Pechie POV"Maraming salamat iha. Ako man ay nanghihinayang sa grade ni Cia kaya kahit ako ay ginawan din ng paraan ang tuition niya. Kaya lang ay hindi talaga kinaya kaya wala rin akong nagawa." Saad ng teacher ni Cia habang nandito kami sa office niya.
Dito ako dumeretso pagkatapos ng trabaho ko sa opisina.
"Ayos na po yon. Pasabi na lang po kay Cia na pwede na ulit niyang ipag patuloy ang pag-aaral niya. Kung may babayaran ulit ay paki contact na lang po ako sa number na binigay ko." Ngiting saad ko dito. Wala naman din nawawala sakin kung tutulong ako kahit konti diba?
Tumango din ito sakin. Kita sa mata nito ang saya. "Sige iha. Siya nga pala kaano-ano mo si Cia? Bakit ikaw ang nagbayad ng tuition niya?"
Ngumiti ako."Kapit-bahay po."saad ko at kita ang gulat sa mata niya ng marinig ang sinabi ko.
Sa panahon ngayon mas marami pa yata ang tumutulong sa hindi nila kadugo kumpara sa sarili nilang pamilya. Bakit nga ba ganon?
Ang ibang pamilya kasi ngayon sa halip na magtulungan ay nagpapataasan pa. Nagkakainggitan at nag paplastikan. Ang iba ay gustong mas makapang-yarihan siya sa lahat na kahit salamat ay hindi kayang sabihin. Yung tipo na dapat siya ang laging nasusunod.
Kaya minsan mas masarap tumulong sa hindi mo kadugo. Dahil kaya nilang pahalagahan ang binigay mong tulong na kapag ikaw naman ang may kailangan ay ikaw naman ang tutulungan nila.
Katulad nila Aling Lili. Tinulungan ko sila hindi para tanawin nila yong utang na loob kung hindi ay para magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak niya. Alam ko kung ano ang tanging kahilingan ng mga magulang sa kanilang anak. Yun ay makapagtapos sila ng pag-aaral at maging maganda ang buhay. Dahil sabi nila edukasyon lang daw ang maipapamana nila sa kanilang anak na hindi mananakaw ng kahit sino man.
Sa bahay ampunan ay ganun din ang sinabi sakin ng mga sister don. Na kahit mahirap pilit nilang pinag-aaral ang mga bata sa bahay ampunan dahil sobrang halaga daw non sa buhay.
At alam kong yun lang din ang hiling ni Aling Lili para sa anak niya. At kaya ko namang tumulong so bakit hindi natin sila tulungan?
Madami na rin naman akong naipon at hindi ko naman madadala ang ipon ko na yon kapag namatay ako. Kaya bakit hindi ko na lang ipangtulong sa iba. Nakatulong na ko may napasaya pa ko.
"You looked happy."
"Ay palakang malaki." Gulat kong saad at humarap sa gilid ko. Ang mukha ni fafang savior ang sumalubong sa maganda kong mukha.
Nakataas ang isang kilay nito at may munting ngisi sa labi.
Grabe naman ang lalaking to. Gulatin daw ba ko sa gilid ng kalsada? Gabi na din kasi at naglalakad ako papunta sa village kakauwi ko lang galing school.
"Do you think I'm a big frog?" Tanong nito sakin. Napanguso naman ako dahil don. Di ba pwedeng reaksyon lang yon?
"Tangeks, expression lang yon pag nagugulat."
Napatango naman ito.
"Saan ka galing?"
"Ay wow! Close ba tayo at tinatanong mo ko ng ganyan?"
Asar ko dito. Wag ako fafang savior! I'm pretty sure type ako nito.
Kung makapag tanong kasi parang walang nangyaring landian nung huling pagkikita namin para hindi kami naglap–
O baka nakalimutan na niya agad?
Subukan niya niya lang kalimutan at hahagisan ko siya ng dinamita!
"Just answer my question." Seryoso nitong saad at bahagya pang lumapit sakin.
YOU ARE READING
The Mafia's Secret
Romance(Zennim Nicolous Hanford and Pechie Santos) He's dangerous and cold. Killing is normal for him because of what happened to his past. He doesn't know what love is but what if there's a cheerful girl came to his life? What if the girl have a lot of se...