Chapter 30

1.4K 49 3
                                    

Chapter 30

Shan's p.o.v

Nagising ako dahil sa malamig na tubig binuhos sa'kin, putik! Malamig talaga? Pwede Naman yung sakto lang.

Sobrang lamig ng binuhos sa'kin na nagpasakit sa katawan ko, makatakas lang ako dito babalatan ko ng buhay ang nga 'to.

"Gising na" sabi nung lalaki kaya nag angat ako ng tingin, yung lalaking bumubugbog sa'kin kanina pa.

May malawak itong ngisi na napalitan ng mapaglarong ngiti, dudurugin ko mukha mo mamaya hayop ka!!.

"Ang pangit mo" walang ganang sabi ko dito na nagpawala sa ngiti nito at napalitan ng inis.

Bigla nalang ako nitong sinapak kaya napabaling sa kaliwa ang mukha ko, ramdam ko din ang hapdi at sakit sa gilid ng labi ko.

Ganon pa din ang ayus ko, nakakadena ang mga kamay habang nakataas tapos nakaluhod ako pero iba na yung kwarto ngayun.

"T*ngina ka" sabi nito at pinagsasapak ako sa mukha, gagantihan ko 'to mamaya.
Huminto ito sa pagsapak sa'kin at naglakad palapit dun sa pader at may pinindot.

Biglang tumaas ang kadena kaya napasama ako hanggang sa nakatayo na ako, wow angas non ah.

"Mas madali kung nakatayo ka" sabi nito at sinikmuraan ako ng paulit ulit at napaubo na ako ng dugo.

"Alam mo, nakaka g*go ka" sabi nito at tinuhod ang sikmura ko at sinapak ako,
Nakakarami na 'to ah.

"Tigil muna yan" isang baritonong boses ang narinig ko kaya nag angat ako ng tingin, pati ang bumubugbog sakin ay huminto din.

"Boss" sabi nito at yumuko, so ito ang boss nila? Angas ng dating niya ah, kasing edad lang ni daddy.

Nagawa ko pa talagang purihin yung kaangasan niya ei lamog na lamog na ako dito dahil sa bansot na 'to.

Malaki nga yung katawa kaso maliit, pandak, napatingin ako sa boss 'kuno' nila na mariing nakatingin sa'kin habang umiigting ang panga niya.

May itsura at maangas pero mas lamang pa din ang daddy ko, nakasuot siya ng black polo tapos nakabukas yung tatlong butones non tsaka siya naka pantalon na kulay itim din.

May kwintas din yung na gold tapos may pendant yun na cross, bagay sakaniya yung balbas niya na nakapag padagdag sa angas niya.

'Mafia Boss?' Tanong ko sa isip ko, lahit na obvious naman ang sagot, Ang angas.
I wonder kung ang maangas ba na gaya niya ay takot sa ipis o kaya alcohol?.

Kasi yung nababasa ko sa wattpad ganon ei pft, pero seryoso ang angas nga niya, perpekto yung panga sarap sapakin.

"Ang pangit mo" walang ganang sabi ko kahit na ang totoo ay kabado na ako, kasi dapat angas yung sasabihin ko ei kaso naalala ko boss pala siya ng bansot ba 'to.

"Aba g*go ka ah" sabi nitong lalaki na kanina pa bumunugbog sakin at sinapak nanaman ako.

Hindi nagsasawa, pag ako talaga nakaganti sa kumag na 'to pagpapahingahin ko na habang buhay.

"Brave ha!" Nangising sabi nung lalaki pero pasimple lang akong umirap, porket maangas pinanindigan naman.

'Hayop susumbong kita sa ate ko' sabi ko sa isip ko pero agad nagsalubong ang kilay ko ng maalalang wala na pala siya.

"Brave ha!" Pang gagaya ko sa boses niya na ikinawala ng ngisi niya at napalitan yun ng seryosong mukha.

Pikon din ata 'to, maasar nga.

"Alam mo ba?" Pagtatanong niya na agad kong sinagot "hindi ko alam" walang gana kong sabi na nagpa igting sa perpektong panga nito.

Agad naman akong ngumisi dahil mukhang napipikon na 'to sa'kin.
'Tama yan mapikon kalang, pinapasaya mo ako'

Bullying The Siblings Of The Mafia Lord/Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon