Girl in Soccer Jersey #14

7.9K 210 3
                                    


Kanina pa ako nagdo-door bell pero wala pa ring nagbubukas.


Nakapagdesisyonan ko na ako na mismo ang magbaba ng pride para kausapin si Dwynn pero parang wala yata siya sa loob.


Aalis na sana ako ng bumukas ang pinto.


Tumingin ako sa itaas ng pintuan. Tama naman ang room number. Ito talaga yung condo unit na pinagdalhan sakin ni Dwynn nung hinimatay ako sa parking lot.


Pero bakit—babae ang nagbukas ngayon ng pinto at naka-night gown pa , may pinapatulog na ang lalaking yun dito? But he never let his fling stayed for the night. Alam ko yun dahil sa tagal ko ba na mang nakasama ang soccer team kahit ano pinag-uusapan ng mga yun.


Napansin kong sinusuri niya ako ng tingin. Diba dapat yung sarili niya ang suriin eh halos nakabalandra na ang dibdib niya di man lang inayos ang sarili.



"Chloe? Si Aiden na ba yan—What are you doing here?" malamig niyang sabi.



Hindi ko na yun binigyang pansin pa dahil napako ang paningin ko sa pagyakap ni Dwynn mula sa likod ng babae.



"Mahal, nakakahiya sa bisita mo." 


Namumula ang pisnge ng tinawag niyang Chloe.


Kumalas naman si Dwynn kay Chloe.



"Hi, Ren right? Halika, pasok ka, dito ka na mag-breakfast, nagluluto ako sa kusina kanina kaya pasensiya ka na naghintay ka tuloy ng matagal dito sa labas. Sorry ha?" apologetic ang pagkakasabi niya.


Bigla na lang akong nainis sa kabaitan na pinakita niya. Nasanay ako sa bitch attitude ng mga babae ni Dwynn.


Bago pa man ako makatanggi ay hinila na niya ako sa loob at dinala sa dining table saka pinapwesto sa upuan.


Umupo na rin silang dalawa. Nakaharap ako ngayon sa kanila.



"Oh my God! Nakakahiya ang suot, magbibihis muna ako—"



"Dont. You look perfect to me." baliwalang sabi ni Dwynn at nagblush si Chloe.



"Here, eat this."


Nilagay ni Dwynn ang bacon sa plato plato ni Chloe at agad namang nag ningning ang mga mata ng isa.


"Your so sweet, thank you mahal."


Hinalikan niya sa mga labi si Dwynn pagkatapos niyang sabihin yun. 



"I—I need to use the toilet?"



"Are you okay Ren? You look pale—"



"Wheres the goddamn toilet?" 



Napataas na ang boses ko at naninikip ang dibdib ko habang tumatagal ako sa harapan nilang dalawa. Lalo pat nasa bewang ngayon ng babae ang isang braso ni Dwynn. 


Tinuro ni Chloe ang toilet room. Tumalikod agad ako at pumunta dun.


Naghilamos ako. Medyo bumabalik na sa normal ang tibok ng puso ko. 

Kailangan ko ng umalis dito. Isang maling desisyon ang pagpunta ko sa lugar na 'to.

Lumabas ako ng toilet room. Wala si Dwynn sa kusina. Sa kinatatayuan ko nakita ko lang si Chloe na may kinukuha sa ref.


"Ren?What are you doing here?"


Napalingon ako sa pinto. Si Aiden halatang may pagtataka sa mukha. Pero ang ikinagulat ko ay kay Chloe na nakatalikod sa pwesto niya ito nakatingin at hindi sakin na nasa sulok ng kusina.


Then I figured out something.


Chloe looks like me! Mas matangkad lang ako ng konte at mas maputi sa kanya. Pero may pagkakahawig talaga kami. Kaya napagkamalhan siyang ako ni Aiden ng nakatalikod. At kaya rin siguro niya ako sinusuri ng mabuti kanina pagbukas niya ng pinto. Medyo familiar nga siya.


Naalala ko na..


Siya yung babaeng nasa picture frame sa kwarto ni Dwynn na nakita ko nun.


Yung nakasuot ng soccer jersey #14 —- na pagmamay-ari ni Dwynn.


She wore Dwynn's soccer jersey because Dwynn certainly let her.


And it pissed me off.

One Night with the PLAYBOY [FIN]Where stories live. Discover now