2

13.7K 339 8
                                    

“Hmmm… .hmmm… . “

Pagpasok ko pa lang sa girls comfort room may mga ingay akong naririnig. Nakaharap ako sa malaking salamin kaya nakikita kong naka-open yung door ng dalawang cubicle ang nasa bandang dulo na pintuan lang ang close at mukhang doon nagmumula ang ingay.

“Hmmm…Ohhh..hmmm..”

Kinabahan ako dahil baka may napano na sa loob. Agad akong lumapit doon. Nagdadalawang isip pa ako kung itutulak ko ba yung pinto o kakatok muna.

“Oh no! Oh no! hmmm..hell!..Ohh..”

Mukhang naghihingalo na yung nasa loob kaya tinadyakan ko yung pinto.

“Oh shit! What are you doing here?” gulat na gulat niyang sabi at isinuot niya pabalik yung nalaglag niyang pants.

“Hey bitch! Close the damn door where not yet finish here!” bulyaw ng kasama niyang babae, ni hindi man lang siya na bothered na nakikita ko siyang topless. Actually parehas silang topless ng magaling na lalaking kasama niya. Pagbukas ko ng pinto, mukhang hinuhubad pa ng lalaki yung pants niya at dahil nga nakita ko sila dali-daling itinaas niya ulit yun.

Kala ko pa naman may naghihingalo sa loob. Tsk! Ibang paghihingalo pala ang ginagawa nila. Nag roll eyes na lang ako.

“Just carry on.” Bali wala kong sabi. Ano pa bang aasahan ko sa isang playboy at jerk na tulad niya. Eh di naghahasik ng kalandian kung saan-saan.

Bumalik ako sa sink. Naghilamos ako at nag-apply facial wash. Habang nagsa-scrub ako ng mukha nakita ko sa salami na padabog na lumabas yung babae. Tapos na? Wala pang isang minuto ah. Nagkibit-balikat na lang ako. Bahala silang dalawa sa buhay nila. Kailangan magpaganda ako dahil paniguradong magkikita kami ni Aiden sa cafeteria. Tuwing lunch break doon yun kumakain.

Pinikit ko na yung mga mata ko at nagbanlaw ng mukha. Ang linis sa pakiramdam. Mas gaganda pa ako nito. Pagmulat ko.

“ What the! Ano ba! Wag ka ngang masyadong malapit sa akin! Dami mong germs!” napamura ako sa gulat. Tinulak ko pa siya palayo sa akin.

“I’m sanitized already.” Tumawa pa siya ng mahina habang itinaas niya ang maliit na bote ng hand sanitizer at mouth wash. Wow boy scout ang playboy.

Teka nga lumabas na yung ka make out niya ah. At saka nasa girls c.r siya ni hindi man lang natatakot na may makakita sa kanya dito. Anyways, paki ko ba.

Kinapa ko yung panyo ko sa bulsa para pamunas sa mukha pero wala. Nasaan ba yun? Tiningnan ko sa bag, wala rin. Haist! Napatingin ako sa lalagyan ng tissue pero ubos na.

“Here.” 

Inabot niya sakin ang panyo niya.

“No thanks. “  tanggi ko. Malay ko ba kung malinis ang panyo niya diba. Baka rin ginamit na niya yun o ng babae niya. Kadiri lang.

Nabigla na lang ako ng siya na mismo nagpunas sa mukha ko. Wew! Biglang uminit.

“Does it still hurt?”

Pinupunasan niya ngayon yung parte ng mukha ko na natamaan ng bola the other day. Sa totoo lang medyo humahapdi pa rin pero bearable naman ang sakit.

Hindi ko na lang siya sinagot. Ayokong magsalita dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko na nga ang hininga niya sa labi ko. Feeling ko pagkumibot ang labi ko lalapat yun sa labi niya.

Napakagat ako sa aking lower lip. Halos pinipigil ko rin yung paghinga ko.

“Ren! Ang tagal----Opsss.“

Ngumite ng nakakaloko si Tina. Dumistansiya ako kay Dwynn at napamura ako ng mahina. Kakahiya. Si Dwynn naman parang wala lang sa kanya. Nakapamulsa lang siya ngayon at cool na cool ang mukha. Minamalas talaga ako pag lumalapit ang isang 'to.

“It’s—it’s not what you think Tin.” Nabubulol kong sabi. Gusto kong batukan ang sarili ko bat parang guilty ako kung makareact.

“Haha. Sige,tuloy niyo lang. Mas bagay kayo. Una na lang ako sa cafeteria.”

Kumindat pa siya bago lumabas ng c.r. Arggg! Lagi na lang akong pinapahiya ng playboy na ‘to.

Niligpit ko yung ginamit ko sa paghugas ng mukha tapos dinampot ko agad ang bag at mabilis lumabas. Humalakhak naman ang bwesit na lalaki.

"Ren?"...."Dwynn?"...  Oh my God si Aiden, kalalabas lang niya galing sa katabing male c.r.

Sobra akong kinabahan. Ano na lang ang iisipin niya sa akin. Magkasunod kaming lumabas ni Dwynn galing sa girls c.r. Kahit sinong makakita iisa lang ang iisipin. Lalo nat isang hinayupak na playboy ang bestfriend niya. Anong gagawin ko?

=====

EDITED

Vote and comment guys :)

One Night with the PLAYBOY [FIN]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن