mga kaibigan niya nabigla din siya dahil hindi niya inaasahan na sa table nila kami pupunta.

"Girls! Wag niyo sabihing sila ang tinutukoy niyo kanina? This is so impossible!" hindi talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Pare, hindi naman siguro kailangan pang magpakilala sila sayo dahil kilala mo naman pala sila lalo na tong si Kathryn." mapanuksong sabi ni Quen na ngayon ay nasa tabi na ni Julia. Type niya ba ang bestfriend ni Chand?

"Gusto mong masapak Quen? Kaya nga pumunta ako dito para matanggal ang init ng ulo ko diba bat parang pinalala mo pa?"

"Hoy! Kung ayaw mo dito edi lumipat ka sa ibang bar! Sino ba nagsabi sayo na dito ka pumunta?" hindi siya ang kinakausap ko pero siya ang sumagot. May saltik talaga sa ulo tong babaeng to eh.

"Hoy ka rin! Hindi ikaw ang kausap ko diba? Eh kung ikaw kaya ang lumipat ng bar? Ako ang naunang nagpaalam kanina sa bahay sumunod ka lang. Gaya-gaya ka kasi!"

"Baka ikaw ang gaya-gaya! Sinunsundan mo yata ako eh! Umalis ka dito kung ayaw mo akong makasama! Uso rin kasi ngayon ang pa gentle man diba!" - she rolled her eyes habang kausap ako. Maldita talaga tong babaeng to.

"Ikaw tong umalis! Pasensya ka nalang pero hindi mo ako mapipilit na umalis!" 

"Ewan ko sayo DJ! Uuwi nalang ako! Walang magandang mangyayari sa buhay ko ngayong gabi kung ikaw lang din naman ang makakasama ko!" tumayo siya bitbit ang pouch niya at dumiretso sa may pintuan. Uuwi talaga siya, hindi man lang nagpaalam sa mga kaibigan niya. Ang bastos talaga ng ugali.

Pagtingin ko sa mga kasama ko parang mga tulala sila. Kanina pa pala sila nakikinig sa away namin ni Chandy at parang nanuod sila ng action sa mga reaction nila.

"Im going home. Bukas nalang tayo magkita mga pare. Girls, mauna na ko." 

Nagdesisyon na akong umuwi dahil badtrip din naman ako. Hindi talaga ako sang-ayon sa idea ng mga parents namin dahil kapag pinagsama kaming dalawa parang magkakaroon ng World War III. Maldita kasi siya at mapride rin ako kaya pareho kaming umaabot sa away. Kelan kaya kami magkakasundo kahit sa isang bagay man lang?

--------------------------------
Thank you for reading! Please vote.

A Deal For 100 Days (KathNiel FanFiction)Where stories live. Discover now