Chapter 11

5.2K 130 4
                                    

Pechie POV

"Sister ano pong pagkakaiba ng paghanga sa love?" Tanong ko kay sister habang nasa playground kami dito sa bahay ampunan.

"Bakit mo naman natanong iha?" Malumanay nitong saad at marahang sinuklay ang buhok ko.

"May nakita po kasi akong nag-aaway dun sa labas. Isang babae po at isang lalaki. Tinatanong mo nung babae kung mahal po siya nung lalaki pero hindi po ito makasagot."

"Hindi ba ang sabi ko sayo wag kang makinig sa pinag-uusapan ng matatanda?"

Napanguso ako. Kasalanan ko pa ngayong nadinig ko ang pag-aaway nila. Buhay bata nga naman. Yung tipong tahimik ka lang sa gilid tapos nadadamay ka.

"Eh hindi ko naman po sadya. Nadinig ko lang po hindi ko na po kasalanan yon."

Natawa si sister at kinurot ang pisngi ko. "Ikaw talagang bata ka alam na alam mo kung kelan ka lulusot sa sermon huh? Lagi ka talagang may dahilan."

"Eh kasi naman po maingay po sila kaya nadinig ko. Syaka di po dahilan yon ah."

"Oo na. Ikaw talagang bata ka." Natatawang saad nito at masuyo nitong hinamplos ang buhok.

"Ano pong pagkakaiba ng paghanga sa love sister? Hindi niyo pa po ako sinasagot e." Atungal ko dito.

Tagal tagal kasi e. Daming chika ni sister e.

"Masyado ka pang bata para sa mga ganitong usapan iha." Napasimangot na ko dito at napatitig lang ito sakin bago napailing.

"O siya sige. Pero pagkayari kong sagutin ng tanong mo e pumasok kana sa loob at hindi kapa naliligo. Amoy ka ng lupa."

Tingnan mo tong si sister. Mag eexplain na lang, sasamahan pa ng panlalait.
Tumango na lang ako dito. Tumingin muna ito ng ilang minuto sakin bago tumingin sa langit na para bang may malalim na iniisip.

"Sa panahon ngayon madaming nakakamali pagdating sa pag-ibig. Yung iba ay masyadong nagmamadali at yung iba naman ay namamali ng pili."

"Madaming nasasaktan dahil sa maling pagkakaintindi ng paghanga sa pag-ibig. Ang paghanga kasi anak ay panandalian lang nararamdaman ng isang tao. Pwedeng nagustuhan mo lang yung taong yon dahil sa gwapo ito o maganda. Ngunit nawawala din ito katagalan."

Tumingin ito sakin at bahagyang piniga ng pisngi ko bago nagpatuloy.

"Samantalang ang love naman anak ay pangmatagalan. Hindi ito panandalian lang."

Ngumuso ako. "Eh ano pong pagkakaiba? Hindi ko po maintindihan."

"Ang paghanga ay isang panandalian na nararamdaman mo sa isang tao. Samantalang ang love naman ay pangmatagalan na nararamdaman ng isang tao."

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko pa din maintindihan ng gustong sabihin ni sister. Para inulit niya lang ang sinabi niya kanina e. Gulo din niya intindihin e.

"Hay ang batang ito." Humarap ako kay sister at ngumuso.

"Isang paliwanag pa po."

"Ang paghanga ay nawawala samantalang ang love o pagmamahal ay mananatili. At paano mo masasabi na love na ng nararamdaman mo? Yun ay kapag handa mong isugal ang sarili mong kasayahan para sa taong yon. Kung handa mong isakripisyo ang buhay mo para sa taong yon."

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now