5

11.4K 286 5
                                    

"Hey! Akala ko ba aakitin mo si Aiden, bat nagpapakalasing ka dito?" sita ni Tina sa akin saka inagaw ang iniinom kong wine. Hayyy...parang nawawalan na talaga ako ng pag-asa kay Aiden. Matagal-tagal na rin akong nagsta-stalk sa kanya. Lahat ng practice nandun ako, I mean kami ni Tina. Kahit weekends pumupunta pa kami ng school para lang mapanood ang practice nila pero hanggang ngayon walang improvement. 

Napabugtong hininga ako, saka tumingin sa paligid. Nandito kami sa isang high class bar. Aiden invited us earlier, birthday ng bestfriend niyang playboy. At ngayon ko isasakatupatan dapat ang paglevel up ng pagpapansin ko sa kanya, ang akitin siya. Todo pa sexy pa ako ng damit at halos naligo ako ng perfume. Naglagay din ako ng make up kahit nangangati ang mukha ko para lang sa plano ko ngayon. At gusto ko ring mag-explain sa kanya doon sa nakita niya kanina. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya tungkol sa pagpapanggap kong girlfriend ni Rhain.

Dalawang oras ko ng siyang gustong lapitan pero parating nasa tabi niya yung miss engineering na yun, mas maganda naman ako dun, malaki lang yung boobs niya kesa sa akin pero hindi naman ako flat chested.

"Ah kaya pala. Ang sweet nila no halos maghahalikan na sila oh sa dance floor. Hehe." Pang asar pa niya. Pero totoo na halos maghalikan na nga sa sobrang lapit ang dalawa. Napahawak ako ng mahigpit sa bote ng tequila.

"Bad trip!"

Inagaw ko yung baso at inubos ang laman nito. Ang hapdi na ng lalamunan ko peso mas mahapdi ang puso ko. Imbes na isalin sa baso ang alak, tinungga ko ito.

"Tsk! Tama na nga. May next time pa naman. Chill ka lang Ren at akin na tong bote ng alak." Kinuha niya yung bote at binuhos ang laman sa tiled floor. 

"Hi Tina. I heard you are a great dancer, wanna show me your moves?"

Ang saya ng bruha crush niya kasi yang si Cloud na.. Nagsenyas ako sa kanya na okay lang ako mukha kasing nagdadalawang isip siya na sumayaw kasama si Cloud. Hinawakan siya nito sa bewang at dinala sa dance floor.

Nag-iisa na lang ako ngayon dito sa counter. Nakarami na rin ako ng inom kaya blurred na ang paningin ko sa paligid nakakaramdam na rin ako ng matinding hilo. Ang init ng aking pakiramdam. Naisipan kong maghilamos. Halos magkatumba-tumba ako habang papunta sa comfort room. Napaka crowded pa ng lugar idagdag pa ang usok nh sigarilyo kaya mas lalo akong nahihilo. 
Ng may nakita akong pintuan at inakala kong c.r iyon kaya binuksan ko agad.

"What the hell!"

"Whose that bitch baby? Istorbo naman we haven't started pa eh."

"Bat parang may lalaki sa girls cr." Pumasok na ako sa loob pero nakailang lakad pa ako ay bigla akong natumba sa isang malambot na kama. KAMA?

===

EDITED

Don't forget to vote and comment. :)

One Night with the PLAYBOY [FIN]Onde histórias criam vida. Descubra agora