A/N: Hi! Before you read this story I'll suggest you must read the MHIMG. Para mas makilala niyo po ang character ni pechie, pero kung ayaw niyo naman edi don't haha. This story has a lot of wrong grammar and is not suitable for young readers. So don't judge me because of my writing, I'm still learning so please don't hate me. Anyway enjoy reading this story.
Pechie POV
"Hoy petchay lumabas ka riyan sa kwarto mo at mag-usap tayo!" Kay aga-aga sigaw agad ni Aling Lili ang nadidinig ko.
Napailing ako at nag spray ng pabango bago lumabas ng maliit kong tirahan.
Paglabas ko ay bumungad agad sakin ang pagmumukha ni Aling Lili. Kulubot na ang mukha nito dahil sa katandaan at nakabuhaghag pa ng buhok nito habang nakasuot ng maluwag na daster.
"Aling Lili nakakapangit ang pagsigaw ng kay aga-aga." Aniko. Tinaasan naman ako nito ng kilay at namewang sa harap ko.
"Abay kung nagbabayad kaba ng upa mo bakit pa ko sisigaw ng kay aga-aga?"
Ngumuso naman ako. "Si Aling Lili talaga parang others, magbabayad naman ako ng utang e. Kaya ka tumatanda e."
"Aba't ang batang ito!Halika nga rine at kukutusan kitang bata ka!" Anito kaya natawa lang ako.
Si Aling Lili ang may-ari ng bahay na tinitiran ko. Maliit na bahay lang ito at tamang tama lang para sa akin. Kaso lang kailangan mong pagtiisan ang bibig ni Aling Lili dahil pagsapit ng katapusan ay maniningil na ito ng upa katulad na lang ngayon.
"Wag masyadong stress Aling Lili kaya mas lalong kumukulubot ang balat mo e." Sinamaan ako nito ng tingin kaya natawa pa kong lalo at inabot na dito ang perang pambayad ko sa upa. "Heto na po yung bayad ko, mas nagising ako sa boses mo Aling Lili kesa sa tilaok ng manok."
"Abah dapat lang. Katapusan na bayad bayad din ng upa at ako ay may pinapakaing pang pamilya." saad nito kaya napangiti ako.
Kahit na nga matalak si Aling Lili lalo kapag singilan na ay saludo pa din ako dito. Sa edad na sixty ay kumakayod parin ito para sa kanyang pamilya. Na-istroke kasi ang asawa nito samantalang ang dalawa naman nitong anak ay nag-aaral pa sa college. Matanda na kasing nag asawa itong si Aling Lili kaya naman haggang ngayon ay may pinag-aaral parin ito.
Inakbayan ko si Aling Lili na salubong parin ang kilay dahil sa pang-aasar ko. Nagsimulang na kaming maglakad papunta sa bahay nila.
"Alam mo Aling Lili may binili akong bagong cream. Mukhang effective nakakaputi at nakakakinis daw ng mukha."
"Weh? Baka naman scam na naman yan katulad nung binigay mo sakin nung nakaraang buwan. Abay hindi naman gumana yung cream na bigay mo nangati pa ang mukha ko." Reklamo nito.
Natawa ako. "Aling Lili naman kasi ang sabi don sa direction pagkayari mong ilagay sa mukha mo patuyuin mo ng one minute syaka mo ulit hugasan. Ang ginawa mo naman kasi hindi mo na hinugasan ng mukha mo at hinayaan mo lang matuyo yung cream."
"Abay malay ko ba na yun ang gagawin. Dapat kasi sinabi mo sakin alam mo namang malabo na ang mata ko para basahin pa ang nakasulat don."
Natawa na lang ako ng mahina at huminto na sa paglalakad ng makitang nasa tapat na kami ng bahay nito.
"O siya mali na po ako. Hayaan niyo po at ibibigay ko sayo yung bagong cream na binili ko sigurado akong effective na yon."
"Mabuti naman kung ganon at nahihirapan na kong itago ang mga wrinkles ko." Saad nito kaya natawa na lang ako at nag paalam na dito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nginingitian ang mga taong nakakasalubong ko.
"Good morning petchay."
YOU ARE READING
The Mafia's Secret
Romance(Zennim Nicolous Hanford and Pechie Santos) He's dangerous and cold. Killing is normal for him because of what happened to his past. He doesn't know what love is but what if there's a cheerful girl came to his life? What if the girl have a lot of se...