CHAPTER 4

6 1 0
                                        

SELESTINE's POV

"We good?" si Skie ang bumato sa lalaki.

Nakatayo na ito ng tuwid pero nakaalalay pa din sa kaniya yung kasama niyang lalaki.

Napatingin naman yung lalaking kaaway niya sa hawak niyang pera at kahit may dinadamdam itong sakit dahil sa dumudugo niyang noo ay ngumisi ito. Tumango ito at tumalikod na saka sumakay sa sasakyan niya.

"Woah" sinalo namin nung lalaki si Skie ng matumba ito.

"You must be Seline?" tanong sa akin nung lalaking nakaalalay kay Skie.

"Yeah." Ngumiti ako dito.

"I'm James, nababanggit ka kasi sa akin ni Skie" tumango na lang ako sa sinabi niya.

Ilang saglit pa ay lumapit sa amin si Blake at tinulungan yung lalaki sa pagbuhat kay Skie.

"Who is he?" tanong niya sa akin ng mailagay na nila si Skie sa kotse niya.

"Just someone I know, pinababantayan kasi siya ng Mommy niya sa akin." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin.

"Seline?" napalingon kami kay James ng lumapit ito.

"Hmm?" patanong na sabi ko. Nagtaka naman ako ng iabot niya sa akin ang susi ng kotse ni Skie.

"Pwede bang ikaw na muna ang maghatid kay Skie? Wala kasing ibang tao sa bar e." wala na akong ibang nagawa kundi ang kunin ang susi dahil wala naman na akong magagawa. Alangan namang iwan niya yung bar na walang naka attend.

"Sige, salamat." Tumango siya at nagmadali nang pumasok sa loob dahil nagsibalikan na din yung mga tao doon.

"Uh Blake" baling ko kay Blake. "I think mauuna na ako. Okay ka lang ba dito? Pwede naman na tayong sabay umalis." Umiling siya.

"No I'm good. Take care." Sabi lang niya sa akin at tinapik ako sa balikat ko saka na naglakad papasok sa bar.

Nakonsensya tuloy ako habang pinapanuod ang likod niyang papalayo sa amin. Ako ang nag-aya sa kaniya tapos iiwan ko na lang siya e alam ko naman na ayaw niyang kasama yung mga tao doon sa loob.

Nang tuluyang ng makapasok si Blake sa loob ay pumunta na ako sa sasakyan at sinimulan na itong I drive papunta sa bahay. Nakahinga ako ng maluwang ng ligtas at buo kaming nakadating sa bahay sa kabila ng iisa lang ang ilaw namin kasi nasira dahil sa pagkakabangga ni Skie.

Binuksan ko muna yung main door bago ko binalikan si Skie na mahimbing ng natutulog sa may passenger seat. Napabuntong hininga na lang ako at niyugyog siya saka mahinang tinapik-tapik sa may pisngi niya.

"Skie." Tawag ko dito at ilang saglit pa ay nagmulat ito ng mga mata niya pero agad ding bumagsak ang mga ito.

Sinubukan ko siyang hilahin at napakagat labi na lang ako ng mauntog siya sa may frame ng pintuan ng sasakyan.

"Argh, walk straight you idiot." Tinampal ko ang pisngi niya at dahil doon ay nagising siya at nagkusa naman ng maglakad pero nakadepende pa din siya sa akin and no kidding ambigat niya.

Sa sala lang ang inabot ko kaya inayos ko na lang siya sa sofa. Wala akong balak iakyat siya dahil baka ako ang matuluyan kapag ginawa ko iyon.

Nang maayos ko na siya ay binalikan ko ang main door at siniguradong naka lock itong lahat.

"Seline?" napalingon ako kay Nanay Pas na kalalabas lang ng kusina.

"Hello po, Nanay." Napatingin ito kay Skie at napailing.

"Magpahinga ka na hija." sabi niya sa akin at pumasok na sa kuwarto nila.

Bago ako umakyat ng kuwarto ay dumiretso muna akong kusina para uminom ng tubig dahil nanuyo ang lalamunan ko. Matapos iyon ay dumiretso na ako sa kuwarto at naghanda ng matulog.

If Only HeWhere stories live. Discover now