Pechie POV
Lunes na naman. Bakit ba napakabilis mag lunes? Parang natulog lang ako sandali tapos lunes na agad-agad.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na mula sa kama. Agad nabaling ng tingin ko sa side table at tipid na napangiti ng makita ng picture frame don.
Picture ko yon kasama ang mga bata sa bahay ampunan. Binigay nila ito sakin ng magpunta ko sa kanila. Regalo daw nila yon dahil sa patuloy na pagsuporta ko at pag-aalaga sa kanila. Nakataba lang ng puso naa-appreciate nila ang ginagawa ko.
Naglakad na ko at nagtungo sa banyo. Kailangan ko ng pumasok at baka bugahan na naman ako ng apoy ni miss Prani. Alam niyo naman ang matandang yon paboritong-paborito akong sermunan. Kaya kahit gusto kong mag pa late sa trabaho ay hindi ko magawa baka mamaya ay kaltasan pa ang sahod ko non.
Akala mo siya ang may-ari nung kompanya. Makautos samin wagas.
Pagkayaring maligo ay mabilis akong nag-ayos ng sarili. Hindi na rin ako kumain dahil papalibre na lang ako kay Hari mamaya. Kasalanan naman niya yon dahil hindi niya ko sinama sa tagaytay. Kaya ngayon ililibre niya ko ng breakfast at lunch.
Lumabas na ko ng bahay at agad kong nakasalubong si Aling Lili. May dala dala itong balot ng pandesal at mga gulay na nakalagay sa bayong.
"Aling Lili!"
Humarap ito sakin at agad sumimangot ng makita ako. "Ano na naman ang kailangan mo? Malapit ng magkatapusan yung bayad mo sa renta."
"Si Aling Lili talaga kay aga-aga stress agad. Kaya ka tumatanda agad e, lagi kunot yang noo mo." Sabi ko at inakbayan ito habang naglalakad.
"Eh kung nagbabayad ka kasi ng upa edi hindi ako na-iistress." saad nito at sinamaan ako ng tingin.
"Wag ako Aling Lili. Ang sabihin mo kaya ka stress kasi hindi kana nilalambing ng asawa mo-"
"Bruha kang bata ka! Ang bibig mo talaga ang bastos." Sigaw sakin ni Aling Lili at hinampas ko ng bayong nito.
Napahagikgik na lang ako at pilit iniiwasan ang hampas nito sakin. Tumingin ako dito at ng makita ang mukha nitong namumula na sa galit dahil sa kalokohan ko ay huminto na ko sa pagtawa at inakbayan ito ulit.
"Pinapatawa lang kita Aling Lili. Ang lungkot kasi ng aura mo ngayon." Saad ko dito at nginitian ito. Napahinto naman ito at umiwas ng tingin.
"Naku! Maglubay ka petchay. Hindi mo ko madadaan sa ganyan." Saad nito at tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya at naglakad na.
Napangiti na lang ako ng tipid at humabol dito. Something is not right.
"May problema ba Aling Lili?" Dahil dakilang chismosa ko ay hindi ko na napigilan na tanungin siya.
Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto din ako. Seryoso akong tumingin dito upang mag-intay ng sasabihin niya.
Kahit naman lagi ko tong binibiro ay alam ko naman kung kelan ito problemado o hindi.
Matagal ko na din siyang kilala kaya madali na lang para sakin na malaman kung may problema ba ito o may iniisip. Katulad na lang ngayon. Alam kong may iniintindi ito dahil bakas sa mukha nito ang lungkot. Kahit pa nga itago niya ito sa pagiging masungit niya.
"Malapit nang tumigil sa pag-aaral si Cia." Mahina ngunit may lungkot na saad nito.. Si Cia ay pangalawang anak ni Aling Lili. Kasalukuyan itong nasa second year college. Sa nursing flight attendant na pangarap niya nung bata pa siya.
"Bakit po anong problema?" Takang tanong ko dito. Sayang naman kasi ang pag-aaral nito ang talino pa naman nito kaya nakakapang hinayang kung hihinto ito sa pag-aaral.
YOU ARE READING
The Mafia's Secret
Romance(Zennim Nicolous Hanford and Pechie Santos) He's dangerous and cold. Killing is normal for him because of what happened to his past. He doesn't know what love is but what if there's a cheerful girl came to his life? What if the girl have a lot of se...