CHAPTER 3

6 1 0
                                        

SELESTINE's POV

Agad akong tumayo at sinalubong ang doctor na umasikaso kay Mom nang makita ko itong palapit sa amin.

"What happened? This..." nabasag ang boses ko. "This isn't a sleeping pills, I don't know that she's taking met-" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil hinawakan niya ako sa balikat.

"I know." Nagtaka ako dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" napatingin ako sa isa pang doctor na papalapit. It's Dr. Ramos of the Department of Neurosurgery. "What is happening?" naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang doctor.

"He's her doctor, and he will tell you everything. Excuse me." paalam sa akin nung doctor na sumalubong sa amin sa emergency kanina. Lumipat ang tingin kong nagtatanong sa doctor ngayon sa harapan ko.

"I'll have to take you to my clinic, para ma explain ko ng maayos ang kondisyon ng Mommy mo." Iginiya niya ako papunta sa office na, magkasabay kaming naglalakad papunta doon.

Medyo kumalma na din ang pakiramdam ko at doon ko lang naalala yung lalaking tumulong sa amin kanina. Wala na ito at sa tingin ko ay matagal na siyang umalis, hindi ko lang napansin dahil sa mga nangyayari.

"She asked me not to tell you but I can't just stay still." Binuksan niya ang pintuan ng clinic niya at pinauna akong pumasok. "Have a seat." Sabi niya sa akin. Umupo naman ako sa upuan sa harap ng table niya, siya naman ay naupo sa swivel chair niya.

Ni on niya ang laptop niya at iniharap sa akin.

"That's the MRI test of your Mom." Napatingin ako dito at napahigpit ang hawak ko sa vial ng makita ang resulta nito. "She have an early-stage glioblastoma. This is causing her severe headaches and sometimes a mild memory lost." Napatango ako sa sinabi niya.

"She sometime forget things."

"Yes, and those are just some symptoms of her illness. The tumor is still on its early stage that's why we can still have an operation. But the thing is..."

"She doesn't want one." Pagtutuloy ko sa sinasabi niya.

"Yes, because she is well aware of the possible side effects." I told him.

"The plan was to perform a resection removal but as you said, she didn't want to be operated because of the risks and the possible side effects." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinasabi niya. Magkahalong pagkalito, galit at inis ang nararamdaman ko.

Pinapairal na naman ni Mom ang katigasan ng ulo niya. Why can't she just do it.

Kaya ba niya ako ipinapamigay kasi iiwan na din niya ako tulad ni Dad? Kaya ba siya nagmamadali at plinano na ang buhay ko kasi mawawala na siya sa akin?

Namuo ang luha sa mga mata ko sa lahat ng pumapasok sa isip ko ngayon.

"I'll talk to her. Thank you, Doc." Napaalam na ako sa kaniya at dumiretso sa emergency kung saan iniwan namin si Mom kanina. Pagkrating ko sa bed niya ay wala na siya doon.

Luminga-linga ako at nakita siyang naglalakad palabas ng emergency room. Tumakbo ako palapit sa kaniya at saktong nakalabas na kami ng mahawakan ko siya sa braso niya. Marahan ko siyang iniharap sa akin at ngiti niya ang bumungad sa akin.

"I'm fine, sweetie." Sabi niya sa akin at marahang inalis ang kamay ko sa braso niya at iniangkla niya ang braso niya sa akin. "It's about lunch time, where do you wanna eat?" tanong niya sa akin na para bang walang nangyari.

"Mom, I-" hindi ko itinuloy ang sasabihin ko sana dahil ayokong masira ang araw na ito. "I want your cooking." Napasimangot siya. "And I know we can't go home right now so let's just eat on mcdonalds." Iyon lang kasi ang malapit na restaurant dito sa hospital at ayoko namang pagudin pa si Mom para lumayo pa.

If Only HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon