SELINE's POV
Pauwi na kami, medyo madilim na dahil mag si-six PM na din ng mapadpasiyahan naming umuwi.
Nag enjoy kasi ng todo si Klaus dahil bahagyang kumonti ang mga bata sa park kanina ng magdidilim na.
Dahil sa pagod na din siguro at dahil sa tahimik ng paligid ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
SKIE's POV
Nilingon ko sina Seline sa likod ng mapansing hindi sila nagsasalita o nag-iingay. Doon ko nakitang natutulog na pala sila.
They must be so tired. Kung ako nga napagod sa kakanood sa kanila kanina sa park dahil takbo ng takbo si Klaus at si Seline naman ay nakasunod lang sa kaniya.
Lalo na sa swing dahil dito sobrang nag enjoy si Klaus kaya naman ay matagal ding nagtulak si Seline. Sa part lang kasi na yon ang walang masyadong batang naglalaro.
Almost 30 minutes din ang naging biyahe namin pabalik sa bahay nila Klaus.
Marahan akong bumaba, maingat upang hindi ko sila magising at pagkatapos ay pinindot ang doorbell nila Josh. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ito at sinenyasan ko siyang natutulog si Klaus.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at maingat naman niya itong kinuha mula sa pagkakasandal nito kay Seline. Bahagya silang gumalaw pero hindi sila nagmulat ng mga mata.
Nang mailabas na niya si Klaus ay isinara ko na ang pinto para alalayan silang makapasok sa bahay.
"Thank you. Pakisabi kay Seline, thank you." pasalamat nito sa akin na tinanguhan ko naman.
Ako na ang nag lock ng front door at nung gate tapos ay bumusina ako at tuluyang ng nagmaneho pauwi sa bahay.
Habang nagmamaneho ay napatingin ako sa rearview mirror ng marinig ko siyang gumalaw sa likod.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata niya at iginala ang tingin niya sa paligid ng mapansing wala na siyang katabi.
"Nakauwi na si Klaus, pareho kayong tulog kanina and you look tired kaya hindi na kita ginising kanina para makapagpaalam." Sabi ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin at nagtama ang paningin namin sa salamin.
"Hmm..." tumatangong tugon nito.
Bumalik naman na ito sa pagkakapikit niya at nag-inat bago tuluyang humiga at pumirmi sa likod. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa daan at hindi na siya kinausap.
Nang makapag park na ako ay bumaba ako ng kotse para mapuntahan si Seline sa likod.
"Seline" tinapik ko ng marahan ang balikat niya para magising ito.
Hindi ko naman na siya tinawag pa ulit dahil nagmulat na ito at dahan-dahang bumangon. Naghikab siya at nag-inat bago tuluyang bumaba.
"Good evening, Nanay" bati nito kay Nanay ng makasalubong namin ito sa sala. Kasunod nito si Hannah at mukhang katatapos lang nilang magluto.
"Good evening, Hannah" bati naman niya kay Hannah ng mapansin niya ito.
"Good evening." Bati nilang dalawa dito.
"Nagluto ako, kumain na ba kayo?" tanong ni Nanay sa amin.
"Hindi pa po." Sagot ko naman.
"Osiya, kumain muna kayong dalawa." Sabi niya.
"Opo, Nanay, salamat" sabi naman ni Seline at naglakad na papunta sa kusina na sinundan ko naman.
*****
SELINE's POV
Nasa tapat ako ngayon ng bahay nina Mommy. I'm here to give Dad his birthday gift dahil pinangako ko ito sa kaniya. At isa pa ay para na din mabisita ko sila.
DU LIEST GERADE
If Only He
RomantikOur marriage is plainly planned by our parents. Getting close with each other is our own decision to make. But falling in love with him is beyond my control. That's when things gets complicated.
