3

12.6K 345 9
                                    

“Hi Ren, tabi ako ha?”

Holy cow! Napahawak ako sa dibdib ko. Ikaw ba naman ang tabihan ng isang adones na naka swimming trunks.

Katatapos lang ng swimming class namin since mamaya pang hapon ang next class ko naisipan kong magstay muna sa pool. Si Tina naman may Philo class kaya nauna na.

Nagpapahinga ako sa paglangoy kaya umupo muna ako sa gutter ng pool at tumabi nga ang prinsepeng si Aiden.

“Red color looks good on you.”

Nag-uumapaw na kakiligan ito. Wait? Napansin niya ang two piece ko... .. holy cow again! Bigla akong na conscious. Pano ba naman kasi nagpalit kasi ako ng red two piece, yung swim wear uniform kasi namin may skirt na design at naalibadbaran ako. Bata pa lang ako two piece na ang sinusuot ko tuwing magswiswimming kaya sanay na ako. Puro naman relatives ang kasama ko noon sa mga outing kaya hindi ako naiilang.

Kanina nagpalit ako kasi wala namang ibang class na gagamit ng pool after namin. Ilang beses ko na naman kasing ginagawa ‘to na mag stay after swimming class kaya alam ko na walang gagamit ng pool after us.

“Haha. Te-thanks Aiden.” Nahihiya kong sabi.

“Wala kang class?" tsk, shunga kong tanong..obvious naman. Eh kasi naman wala ako iba maisip sabihin. 

"Nope." maikli niyang sabot tapos ngumite.

Nagdive siya pagkatapos niya yung sabihin. Napa WOW na lang ako. PERFECT DIVE kasi yung ginawa niya. Matagal na akong nagpapractice ng ganun pero hindi ko makuha-kuha.

“AMAZING!” pumalakpak pa ako niyan

Lumangoy siya pabalik sa pwesto ko at kumindat. OH my God! First time kong nakita siyang kumindat. Feeling ko malulunod na ako sa kilig.

Buti na lang at hindi na nagtanong si Aiden noong isang aaraw na nakita niya kami ni Dwynn magkasunod lumabas sa girls c.r. at inaya pa ako mag lunch. May improvement na kami. Tapos ngayon nagkita pa kami dito. Destiny na ang naglalapit sa amin. Sa isiping yun gusto mas lalo akong kinilig.

“Let’s swim.”

Bigla niya akong hinila. Kinabahan ako dahil babagsak ako sa tubig pero sa matitipunong bisig ako lumanding. Nakayakap ako sa kanya ngayon nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko. Wew! Skin to skin. Crap. Hindi ko alam kong pano pipigilan ang sarili kong sumigaw sa saya at kilig na naman. Kotang-kota ako ngayon. 

Tiningnan ko siya.  Tawa lang siya ng tawa. Hindi naman ako makapagsalita.

 Is this for real?

“Aiden, hinahanap ka ni coach. Kanina ka pa tinatawagan.” Isang malamig na boses ang nagpalingon sa amin sa bagong dating. Ewan ko pero bigla rin akong dumistansiya ng konte kay Aiden pagkakita ko kay Dwynn.  Nakapamulsa lang ito habang nakatingin sa aming dalawa. Medyo nakakunot rin ang kilay nito. 

“Oh damn! I forgot.”

Nagmamadaling umahon si Aiden.

“Mind if I go ahead Ren?” kumakamot pa siya sa batok niya.

“Not at all.” Sabi ko na lang kahit gustong-gusto ko pa siya kasama dito.

“Umahon ka na rin agad wala ka pa namang kasama dito, okay?” tumango ako at napangeti, ang sweet niya.

Dinampot niya yung tuwalya niya at tumakbo sa shower room.

“Whoah! I never thought you can be that sexy Ren.”

“Sizzling hot!”

“Pamatay sa ganda at hayop pa sa kaseksihan!”

“Pwede bang mag-aaply bilang boyfriend Ren?”

Nag-roll eyes na lang ako sa mga bagong dating ang kateam nila Aiden. Ganyan naman sila lagi pag nakikita ako nang-aasar. Imune na ako sa mga hirit ng mga yan.

Aahon na sana ako dahil nilalamig na rin ako pero sinamaan ako ng tingin ni Handsome. I don’t know pero parang pinaparating niya sa tingin na yun na “ONE MOVE AND YOU’RE DEAD!”

Bigla naman akong kinabahan kaya nagstay na muna ako sa tubig. Haist! Kainis naman ang malanding 'to. 

Maya-maya pa.

“Oh bat nandito kayong lahat?” nagtatakang tanong ni Aiden, nakapagpalit na ito ng damit.

“Alam kasi naming may magandang serina dito.”

“Hindi serina, girl of my dreams dude.”

“Loko niyo, mother of my children--- awww—bat ka nambabatok Dwynn?”

Binatukan ni Dwynn si Blake. Ang kukulit nila kaya nakitawa na rin ako. Kahit ganyan ang mga yan hindi naman sila nangbabastos hanggang salita lang sila. Kaya magaan rin ang loob ko sa kanila. Yung iba sa kanila classmates ko sa ibang subjects kaya isa rin yun sa dahilan kong bakit nakasanayan ko na ang mga pag-uugali nila.

“Coach is waiting, let’s go.”

Pagkasabi nun ni Dwynn, nagpaalam na ang mga makukulit at tumakbo,si Dwynn at Aiden lang ang naglakad. Inihatid ko sila ng tingin. Bago pa man sila tuluyang makalabas lumingon si Dwynn sakin at naniningkit ang mga mata. Anong problema ng isang yun?

====

EDITED

One Night with the PLAYBOY [FIN]Where stories live. Discover now