CHAPTER 10

40.2K 1.9K 1.7K
                                    


Sa isang moderno at mamahaling duplex style apartment kami dinala ng taong nagpakilala sa'ming police. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay tinatanggihan ko na ito dahil hindi ko ito kilala at questionable pa'rin ang biglaang pagbigay nito sa amin ng tulong. Pero sa mga pagkakataong 'to ay ayoko munang mag-inarte dahil si Dahlya ang inaalala ko. Ayokong iparanas sakanya na matulog sa gilid ng kalsada dahil hindi yun kaya ng konsensya ko. Ilang beses ko ng sinabi sa'king sarili na di bale na't ako yung mag-tiis at mag-hirap, huwag lang yung anak ko. Madami na nga akong pagkukulang tapos dadagdagan ko pa?

Para na akong ilaw na unti-unting napupundi, baka bukas o makalawa ay tuluyan na akong mag-didilim. Pero alang-alang kay Dahlya ay pipilitin kong lumiwanag, dahil ayokong maramdaman niyang walang silbi ang ilaw ng kanyang tahanan.

"Mama?" tawag sakin ng anak ko. "Where are we po?"

Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin sa isa't-isa. "Dito muna tayo magstay ni mama ngayon. Pero bukas aalis din tayo para maghanap ng bagong matitirhan."

Tumango si Dahlya na para bang naiintindihan nito ang mga sinasabi ko, nag behave lang ito habang hawak ang gutay-gutay nitong teddy bear. Alam kong wala itong kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid namin at sa sitwasyong dinadanas namin ngayon, but as much as possible i need to look positive in front of her because i don't want her to feel that we are struggling. Sapat na yung iyak ko kanina 'nong pinalayas kami sa apartment, at ayoko ng makikita ulit ako nitong nagkaka-ganon.

"Uhm ma'am?" tawag sakin ng Police. Nilingon ko siya at hinarap. Nagmumukha siyang misteryoso dahil sa suot na face-mask at shades. "Mamili ka na lang 'don sa taas kung saang kwarto nyo gustong manatili. May dalawang room 'don sa left side saka isa rin sa right side, it's up to you to choose which room you think is comfortable for you both. I don't really mind."

"Naku h-huwag na po, dito na lang kami sa sala. Mukhang komportable naman yung mga sofa dito e."

"Ma'am, hindi po ako papayag. Lunokin mo muna yang pride mo at makinig ka na lang sakin. Dalhin mo na yung anak mo sa taas para makatulog na siya. Look at the time, it's already late."

Tinignan ko si Dahlya na humihikab na. Binuhat ko ito saka sinulyapan ang Police. "Doon na lang kami sa kanang kwarto kung pwede."

Tumango ang police bilang sang-ayon. "Kumain na ba kayo?"

"Ahm..." medyo nag hesitate akong sumagot. "H-hindi pa."

"Wait, ilalagay ko muna 'tong mga gamit nyo sa taas. Huwag muna kayong umakyat, magpapa order pa ako ng pagkain."

"Ay o-okay na ho, busog naman yung anak ko bago kami umuwi kanina, marami siyang nakain na Pizza bread 'don sa Bakeshop."

"Then how about you? What did you eat?"

I forced a smile, hiding my real emotions. "I-i'm g-good."

"I don't believe you. Stay here, i'll be back," binitbit niya ang mga bagahe namin at dinala yun sa itaas. Di nagtagal ay bumaba siya at may katawag na sa cellphone. "Yes, make it large please. Yes, good for 6 people would be nice. Hold on, just a sec, i'll ask her." tumingin siya sakin. "Mahilig ka ba sa maanghang?"

"H-ha?"

"Mahilig ka ba sa maanghang?" ulit niya.

"Hindi m-masyado." sagot ko.

"No spice please, just add some extra meat and parmesan cheese as a replacement instead." sabi niya sa katawag. "Okay, noted. Wait what? No, make it 5 minutes, we're starving already. Good, thanks. Bye." she ended the call and gaze at me. "The food will arrive within 5 minutes. Magbihis muna kayo ni Dahlya sa taas tapos bumalik agad kayo dito para mag dinner."

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon