CHAPTER 4

36 9 0
                                    

Isang mahinang katok ang nagpabalikwas sa akin mula sa malalim na pagkakatulog‚ hinawakan ko muna ang ulo ko  I'm so glad na hindi na hindi na ito gaanong masakit. I grabbed my phone on the bedside table para tingnan ang oras‚ it’s past ten in the morning. Maingay na ang paligid at halos abala na ang lahat samantalang kagigising ko lang. My head was aching last night that much huh. Damn you Gwevera!

"Shia gising na!" patuloy padin ito sa pagkatok ng mahina kaya tuluyan na akong tumayo.

"Mommy babangon na po," medyo nahihilo pa ako kaya hindi muna ako tumayo‚ hinintay ko munang mahismasmasan ako ng tuluyan.

"Pagkatapos mo mag-ayos bumaba ka na. Hindi pala kita ginising ng maaga baka masakit pa ang ulo mo. Ang Kuya mo pumasok kaninang umaga," tuloy-tuloy na saad ni Mommy bago tuluyang umalis sa harap ng pintuan ko.

Siguro mabuti nadin na hindi ako ginising ni Mommy baka pinaulanan ako kanina ni Kuya ng mga tanong. My head was aching so bad last night na naging dahilan ng maganda kong tulog at napasobra pa ata.

Inayos ko muna ang higaan ko habang patuloy na humihikab. Masyadong boring sa bahay‚ so I'll come to class this afternoon. Lumapit ako sa bedside table upang muling tingnan ang oras sa selpon ko ngunit napukaw ng isang panyo ang atensiyon ko—ang panyo ni Vrix. Kinuha ko ito at inamoy‚ nakaka-adik ang amoy nito. Kung wag ko na lang kayang isuli‚ pwedeng stress reliever ang bango nito. Mahina kong sinampal ang sarili ko‚ kung anu-ano na kasi ang naiisip ko. Kasalanan to ni Vrix‚ naalog ata utak ko.

I saw Mommy and Daddy talking while laughing together‚ sana ganito na lang palagi‚ sana wala akong nalaman‚ sana magiging maayos din ang lahat. Hayts! I sighed heavily bago lumapit sa kanila upang sumabay sa pagkain.

"How's my baby?" Daddy questioned me‚ I throw a glance on him and gave him  a gleeful smile. Maybe I should forget what I did saw. I love my family more than anything else.

"Yessss Daddy‚ I‘m totally fine."

"Sus inlove ka lang kay Vrix eh," napaubo na lang ako dahil sa biglaang saad ni Mommy. I throw a glare on her before sitting in front of Daddy.

"Hon, wala na tayong baby,” Mommy pouted her lips to Daddy‚ natawa na lang si Daddy sa akto ni Mommy.

"Gawa tayo bagong baby, Hon," Daddy teasingly said to Mommy. Nagsitayuan naman ang balahibo ko.

"Yuck kayo Mommy‚ Daddy!!!!"

"Bakit Shia? Ayaw mo ba ng kalaro?" Mommy mocked on me while winking at Daddy.

"Ew mga lason!!!!" inirapan ko silang pareho at kumain.

"Ano Shia? Gusto mo ba ng kala—."

"Shut up Mommy!!!!! I‘m eating bawal abalahin baka mabulunan ako‚ mahirap na baka mabawasan lahi ng maganda," direstso kong saad bago nagpatuloy sa pagkain. Gaya ng inaasahan ko tumigil sila sa kakaasar sa akin. Damn it‚ I don‘t need a playmate!

Nagpaalam ako kay Daddy at bumaba na sa sasakyan. I watch him drive away bago ako pumasok sa campus. As I enter the gate‚ I saw Vrix holding a black umbrella while walking towards me. Ano na naman ang kailangan ng isang ito!

Medyo masakit ang sikat ng araw pero kaya ko namang tiisin‚ kaya hindi na ako nag-abalang kunin ang payong ko sa bag. Katamtaman lang ang bilis ng bawat hakbang ko‚ mahaba pa naman ang oras ko bago ang magsimula ang klase.

"Shia!" I throw a glance at Vrix while raising my right eyebrow‚ patakbo itong lumapit saa akin.

"How's your head? Does it hurt so bad?"

"Oo nga kaya hanggang ngayon sobrang masakit ang ulo ko‚ kasalanan mo kasi!" I give him a fake smile at mas binilisan ang hakbang ko patuloy naman ito sa pagsunod sa akin.

Twisted Fate by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon