1

22.8K 421 31
                                    

"Ewww Serenity, tumutulo na ang laway mo. Tsk..tsk." maarteng sabi ni Tina, pinaka close ko sa class pareha kaming freshmen BS Tourism student

"I can't help it, ang cool niyang sumipa, at ang gwapo niya kahit pawis na pawis na siya." 
Nanunuod kami ngayon ng soccer practice. Yung hindi ko hinihiwalayan ng tingin si Aiden yun. O diba pati name ang cool. Naging instant crush ko siya simula ng tinulungan niya akong mamigay ng flyers sa mga upper class students para sa play namin. Simula nun lagi na kaming nagbabatian kapag nagkakasalubong kami sa school. Friendly at mabait siya sa lahat. Every girl's dream boyfriend sabi pa nga nila.

"May niligawan na yun Ren, yung miss engineering last year." Napasimangot agad sa sinabi niya.

"Sa bagay libre nga naman mangarap." Pang-asar pa niya.

"Ah ganun? Kaibigan ba talaga----"
Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may bolang biglang tumama sa mukha ko. Sa lakas ng impact para akong naparalize.

"Oh my God, Ren! Wag kang mamamatay!" kung hindi lang ako nahihilo sinapak ko na ang tarantang babaeng to.

"Oh my! Ang pula ng pisnge mo Ren!" Napahawak ako sa parte na tinamaan ng bola. Ang sakit!

"Are you okay?" Marahas akong bumaling sa bagong dating. He is also wearing the soccer team uniform. Matangkad, maputi,chinito, well-built rin ang katawan at blonde ang buhok. I knew him. The half american Dwynn Andrews, sophomore engineering student, and the famous playboy hearttrob of Southdale University. Girls see him as the epitome of perfection. Good looks, hot body to die for, and insanely popular and rich. But for me he's a jerk! He may possessed good looks but the attitude??? * roll eyes* 

"Do I look like I'm okay to you?!  My jaw is almost dislocated! And you're asking if I'm okay,stupid!"  singhal ko sa kanya habang nakapamewang at halos lumuwa ang mga mata sa galit.

"I didn't mean to hit your gorgeous face. Napalakas lang ang sipa ko sa bola." Kunindat pa siya pagkatapos sabihin yun. Ang landi talaga! What a jerk!

"Bad ball." Dinampot niya ang bola na parang wala lang nangyari.

"Halos na deform yung mukha ko tapos yan lang ang sasabihin mo?!"

Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit ang muka niya. Sinusuri niya ang mukha ko tapos hinaplos ang parte na tinamaan ng bola. Napaigtad ako sa ginawa niya at naiilang rin ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Wag mo nga akong hawakan!"  Nagkibit-balikat lang siya at binitawan ang mukha ko.

"You're badly hurt. We apologize for this Ren. " Nakalapit na rin pala si Aiden.
"As the team captain, I really feel responsible for what happened." apologetic niyang sabi. Ang bait at ang gentleman talaga ni Aiden. Nakakalambot ng puso ang sinabi niya.

"Its okay Aiden, lalagyan ko na lang ng ice pack para mawala na ng tuluyan ang sakit." nakangeti kong sabi.

"Tsk!"

Napalingon ako kay Dwynn at tinaasan ito ng kilay pero ngumise lang ang magaling na lalaki.

"There's a better medicine to that, than ice pack" 

Bago paman ako makapagsalita. Hinawakan ako ni Dwynn sa magkabilang pisnge at hinalikan ako sa labi.

Its a deep kiss.

Alam kong naghiyawan na ang mga teamates nila at nagtitili ang katabi kong si Tina pero hindi ko pa rin makuhang gumalaw.

"Its PROVEN and TESTED EFFECTIVE."

Kumindat siya uli sa akin bago inakbayan si Aiden na halatang nagulat rin sa ginawa ng bestfriend niya, saka sila tumalikod at bumalik sa practice.




 

~~~

EDITED

Unedited pa yung ibang chapters, bear with me :)

Character names are changed... as requested. :)

-Sabrina to Serenity "Ren"

-Handsome to Dwynn

-Dare to Aiden

Thank you guys for reading. Keep supporting. Mwah! 

Please vote and leave comment :)

Salamat.  <3

One Night with the PLAYBOY [FIN]Where stories live. Discover now