Chapter 27

1.4K 53 0
                                    

Chapter 27

Shan's p.o.v

Isang linggo na nakakalipas at nakabalik na din ako sa school, si luna naman ay nasa hospital pa at hindi pa nagigising, ngayun ay ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang pasikretong pagsasanay na tinuturo sa'kin ni butler james.

Si daddylo naman ay busy sa company habang ang quadro naman ay palaging kasama ang daddy nila at laging nag bobonding.

"Lalim ng iniisip ah" biglang pitik ni zyril sa noo oo kaya sinamaan ko ito ng tingin
"Iniisip ko lang si luna" sabi ko dito at tumingin sa labas ng bintana.

Naging magkakaibigan na din kami simula nung makalabas ako pero hindi ako masyadong sumasama sakanila kasi nga nagsasanay ako.

"Kamusta nga ba si luna?" Tanong naman ni primo, isa pa 'to fiance na pala niya si luna at last week ko lang nalaman na si ate pala ang may gawa non.

"Ba't hindi mo dalawin? Fiance mo naman ang kapatid ko" sabi ko dito, agad naman siyang nag iwas ng tingin at namula ang tenga, kinikilig ba siya?

"Loh namumula BWHAHAHAHA" sabi ni zyril at tumawa ng malakas, napailing naman ako dahil dun.

"T*ngina mo pre malala kana" sabi naman ni marky dito kaya sinamaan siya ng tingin ni primo.

Nasan kaya si mica'h? Tagal ko din siyang hindi nakita ei, teka! Ba't ko naman siya hinahanap?

"Alam mo shan, pwede mo naman tunungin sa'kin kung na'san yung kapatid ko" tinignan ko si marky na siyang nagsabi non.

"Bakit ko naman tatanungin kapatid mo?" Walang ganang sabi ko dito, napangisi naman siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Diba may gusto ka sakaniya?" Sabi nito kaya nag iwas ako ng tingin, gusto agad? Diba pwedeng crush muna ganon?

"Wala ah, utak mo may ubo" sabi ko dito kaya naman napatawa sila habang si primo naman ay tahimik.
"Alam mo shan okay lang yan, binata kana kaya normal lang ang magka gusto sa babae" sabi naman ni zwayne kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Oo normal lang kaya wag kana magpaka torpe at ligawan muna din si kazumi" ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yun, ang g*go bigla naman ding namula.

"P-pinagsasabi mo?" Tanong nito at umiwas ng tingin kaya napangisi ako lalo, huli ka ngayun.

"Bakit? Hindi mo ba gusto si kazumi?" Tanong ko dito kaya mas lalo siyang namula
"Mukha kang kamatis na pulang pula pre" tawa-tawang sabi ni marky sakaniya

"Ikaw? Kelan mo balak?" Tanong ko kay marky kaya naman nagtataka niya akong tinignan "Ako? Bakit?" Takang tanong nito

"Nakita ko yung ginawa mo, kinukuha mo yung mga naglalagay ng sulat para kay Justine sa locker niya" sabi ko dito, agad naman nanlaki ang mata niya at namumulang umiwas ng tingin.

"Loko shan, dami mong alam ah, baka sakin may alam ka din" biglang sabi ni zyril kaya nginisian ko siya
"Wag ka ngumisi ang creepy mo ah" sabi nito kaya napatawa ako.

"Wala, wala naman akong napapansin sayu ei" sabi ko dito kaya bahagya naman itong napahinga ng maluwag

"Buti nalang" bulong niya kaya napangisi ako "kilala niyo ba si Hera?" Tanong ko sakanila, agad naman napangisi yung tatlo tapos si zyril ay namula

"Oh anong meron kay Hera? Hera ano nga ulit apilyedo non?" Sabi ni marky "salvamonte" sabi ni zyril kaya napatawa si zwayne "alam na alam ah" sabi nito kaya sinamaan siya ng tingin ni zyril.

"T*ngina kayo ah pinagtutulungan niyo ako, susumbong ko kayo kay hera" sabi nito kaya napailing nalang ako.

Hera Salvamonte ultimate crush nitong si zyril na bagong students lang dito, sikat din si hera sa social media dahil sa mabait at maganda ito, role model siya sa dating school nito dahil sa pagiging mabait niya.

Bullying The Siblings Of The Mafia Lord/Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon