CHAPTER 16

24 4 0
                                    

My days passed so normal, like just a boring one.

I will start my day to eating, bathing, sleeping, eating, watching the golden scenery of the drowning sun, back to eating and then sleep again.

I am not enjoying my vacation anymore for I kept on caging myself inside this house, I am locking myself in this house for I am scared that our path will cross. Bakit nga ba takot na takot akong makita ito? May dapat ba akong katakutan?

Nakamove-on na lahat lahat, ako na lang ata hindi. Why should I let myself being stuck in fucking past? I need to move forward.

Nakalimutan na din siguro ako ni Vrix, baka nga nakahanap na siya ng babaeng para sa kanya at sa kasamaang palad hindi ako ang babaeng 'yon. Muling kumirot ang puso ko dahil sa sariling isipin. I need to train myself to accept the fact that he's my brother. My half brother.

Kaya gano'n na lang ba ang galit ni Tita Moneth ng makita niya si Mommy? Because from the very beginning she knows everything. She knows that I am the product of cheating, I am the daughter of Frianylle Flaviano who tried to take her husband from her. Kung ako din naman siguro, gano'n din ang gagawin ko.

"Mommy, if you don't mind can you tell me the story behind your love from Daddy?" patuloy padin si Mommy sa pagsuklay sa mahaba kong buhok, I am watching her emotions in her reflection in the mirror.

Patuloy padin ito sa marahang pagsuklay sa buhok ko. "Si Gab—ang Daddy mo mayroon itong kasintahan na nagngangalang Crizelda, hindi ko lang tanda kung ano talaga ang pangalan nito. Kagaya ko ay magandang dalaga din si Crizelda kaya napa-ibig niya ang 'yong ama," napalunok ako sa tinuran ni Mommy, so therefore Crizelda is my father's first love. Damn, kaya gano'n na lang maghabol si Crizelda kay Daddy, ako lang pala ang nakaka-alam kung ano man ang nasaksihan ko sa ilalim ng maliwanag na buwan at sa Don Melvory's Café.

"Sa kabilang palad naman ako ay umiibig kay Primo—sa ama ni Vrix," gulat ang naging ekspresyon ko, hindi lang pala basta-basta ang nakaraan ng mga magulang ko.

Tumigil si Mommy sa pagsusuklay ng buhok ko at nagsimula itong tirintasin ang mahaba kong buhok.

"Mahal na mahal ko si Primo ngunit hindi niya kayang ipaglaban ang pag-iibigan namin sa magulang niya at gano'n din naman ako sa mga magulang ko. Parehong may malalaking kompanya ang pamilya namin ngunit ang kompanya na pagmamay-ari nina Primo ay palugi na kaya gano'n na lamang ang pag-ayaw ng mga Lola at Lolo mo sa pag-iibigan namin," mababaw naman pala ang rason nina Lola, pwede pa namang maayos ang kompanya ng pamilya ni Tito Primo—my biological father. Damn, the world love is too wide to understand.

"Gaya ko ay pinagkasundo din si Primo na ikasal kay Moneth—ang Mommy ni Vrix, sinubukan naman naming lumaban ni Primo ngunit hindi padin sapat ang pag-ibig namin sa isa't-isa para makamit ang kaligayahan namin ng magkasama. Lahat ng mga pangarap ko na kasama si Primo, nabuwag yon. Katulad mo nawasak din ako, nawasak din ako ng pag-ibig. Matagal ng may gusto si Moneth kay Primo kaya ginamit niya din ang kompanya nila upang mapasakanya si Primo, naging matagumpay ito plano niya. Sa mga lumipas na segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon, o maging dekada man ay baka umiibig na din si Primo kay Moneth," hindi talaga madaling makamatam ang kaligayahan sa pag-ibig dahil kailangan mo pang maranasan ang salitang sakit, hindi mo talaga masisilip kong sino man ang nakatadhana sa'yo. Love is unpredictable.

"Pinagkasundo ako sa Daddy mo, kay Gab. Gaya ko ay hindi din gusto ni Gab ang maikasal sa akin, pareho lang kaming iniipit ng mga kompanya namin, mga naglalakihang kompanya na ang nais lamang ay lumago at lumaki. Parang nabuhay lang kami para higit na mapalago ang kompanya ng mga magulang namin, kinontrol ng pera kung sino ang magiging kabiyak namin. Nawalan kami ng karapatan na umibig ng malaya sa taong mahal namin. Hirap din akong tanggapin ang naging kapalaran namin, lahat kami ay biktima lang ng pag-ibig. I married Gab, as the time pass by I learned to love him. Naging maayos naman ang relasyon namin until one night I was drunk, I was crying like mess. A total mess, I was invited Lasha pareho naming itong matalik na kaibigan ni Primo kaya hindi kami makatanggi sa alok nito na pagdiriwang. Hindi ko alam pero sa mga sandaling 'yon nagpakalunod ako sa alak, lahat ng sakit bumalik. Kasal na ako kay Gab at may anak na kami—ang Kuya mo. Hindi ko alam ba't nagpakagaga ako sa alak, hindi inaasahan na si Primo ang umalo sa akin dahil sa patuloy kong pag-iyak. Ng mga sandaling 'yon hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, ng gusto ko lang ay maging masaya kasama ni Primo, ang muling makulong sa mga bisig nito. Ang muling makasama ang lalaking tunay kong minahal," nagsimulang mamuo ang mga luha ni Mommy na agad ding dumaloy sa mga mata nito, hinarap ko siya bago niyakap ng mahigpit. Nakakabobo nga talaga ang pag-ibig, lalo na pag pinagkakait sa'yo.

Twisted Fate by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon